DELL'S POV
" Daaaddyy!!..Mooommy!! "
Natahimik silang lahat ng yumakap saming dalawa ni deither si greyson..nilakihan ako ng mata ni jana at pati na rin si mommy..pero alam naman nila na hindi alam ni deither ang totoo eh
" We have something for you! "
Nilabas ni deither yung binili naming donut na paborito ni greyson at binuhat niya ito papunta ng sala at binaba
" Goodevening tito jack and tita lea"
" Goodevening deither" sabay nilang bati ni mom at dad
" Daddy, I want to sleep in your house tonight..pleeease? "
Ngumiti sa kanya si deither at ginulo ang buhok ni greyson
" You have to sleep here dahil tatlong araw ka ding nawala..everybody misses you"
Nag-pout si greyson at sumimangot kaya nilalambing siya ni deither
" Handa na ang pagkain!!"
Sumigaw si dad galing sa kusina at nag-sitayuan na kami
" I think I should go" sabi ni deither saakin
" Ah, kumain ka muna"
" Wag na, okay lang"
Papalabas na sana si deither nang tawagin siya ni dad
" Deither! Come join us, wag ka ng mahiya "
Ngumiti si deither pero umiling ito
" It's okay po tito, I'm not actually eating at night hahaha"
Talaga? Weh?..kaya pala ang ganda ng hubog ng katawan nito eh
" Daddy? Are you leaving me? "
" I have to go home baby "
" But..eat first, kapag ayaw mo, I'm going to cry"
Natawa si deither kaya napilitan nalang talaga siyang makisalo samin
" Daddy, lolo cook some adobo..our favorite hehehe"
Magkatabi silang kumain ni deither, tinitingnan ko ang plato ni deither
Aba hindi siya kumuha ng kanin..diet si kuya hahaha
Binaling ko na ang atensyon ko sa pagkain ko mg may mapansin akong tumilapon na black beans sa damit ko kaya napatingin ako sa kung sino ang may gawa nun
Nako! Inaalis nanaman ni greyson ang black beans sa adobo, nakalimutan yata ni dad na hindi niya gusto ang black beans
Napansin ko rin si deither na ganon rin ang ginagawa, napakurap ako sa mga ginagawa nila...Ito na ba ang sinabi nilang nagmana?
Sinipaan ako ni jana sa ilalim ng lamesa at sinenyasan ako sa mga ginagawa nilang dalawang mag-ama
" Deither, hindi mo rin ba gusto ang blackbeans? "
Tinanong siya ni mommy habang ako ay pinapatuloy ko parin ang pagkain ko at naghihintay ako ng isasagot ni deither
" Yeah, I really hate it hahaha" sagot ni deither
" Lola, you know that we have many similarities"
Napaubo ako at ininom ko ang tubig ko..shit! Dapat hindi na talaga sila magkita nitong si deither eh
Ang dami nilang pinag-katulad, pati ang mukha at mata ay nakuha, pati na rin ang lips...wala masyadong nakuha sakin si greyson...mas malakas ang genes ni deither, nakakainis
" Really apo? "
Tumango-tango ang anak ko habang nakangiti
Natapos na kaming kumain at hinatid namin ni greyson si deither sa sasakyan niya at bago siya nakalabas ay kumindat siya samin ni greyson...sus kung totoo lang to, siguradong magiging masaya ang anak ko, pero kathang-isip lang namin to hahaha
Hindi na dapat sila palaging mag-kita ni deither dahil may sariling buhay si deither at may araw ring aalis siya at siguradong masasaktan at malulungkot ang anak ko
VOTE & COMMENT
BINABASA MO ANG
Business matters
General FictionDeither Clak Franco siya ay kilala bilang isang successful businessman sa edad na 25, halos nasa kanya na ang lahat ...ang pera, ang kasikatan at ang mukhang inaasam ng kababaihan.....Siya ay may dugong french at kalahating pilipino. Dell Angela Ram...