Part 8

17.6K 273 0
                                    


Tumayo si dad para sunduin si jana sa bar counter at kusa lang akong sumunod at pagkatapos nun tinungo na namin ang labas ng bar at nagsiuwi na

" salamat sa paghatid dad "

Tumango lang si Mr. Tan sa amin at pinatakbo na ang kanyang sasakyan

" tara na jana, anong nginingiti- ngiti mo diyan? "  tinaasan ko siya ng kilay, baliw na siguro tung isang to eh

Kring kring kring

Kinuha ni jana yung phone niya at tiningnan ang caller tapos ngumiti nanaman siya na parang baliw

Weird talaga niya ngayon

" mauna ka na lang sa taas dell, i have to take this call"  hindi parin ako umalis sa pwesto ko at tumingin lang ako sa kanya "sige na dell, i need privacy...shu shu go na"

Umakyat na ako at nag half-bath and im ready to sleep, patalukbong na sana ako ng kumot ng biglang nagvibrate ang phone ko

From: 09286346961

Hi, dell ♥

Tumingin ako sa bintana, baka may nakatingin sa bintana ko, pero wala..kaya binaling ko nanaman ang atensyon ko sa phone at rereplayan ko siya

"Sino ka? Asan mo nakuha ang number ko?"

"From my girlfriend, she shares your name to me, and of course your number"

" sino? I mean sino ka? "

" Im Nathaniel Alfonso, dont tell me nakalimutan mo na ako kaagad? :-( "

" oh tapos, anong kailangan mo ngayon?"

" paki hug ng girlfriend ko for me, will you?"

"Ha? Di ko kilala ang girlfriend mo noh"

" really? She's your bestfriend, didn't she tell you?"

" ikaw babaero ka! Wag na wag mong idadamay ang bestfriend ko sa kabaliwan mo okay!???"

Naghintay ako ng reply niya pero wala ng dumating kaya lumabas ako ng kwarto ko at tatapunan ko ng unan ang jana na nanonood ng t.v

" ikaw jana! Matulog ka na nga! Tingnan mo anong oras na?"

Tiningnan niya ako ng nagtataka

" anyare sayo? "

" ikaw sa susunod na maglilihim ka sa akin, siguraduhin mong hindi ko malalaman ha! "

" teka? Alam mo na? Oh my gaaaaaash!!.." Napangiwi ako sa kakayugyog niya sakin sa balikat ko at may halong kilig pa

" oh my gash ka diyan jana!, alam mo ba ang sabi ni dad sakin, playboy daw yang boyfriend mo"

Lumungkot yung mukha niya at napasalampak nanaman sa sofa

" hindi ahh! Mali yang akala niyo ni dad noh..judgemental "

Yeah, naki dad na rin si jana kay Mr. Tan dahil gusto ni Mr. Tan na tawagin raw namin siyang dad pati yung asawa ni Mr. Tan gustong ipatawag na mommy namin hahahaha

" malamang alam yun ni dad dahil nasa bussines world sila, kaya alam ni dad na babaero siya"  Umupo ako sa tabi ni jana  "ba' t parang ang easy to get mo naman sa kanya ha? "

" ewan ko, feel ko lang hahaha"

" hay naku jana, isa lang masasabi ko sayo..guard your heart"

" yeah i know, pero na sesense ko na magwo workout yung relationship namin"

" bahala ka na jana, damulag ka na...matulog ka na nga"

Natulog na siya pati rin ako nag resume ng tulog, hay grabe talaga tung si jana, ang daming manliligaw dati na umaabot na hanggang 5 months ang ligaw hindi sinasagot kesyo di daw niya feel, ngayong 1 night lang na pag uusap mag syota na agad? Pwede ba yun? Well pinatunayan na nilang pwede ang hours of talking then mag on na tssss

Business matters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon