6th

7.1K 338 81
                                    

Everything Wrong



Hindi pumasok sina  Fiona at Maxine noong araw na iyon. I figured they wouldn't because of hangover. Sila kasi ang naaalala kong may pinakamaraming nainom.

Ipinagkibit balikat ko iyon at ipinagpaliban na lang muna ang paghahanap sa mga naiwang gamit. Saka ko na lang sila tatanungin kapag pumasok na.

Davion, on the other hand, seems to be avoiding me. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y iniiwasan niya 'ko. It was as if he doesn't even want to get himself involved with me.

"Sige, ganun na lang.. Let's brainstorm by pair tapos saka natin pagsama-samahin yung ideas,"

Tulad na lang ngayon. We were assigned in the same group for a presentation but he didn't even greet me the moment we formed our circle. Ni hindi man lang nga 'ko tinapunan ng tingin. Samantalang ako ay handa na sanang ngumiti kung sumulyap siya. Mind you, we were even seated next to each other! Yet he was able to give off a smile at the girl on the other side.

I sighed and shrugged it off my head. I need to focus on the activity. Sa Joint Hall kami nagklase ngayon dahil isinabay samin ni Ma'am ang make-up class ng kabilang section. Dahil doon ay marami kami ngayon at may mga kasamang taga-ibang klase.

Kinalabit ko si Davion upang ayaing maging kapartner. Siya lang din naman ang kakilala ko rito dahil kami lang ang magkaklase sa group na 'to.

"Sorry, kami na ni Erika." anito sabay turo sa katabi. The girl feigned an apologetic look but she seems too joyous right now for it to look genuine.

Napanganga ko habang pinapanood silang magsimulang nang mag-usap. I can't believe this! Ni hindi namin classmate ang isang 'yon! Matik na dapat na kami ni Davion ang pair! Lalo pa't may pinagsamahan naman kami!

"Partner tayo?" the other person left in the group then asked me.

Bumuntong-hininga ako at wala na ring nagawa. Sabagay. Davion might have feel bad to decline when the girl asked him to be her pair. Kaya siguro pumayag na lang din ito. God. He's too kind for his own good.

"Okay na 'to. Rewrite ko lang nang maayos before natin ishare sa everyone," wika ko sa kapares nang mailista na namin ang mga ideya.

My partner agreed so I started drafting our inputs. Habang gumagawa ng outline ay hindi maiwasang umarko ng kilay ko sa mga naririnig mula sa kanan. Panay ang hagikhik nung Erika. Actually, kanina ko pa napapansin.

Umangat ang tingin ko sa direksyon nila at nasaktuhan ang malanding hampas nito sa braso ni Davion habang tumatawa. Hindi naman joker si Davion kaya't anong tinatawa-tawa niya? Maiintindihan ko pa kung si Cal ang kausap niya pero hindi. Is she even talking about the groupwork? Wala namang funny about the topic.

"Alright, class, we'll continue next meeting." anunsyo ng guro kaya't naagaw nito ang atensyon ko. "Make sure na ready na ang presentations niyo by then.."

"Ma'am, dito pa rin po next week?" tukoy ng kaklase ko sa venue ng lecture.

"Yes, dito muna ulit for the reporting. Same schedule tayo. For now, you may go back to your classrooms," dismiss ng guro.

Sa narinig ay tinuon ko na ang atensyon sa pagsusulat kahit hindi pa naman pala ito kailangan ngayon. Patapos na rin naman ako. Sayang kung mabibitin pa at itutuloy mamaya.

"Thank you! Usap-usap na lang tayo sa group chat," ani ng leader namin matapos kong iabot ang gawa ko at ng kapartner.

We exchanged usernames on our way out of the room. Napag-alaman kong same floor lang pala ang classrooms namin kaya't nagsabay-sabay na kami. Nasa hallway kami nang mapahinto matapos makatanggap ng mensahe ang class representative mula sa teacher namin.

FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon