DELL'S POV
Gabi na akong gumising at lumabas ako ng kwarto para kumain
" Kumain ka na dell, punta tayo sa bahay ng babes ko"
Hahaha, sineryoso yata talaga nilang dalawa ni nathan eh, pero okay na yun masaya naman itong si jana eh
" Saan si mom?"
" May pinuntahan daw sabi ni manang fe"
" eh si dad?"
" Ang kulit rin ng buhok mo eh , diba sinabi na ni mom na inaasikaso niya ang business"
Ay oo nga pala...umupo ako at kumuha ng makakain, inamoy ko ito at di ko nagustuhan ang amoy kaya tumayo ako at nagluto ng hotdog
" Oh, ba't ayaw mo? Paborito mo kaya yan, haler!!..chopsuey yan noh, at ako pa ang nagluto niyan"
" Hindi ko feel"
" Wow lang"
Bumalik ako na dala-dala na ang walong hotdog na niluto ko at nilublob ko sila sa peanut butter...tiningnan ko si jana habang ngumi-ngiti at ng napansin kong tumitingin ito ng nagtataka
" Masarap to jana, promise"
Lumapit ako sa kanya at tinusok ko ang hotdog sa tinidor tapos pilit kong nilalagay to sa plato niya
" Hayaan mo nalang siya sa plato mo, tapos tikman mo na rin...masarap nga yan"
" Wag mo akong idamay sa kalokohan mo dell"
Napasimangot ako sa sinabi niya at tumayo ako hawak-hawak ang plato ng hotdogs at nagsimula ng maglakad paalis
" Sige na, sige na kakainin ko na to"
Lumingon ako sa kanya ng nakangiti
" Ganyan nga jana, mabuti't naisipan mong maging mabait"
Napalaki ang mata niya sa sinabi ko, at kumunot ang noo niya
" Bakit mabait naman ako sayo ah? Ayoko lang talaga kasi ng pagkain na to, pinagtri-tripan mo ba ako?"
" Hindi ah, diba nagsasabi ako ng totoo sayo palagi? Kaya go, tikman mo na"
Kinagat niya ito ng napipilitan at umaliwalas ang mukha niya at tumingin sakin ng natatawa
" Masarap nga dell, pero ang weird ng taste mo.."
Kinain na namin ang hotdog at apat-apat kami para hating-kapatid...pagkatapos naming kumain ay umalis kami dahil pupunta daw siya kay Nathan
Pumasok kami sa magarang bahay na silver and black lang ang makikita mo sa bawat sulok ng bahay
" Ang ganda ng bahay mo Nathan ha"
" Yeah, I know"
" Ang hambog mo, walang pinagka-iba sa pinsan mong bipolar"
Napatawa siya sa sinabi ko at humarap sakin
" I'm gonna tell him, hala ka!"
" Okay lang na-fire na ako...late ka na sa balita"
Parehas sila ni jana na nagulat sa sinabi ko
" Talaga!!!!" sabay nilang sabi
Tinaasan ko sila ng kilay, ang big deal ha..ang oa nila
" Mabuti yun dell haahhahaha..tagumpay ang plano"
Papalit-palit ng tingin samin si Nathan hahaha, natatanga na siya
" Bakit naman naging mabuti jana?...You know, sayang yun"
sabi ni Nathan ng nanghihinayangPinanlakihan ko nang mata si jana, mamaya't ano pang sabihin niya at mabulgar ang nangyari samin nung pinsan ni nathan, dahil nag hahanap ng maisasagot si jana ay ako nalang ang nag-salita
" Ahh, uhmm..mag-aaral kasi kami ng business ni jana, yun yung plano"
Umupo si nathan sa sofa at tinaasan kami ng kilay
" Don't tell lies my dear..ano yung planong sinasabi ni jana kanina?"
" Ano ba naman yan, pati ba naman dun..diba sinabi naman ni dell kanina na mag-aaral kami?...wag mo na ngang gawing broad noh"
Tinatakpan ni nathan ang tenga niya ang cute, parang bata
" Wag niyo akong lokohin, may plano kayo sa pinsan ko no?"
Napataas ang kilay namin ni jana sa sinabi niya..wala kaming planong masama no!
" Wala, mabait kami" sabi ni jana
Umupo kami ni jana dahil walang gamot sa varicose haahaha
VOTE & COMMENT ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/37802886-288-k578183.jpg)
BINABASA MO ANG
Business matters
General FictionDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...