DELL'S POV
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakatayo si sir paharap sa malaking bintana na halos makita mo na ang syudad at ang nag-gagandahang mga ilaw
" Sir, pwede na po kayong gumamit ng banyo, tapos na po ako"
Tumango siya ng hindi tumitingin sa akin, ano nanaman bang nagawa ko..napaisip ako, pero wala talaga kaya walang dapat ika-guilty
" Uhm, sir? May sasabihin po ako sa inyo"
Siguradong matutuwa si sir na magre-resign na ako pagbalik namin sa Pilipinas, good news to sa kanya
" What!? You're talking too much already!"
Napa-atras ako dahil sa kaba, ba't nanaman ba to sumisigaw, okay naman kanina eh..
" Uhmm, diba po uuwi na tayo ng pilipinas bukas sa hapon? "
Humarap siya sakin ng nakataas ang kilay
" Tapos? " sarcastic niyang pagkasabi
" Magre-resign po ako pagkatapos nito"
Lumaki yung mata niya halatang nagulat sa sinabi ko at sinuntok niya yung lamesa na nasa gilid niya
" Why!!!?..Give me ten reasons!!!! "
" Sir, i-i-isang rason lang po eh"
" And what!!!? "
Natatakot na talaga ako sa kanya, lumalabas ang pagiging demonyo niya :'(
" Kasi mag-aaral po ako sa pangalawa kong kurso"
" Really huh? Are you not contented in your job?"
Lumapit siya sakin unti-unti at paatras ako ng paatras, hanggang sa tumigil siya kaya nakahinga ako ng maluwag
" Kontento po, ka-kaso gusto akong pag-aralin ni mommy eh"
Tumalikod siya sakin at sinabunutan ang sarili niya at umupo sa dulo ng bed na nakahawak sa gilid ng ulo niya at lumapit ako sa kanya...ano bang nangyari sa kanya?
" Sir? May problema po ba? "
Hinawakan ko siya buhok niya at lumuhod ako para makita ko ang mukha niya na nakayuko at tinabig niya ang kamay ko
" Shut up!!!!..don't talk to me! "
" Sir? May nagawa nanaman po ba ako na ayaw niyo?"
Inalis ni sir ang kamay niya na nakalagay sa ulo niya at tumingin sa akin ng masama kaya napatayo ako at umatras.... ano nanaman bang ginawa ko sayo? Di talaga kita maintindihan eh?
" Then leave the company, anytime you want! I don't care..I can easily get a secretary better than you "
Tumayo siya at tumungo sa banyo...ang sakit naman yata ng mga sinabi niya, pumunta ako sa kama at natulog na lang, wala na akong magagawa..akala ko kasi tatalon siya sa tuwa eh, kaso kabaliktaran yung nangyari
Nagising ako at tumingin ako sa orasan..6 am, tumingin ako sa katabi ko, tiningnan ko siya ng maigi
Ang gwapo niya grabe, hindi to siya pure filipino kasi ang tangos ng ilong at naaalala ko na may pagka light blue ang mata niya
at------ naramdaman kong bumabaliktad yung sikmura ko kaya tumakbo ako papunta sa banyo at sumukaShit, ano bang kinain ko?...nahihilo akong umupo sa kama ng hindi nadidistorbo ang pag-tulog ng boss ko
Bumabaliktad nanaman ang sikmura ko at tumakbo nanaman ako sa banyo para sumuka..ayoko na nito!! Ang sakit sa lalamunan!
VOTE & COMMENT ♥:-D
BINABASA MO ANG
Business matters
General FictionDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...