Part 51

12K 204 2
                                    

DELL'S POV

Napansin kong sumeryoso na ang mukha niya at binitiwan na niya ako... O? Ano nanamang nagyari dito? Kanina ay ang playful niya ...ngayon, bumalik nanaman siya sa nakakatakot niyang aura

Tumayo siya at lumabas ng pintuan habang ako dito nakaupo naiwang nagtataka

" Mommy!!! Cook us some pasta please? "

Nagpuppy-eyes pa ang anak ko sakin kaya napangiti ako, ang cute cute talaga hahaha

" Greyson, don't let her cook " nagsalita si deither na nasa may pintuan

" Why daddy? "

Aba at nagsisimula nanaman yata to si deither eh

" She will put some medicine that will stop your heartbeat..so don't let her cook "

Biglang umiyak si greyson sa sinabi ni deither at umiling-iling ito na hindi naniniwala aa sinabi niya

" Mommy's not gonna kill me, she said that she loves me"

Tumawa si deither at umakyat ng hagdan at pumasok na sa kanyang kwarto..aba at dinamay pa talaga si greyson sa kalokohan niya ha, talaga lang

" Anak, halika dito" lumapit siya saakin at niyakap ko siya
" Hindi totoo yun baby ha, nagjo-joke lang si daddy mo"

Tumango-tango siya at binuhat ko siya sa kwarto niya, mabuti na lang at matalino tong anak ko at mabilis lang makaintindi, kaya hindi ako nahihirapang mag disiplina sa kanya...

Sa pambubully at pagiging maldito lang nito paminsan ang mahirap iwala sa kanya, feeling ko dugo na yun ng mga Franco eh..dugong ewan, dapat nagmana nalang to sakin eh...halos wala ngang nakuha sakin, dugo lang ang naiambag ko, bwiset!! Ako ang nanganak pero ako ang lugi

Tok tok tok

Nagising ako sa katok ng hindi ko malaman kung sino, Inalis ko ang pagkakayakap sa anak ko at dahan-dahan ko itong hiniga para hindi magising...wala kasi siyang pasok ngayon dahil may event sa school niya, tumayo ako at binuksan ang pintuan

" Iha, pinapatawag ka ni deither "

Lumabas ako at tinungo ko ang sala, nakita ko si deither na busy sa pagtawag at may pangiti-ngiti pa, umupo ako sa sofa na inuupuan niya pero malayo-layo rin sa kanya

" Why did you disobey me? "

" Ha?, may ginawa ba ako? "

" Why did you sleep in greyson's room? "

Ay oo nga pala no? , pero ganun parin yun, wala parin akong planong pumunta sa kwarto niya kagabi

" Kailangan niya ng kasama kagabi " seryoso kong sabi

" Okay..but tonight you have to sleep in my room "

Tumango ako sakanya at tumayo para maligo, nagsimula nanaman siyang humawak sa phone niya

" Mommy? Are you going somewhere? "

" Yes baby...may office kami ni daddy ngayon, remember? "

" Ay..Oh, I forgot hahaha"

Nagbihis ako at nilagay ko yung kwintas ko at bumaba na at nakita kong bihis na si deither

Tiningnan ko yung suot niya..naka long-sleeves siya ng puti at naka-unbotton yung dalawang butones niya kaya ang gwapo gwapo niyang tingnan.

Inaamin kong nagagwapuhan talaga ako sa kanya, pero ang ugali lang niya ang naka-pangit sa kanya..sa tingin ko ayaw niyang may nakakakitang natutuwa siya, kaya ang tawag sa kanya sa mga magazine na tungkol sa business ay ' the serious man'

VOTE & COMMENT ♥:-D

Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon