Part 34

12.9K 264 5
                                    

DELL'S  POV

Ginagala ko ang tingin ko sa venue kung meron bang Deither franco dito, kaso wala...teka! Di ako nadismaya ha, chine-check ko lang kung meron ba siya dahil kinakabahan ako kung ano mang sabihin niya..yun lang

Unti-unti ng nagsilabasan ang mga tao, tapos narin kasi yung party eh

" Sweetie, let's go find your mom"

Tumango ako kay dad at pumunta kami sa pwesto ni nathan at jana na kanina pang nagtatawanan at si mom na nakikipag-kwentuhan rin sa mga lovebirds....nakakakilig silang tingnan hahahaha

" Guys, the party is over, were going home"

Tumayo si mommy na nae-excite

" Come on, kawawa na yung apo natin doon iniwan nanaman natin kay manang fe..siguradong malungkot nanaman yun"

Greyson ang pinangalan ko sa anak ko, 4 years old na siya ngayon, matalino at ang gwapo ng anak ko, at maraming nagsabi nun hahaha.....kaso halos palagi na lang kaming ipatawag sa guidance office dahil sa mga kalokohang pinagga-gawa niya

Lumabas na rin kami sa hotel at nagsi-uwian, si nathan ay nakisabay samin dahil iniwan niya yung sasakyan niya sa bahay namin

" My Family!!!!!!!"

Tumakbo papalapit si Greyson samin at niyakap namin siya at siya na rin ang nag-reklamong hindi na daw siya makahinga kaya kinalas agad namin ang yakap sa kanya

Tumingin siya sakin ng naka-pout ang mga labi, ang cute niya

" Mommy, ang lungkot po sa bahay..parati ko na lang nakikita si manang fe"  tinuro niya si manang fe  " nakakasawa na siya"

Tinakpan ko ang bibig niya, aba't pati si manang fe sinasabihan niya ng ganyan, talaga tong batang to oh tsk tsk tsk

" Hindi maganda ang ginagawa mo greyson ha, anong sabi ni mommy sayo? "

" Rumespeto sa nakakatanda...tsss"

Napatawa silang lahat sa sinabi ni Greyson nilagyan pa kasi niya ng tsss

Nagsi-punta kami sa sarili naming kwarto at nag-bihis at bumaba na kaagad dahil may ipapakita daw samin ang baby ko

" Mommy!!! Faster!"

Tinakbo ko na yung hagdan at umupo ako sa gilid ni Nathan

" What do you want us to see? "  sabi ni nathan na nakangiti

Nilagay niya yung nakuha niyang medal sa quiz bee at sa spelling sa maliit na lamesa

Pinalakpakan namin siya at tumungo siya sa kusina at bumalik na may hawak hawak na malaking plato na nakatakip, ano nanamang ipapakita nito?

" Tada!!!!"

Binuksan ng baby ko yung plato at bumungad samin ang cake na di ko maintindihan kung sinong baker ang nag-bake nito

" hahahahahahaha!!! Ang pangit!! Pffft!!"

Tumawa si jana ng malakas at nilait pa ang cake na bumungad samin

Kinurot ni mommy si jana at tiningnan siya ng masama ni dad dahil sa ginawa niya...umiiyak na kasi si Greyson kaya lumapit si nathan sa kanya at pinapatahan niya to

Tumayo si mommy at kumuha ng plato, ng may marinig na kutsara at napangiti ito

" Look apo , lola and lolo was going to eat"

Sumubo si mommy at dad pero nakita naming nag-iba yung mukha nila pero tumalikod sila para di makita ni greyson

" Grabeh!!..sinong nagluto nito apo..whoo!!! Ang sarap grabe"

Nag-thumbs up pa sila ni dad, kunyaring sarap na sarap sa natikman at sumenyas si dad na bigyan sila ng tubig at para silang nakahinga ng maluwag at nagyayang kumain rin kami

Pero umiling kami dahil ayaw naming sumubok..nakakatawa si mommy at dad nung kumain na sila ng cake, ewan ko kung anong lasa...si nathan nakakain siya ng cake, kami ni jana ang di sumubok sa challenge hahaha

Paniguradong ito ang ginawa ng anak ko nung nasa party kaming lahat

VOTE & COMMENT ♥




Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon