7th

7.2K 369 113
                                    

Pampered



"Akin na. Ako na ang maghahatid sa Faculty,"

Iyon ang huling linya ni Davion bago pumihit paalis sa harap ko. Ni hindi ko naramdaman ang pagkuha niya ng papel sa kamay ko. Masyadong magaan. Pinanood ko ang likod niyang papalayo.

Napailing-iling ako. Pwede namang ako na ang magdala sa Faculty. Nag-abala pa talaga. Napanguso ako. Hay, Davion. Kahit kelan ka talaga.

I can't help but think about what he said earlier, though, as I made my way back to the classroom.

What does he mean by that? He's not the type of person I thought him to be?

San nanggaling 'yon? Kinukuha ko lang naman ang pirma niya para sa attendance tas biglang may ganon. Anong ibig niyang sabihin? I couldn't follow. I should seriously ask him to make everything clear next time.

Sabado ng umaga nang makatanggap ako ng message request sa Messenger. My lips parted. It was from Davion.

Right. Hindi pa nga pala kami Friends sa Facebook. Kakaonti lang naman kasi talaga ang mutuals ko sa naturang app. Wala pa ata sa dalawang daan. I added him first before opening his message on my new phone. Bagong-bago pa dahil hindi ko pa rin sigurado kung nasaan ang mga gamit na dala ko noong nagclub.

Davion Christoffer:
Are these yours?

Kalakip noon ang isang litrato. A picture of a pair of earrings placed beside the faucet of a bathroom sink. Biglang nagliwanag ang paningin ko nang makilala iyon. These are mine! Hinubad ko nga pala bago maligo noong gabing natulog kami sa unit niya. Nawala sa isip ko!

Solasta Aicelle:
Yup! I left it there pala

Davion Christoffer:
That had caused me a ruckus last night

Kumunot ang noo ko.

Solasta Aicelle:
Last night? Bakit?

May tinulungan na naman ba siya? I mean— what could be up for him on a Friday night? Seems like he was in his unit and not in Calle Nueva.

Davion Christoffer:
nvm just get these away from me asap

Solasta Aicelle:
Alright. I'm not sure about today, though. I'm on my way to school to get my report card

Mom's been telling me to try applying for a student-exchange program so I need my transcripts today. May iba pa 'kong certifications na kailangan kaya't maigi nang asikasuhin ngayong walang pasok.

Davion Christoffer:
Meet me at the café outside the school in the afternoon then

Napaayos ako ng upo sa sasakyan. Aapila pa sana sa kakulangan ng detalye sa mensahe niya. Sa huli ay ako na ang nagbigay ng eksaktong oras at lugar.

Binaba ako ng driver sa campus. I told him to wait for my call on when to pick me up. Hindi ganon kalayo ang bahay namin sa UA&P kaya't minamabuti kong pabalikin na lang ang service kaysa paghintayin.

"Ms. Tuazon?" napasinghap ang kakapasok lang na staff sa registrar nang makita ako sa linya ng mga estudyante roon. "No need pumila, ano ka ba! Halika rito!"

"Uh— no, no, no.." panay ang wagayway ko ng kamay upang tumanggi nang igiya ako nito sa harap. "Nauna po sakin yung others kaya I should wait for my turn,"

"Naku, hindi pwede 'no! Nakakahiya naman kung paghihintayin naman ang anak ni Congressman!" she jokingly said.

Hindi magkandaugaga ang student-assistant na siyang mag-isang nakatoka sa counter mula pa kanina nang tawagin ito upang daluhan ako.

FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon