PART 61

18.8K 326 50
                                    

Naglakad ako ng mabilis para iwasan si deither at tumungo sa kwarto ni greyson at yun nakatulog sa kaiiyak.

Lumabas ako sa kwarto at tinungo ko ang kwarto namin ni deither. Hingang malalim dell. Alam kong magtatanong nanaman si deither tungkol kay greyson

"Hi"

"I want to ask something"

Tininingnan ko si deither at ang hawak niyang litrato.

"Yes?"

"Im just wondering. Why we really look the same when were young eh hindi naman siya galing sakin"

Anong isasagot ko dito. Langya naman o!

"Ah eh ewan ko rin. Baka namalikmata ka lang deither"

Kinuha ko yung picture niya noong bata pa siya at tiningnan ng maigi. Hindi ko akalaing magkamukha ng sila ni greyson.

"See? We really are the same"

Napatango ako ng wala sa sarili at pinipigilan ko yung mga luha ko. Ngumiti ng malawak si Deither at kinuha yung litrato

"So since magkamukha kami I can pretend to be his real father"

Napatingin ako sa kanya. Akala ko ba ayaw niya magkaanak? Nawala yung mga ngiti niya sa labi ng napansin niyang hindi ako ngumingiti

"Can I dell? Oh sorry if you don't like the idea"

"Ah hindi hindi okay lang sakin. No big deal. Diba hindi ka masyadong mahilig sa bata? I mean ayaw mo ngang magkaroon ng asawa eh anak pa kaya?"

Tinaasan niya ako ng kilay at lumapit sakin

"Who says that? I want to have my own family. Pero I don't have the guts to trust some women"

Hinihimas niya yung mga braso ko at para akong nakukuryente sa mga ginagawa niya. Ang lakas ng epekto sakin ng lalakeng to

"Eh de start to trust women. Diba sabi ko sayo hindi lahat ng babae katulad ng mom mo?"

Bumulong siya saakin at habang ginagawa niya ito ang bumibilis yung tibok ng puso ko. Naku naman tong si deither ang lakas ng epekto sa katawan ko

""Yes I'm starting to trust one. And I'm very very sure na she won't cheat on me"

"Ah eh eh maganda yan. Sino? Pakilala mo naman sakin"

Hinalikan ako ni deither na ikinagulat ko. Tinulak ko siya ng hindi masyadong malakas at tiningnan siya ng kunot ang noo

" Deither! Ano ba! Sexual harassment na yang ginagawa mo ha"

"I guess not. Your my wife and its normal"

"Normal? Talaga lang ha. Teka deither may sasabihin sana ako sayo"

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago ako umalis sa harapan niya. Siguro dapat ko ng sabihin kay deither ang totoo.

Hinanap ko sa cabinet yung damit niyang sinuot ko dati nung may nangyari samin at pumunta ako sa harapan niya

Nagulat siya sakin at umupo siya sa edge ng bed at tumingin sakin ng nakakunoot ang noo nito at may parang may inaalala siya.

"Is it you? I mean we did it that night?"

Yumuko ako at tumango. Huminga siya ng malalim at pinikit ang mga mata niya at pinipigilan ang galit niya na nakikita ko ngayon sa kanya

"Why didn't you tell me!?"

"Ba't ko naman sasabihin. Eh hindi naman tayo close nun. Ang rude mo nga eh"

"Dell!! Did you hear yourself? Alam ko na. Greyson is my son right?"

Yumuko ako at tumango. Tumulo ang luha sa mga mata ko

"So-sorry. Natatakot kasi akong hindi mo ako paniwalaan. Ayoko lang marinig na ire reject mo ang anak ko"

"Fine!! Yes Im afraid of having a child. But I want to have one without getting married"

"Oo na ayan na natupad na ang pangarap mo. May anak ka na at pag nag-divorce na tayo hindi ka na married"

Nagulat siya sa sinabi ko. At ibinalik niya rin yung pagka seryoso niya

"No I'm not going to divorce you"

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

"We can continue this. I have my son and you. Package deal"

"Package deal? Di nga tayo magkasundo eh."

"If you don't like it then i want a full custody"

Kumunot yung noo ko. At aba ako pa ang tinakot nito. Mabuti pa dapat hindi ko na ipinaalam sa kanya. Nakakainis.

Sinundan ko siya sa banyo at pinaharap ko siya sa akin

"Hindi maganda kay Greyson ang gagawin mo deither. Please wag kawawa siya dito. Siya yung naipit sa mga issues natin."

"That's why I gave you options right?"

"Eh ang pangit ng options na yun eh!!!"

"Why are you shouting?"

Hinila niya ako papasok sa banyo at narinig ko itong sinarado niya

"Hindi ako sumisigaw!! Hindi ka kasi makaintindi eh akala ko ba matalino ka deither!! Puro ka lang kasi pa chill eh parang nagdedesisyon ka kaagad na para bang hindi pinag-iisipan ang lahat!!!"

"I said don't shout dell. I'm not getting a full custody if we'll remain married. That's my option right?"

"Ano ka ba naman deither. Kung ipagpapatuloy natin to magkakaroon nga ng kumpletong pamilya si Greyson pero useless rin kasi dahil hindi naman natin gusto yung isa't-isa. Ano yun puro nalang tayo magpe pretend na okay tayong dalawa?"

Nag make-face si deither at tumalikod siya at nagsimulang mag hubad ng dami. Bastos talaga tong lalakeng to kahit kailan.

"Deither nandito pa ako oh, nakikita mo naman. Tapos naghuhubad ka na alam mo na makikita ka"

"Your in the comfort room at maliligo ako. You made way your way inside just to shout at me and don't tell me that nandito ka pa. By the way I know gusto mo ang view ngayon"

Tumalikod ako at dali-dali kong binuksan ang pintuan at patakbo akong lumabas

Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon