DELL'S POV
Hininto niya ang sasakyan sa isang ring shop at hinila niya ako papasok
" We have to choose rings"
" Akala mo talaga pumayag na ako no? "
" Yeah, I just know"
Ang lakas talaga ng hangin ng isang to
" Uhm, sir? What do you want? "
Tiningnan ko ang babae na lumalandi na kay deither nakakainis to ah , aba't ang sarap nga namang isubsob, sir lang ang sinabi? Para naman yata akong invisible nito?
Pumili si deither, pinili niya yung silver at nababalutan ito ng maliliit na diamonds na nakapalibot sa singsing..ang ganda, pero alam kong isosoli ko rin to pagkatapos
" Were buying these "
Pagkatapos namin sa ring shop, ay may tinawagan siya at hinintay namin yung tinawagan niya ng ilang minuto rin
" Dude!! What kind of urgent is that? "
" Were getting married, because my client was a family-oriented and we're just giving what he likes and then after this, were filing our divorce"
Nilakihan ako ng mata ni nathan at hinila niya ako sa malayo kay deither, para di marinig ang pag-uusapan namin
" Nahihibang ka na ba?..effort ako ng effort na hindi sagutin ang tungkol kay greyson kapag nagtatanong siya..and you? Papakasalan mo pa? Your crazy...paano kung malaman niya?"
Napaisip ako, oo nga no? Pero gagawin ko ang lahat para di niya
malaman ang tungol sa pagkatao ng anak ko" Ako na ang bahala"
" I'm just giving you a warning, gawin mo kung ano ang gusto niya, at wag mong ibe-break ang rules niya..kilala ko ang pinsan ko dell, I'm just concerned "
Tumango-tango ako at sumakay na sa sasakyan, pinatakbo na ni deither yun papunta sa judge,..okay? Hindi man lang namin iimbitahin ang family namin, well, di naman din to seryoso eh
Natapos kami ng ilang minuto doon sa judge..at kasal na nga talaga kami ni deither..nauna ng umuwi si nathan samin dahil may date pa daw sila ni jana
" Bumaba ka na"
Pumasok kami ni deither sa bahay dahil pinapa-impake niya ako ng mga gamit ko dahil doon daw kami ni greyson titira sa bahay niya..
" Goodevening tito and tita "
" Goodevening deither"
" Sweetie ang tagal mo yata nakauwi ngayon? "
Yeah, ginabi nga talaga kami ni deither, mga 9:00 pm na kami nakauwi dahil matapos naming magpakasal doon sa judge ay pinuntahan pa namin ang kumpanya
" Uhm, dad, mom..nagpakasal po kami ni deither...at titira muna po kami ni greyson sa bahay niya"
Inangat ko ang kamay ko kung asan nakalagay ang singsing
" What!!!! Seriously? "
" Mom, dad..business matters lang po to"
" You children shouldn't have played the marriage thing...sa nagmamahalan yan, hindi yan sa naglalaro!"
Alam kong galit si mommy sa ginawa ko, napayuko lang ako at hinanap ng mata ko ang anak ko
" sorry po mommy"
" Nandiyan na eh, wala na tayong magagawa diyan, tapos na"
Tiningnan ko si dad na pinipigilan ang pag-tawa..siguro plano niya kaninang hindi pumunta eh, para matuloy talaga tong kasal nato eh..sinimangutan ko si dad at tumawa siya ng mahina, napailing ako sa inaasta ni dad ngayon, para siyang bata
" Mommmyy!!..Dadddyyy!!"
Tiningnan ako ni greyson ng nagtataka kung bakit ko kasama si deither, nagtataka siya dahil ito yung sinabi ko sa kanya kagabi na i-limit na lang ang pakikipag-kita kay deither, dahil may sarili rin itong buhay at someday magkakaroon ng sariling pamilya
" Were married baby, masaya ka na?..palagi mo na siyang makikita? Wag ka ng umiyak ulit ng ganun ha?"
Niyakap ako ni greyson at pagkatapos ay nagpa-karga siya kay deither at umakyat ako ng taas para i-empake ang gamit ko at gamit ni greyson
Bago kami umalis ay niyakap ng mahigpit ni mom at dad si greyson at umalis na kami
Welcome to his complicated world
VOTE & COMMENT :-D ♥
BINABASA MO ANG
Business matters
Fiksi UmumDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...