Start na ba?
He's just worried. Delikado sa bar at hindi ako sanay ron. Ayaw niya lang maulit ang nangyari sakin noong may nagtangkang maghalo ng kung ano sa inumin ko.
Iyon ang kinukumbinsi ko sa sarili nang agad makabalik sa bahay nang gabi ring iyon. Tama. Ayaw niya lang mapahamak ako. Alam niya kung gaano kaprotective ang mga magulang ko. Mahirap nang masangkot sa gulo lalo pa't public official si Daddy.
"I doubt that. Tingin ko, nakukulitan na siya. You're turning into an annoying clingy friend, Solace. An absolute headache," my sister bluntly said.
Nanlaki ang mata ko. "Sabing hindi nga ako yun eh! Kwento lang ng kakilala ko!" pagsisinungaling ko.
"Whatever you say," aniya at lumabas na sa kwarto ko dala ang hiniram na libro.
Halos umusok ang ilong ko. I knew asking her wasn't a good idea. Pumasok kasi siya kanina at napansing malalim ang iniisip ko. Hindi naman niya tinanong kung anong problema pero naisip ko na ring hingiin ang opinyon niya. I wasn't comfortable to say that it was about me so I told her it was a problem of a friend, but she picked up too soon. Wala naman daw akong kaibigan kaya't tiyak na tungkol sakin iyon.
The things she said just made it worse for me. Imbes na gumaan ang pakiramdam ay lumala pa.
Having a friend is a rare case scenario for me. Noon ay hindi ko pa matanggap ang katotohanan na sadyang walang gustong makipagkaibigan sakin kaya't pinagtatakpan iyon ng ideya na sadyang mapili lang ako kaya't swerte ang sinumang magiging malapit sakin. I promised myself that I would be the most ideal friend once I finally gain one. I'd be someone who protects and cares unconditionally. Someone who's kind and giving. Someone who's willing to do anything for a friend.
But turns out that it is easier said than done. Ni hindi ko namamalayang nagiging immature na naman ako. Most of the times, I tend to overdo things to the point that I overwhelm the people around me. I'm afraid that's the case for Davion too. He might not want to be friends with me anymore. He might have realized I'm too much.
Masakit ang ulo ko paggising kinabukasan. I didn't even have a proper sleep last night because of overthinking. Mabuti na lang ay Sabado ngayon kaya't hindi naging problema ang pagbangon ko nang tanghali. And what else there is to do to distress on a Weekend other than Shopping? None.
Nothing could go wrong with Shopping. That's my mantra. Sad? Shop. Happy? Shop. Tired? Shop. Excited? Shop. Stress? Shop. Shopping ang sagot sa lahat ng problema.
Kaya naman pagkatapos maligo at mag-ayos ay diretso mando na 'ko sa kasambahay na ipahanda ang sasakyan kay Mang Caloy.
"Nako, wala si Caloy. Hinatid ang Ate mo sa review center." si Yaya Dina ang sumagot sakin imbes na ang bagong maid.
"How about yung ibang drivers?" tanong ko habang bumababa sa hagdan.
"Kasama ng Daddy mo si Nestor. Si Efren ay nandyan pero ihahatid non ang Mommy mo sa firm maya-maya. Kung gusto mo ay sumabay ka na lang, magsabi ka sa Mommy mo. Oh, ayan— sakto." anito habang nakatingin sa bumukas na conference room sa dulong pinto ng first floor.
Nasa pito katao ang nakita kong lumabas doon na sa pakiwari ko'y high school o college students. The last person that came out from the door with my Mom made me pause.
Napasinghap ako. "What is he doing here?"
"Sino?" sinundan ni Yaya ang linya ng tingin ko. "Si Davion? Nandito 'yan tuwing Sabado. Nakikisit-in sa workshop ng Mommy mo, Magdadalawang buwan na rin... nasa Canada ka kasi noong nagsimula,"
BINABASA MO ANG
Fidelity
RomanceMahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a preview of the present and a foretaste of the future. Hindi lang pag-asa ang hatid nito kundi pati takot...