5th

7.3K 362 178
                                    

Fake News



Davion seems to be the type who gets cranky in the morning. For some reason, he looks scary the next day. Masama yata ang gising.

He was already up when I woke up. In fact, nakabihis na siya nang madatnan ko. Mukhang maagang nagising.

"Where did you get yang uniform mo?" nagtatakang tanong ko nang mapagtantong iyon ang suot niya. As far as I can remember, damit na suot sa club lamang ang tanging meron siya kahapon tulad ko.

"I always keep a pair in my car." aniya na tila ba ang stupid ko dahil hindi ko alam iyon.

Wow.. It was as if he's always ready for situations like the one last night. He executes good deeds without compromising his own responsibilities. Hindi lang siya matulungin kundi handa rin parati. What a genius!

"That's brilliant. I should start keeping a pair na rin sa car namin!"

Suminghap siya sa sinabi ko at mukhang hindi natuwa. Napaisip tuloy ako kung may mali ba sa sinabi ko. Mukhang wala talaga siya sa mood.

"Bilisan mo na lang nang makaalis na tayo," matigas na bigkas nito bago ako tinalikuran. I think I even saw his eyes rolled in annoyance. Kanina pa siya mukhang iritado.

Hindi na nawala ang pagkakasalubong ng kilay ni Davion hanggang sa pagsakay namin sa sasakyan niya. I was even humming in the elevator earlier just to lighten the atmosphere but his expression's just really dark. Sa huli ay hinayaan ko na lang. Maybe he did get up on the wrong side of the bed.

"Where should I drop you off?" he coldly asked as soon as I fastened my seatbelt.

I told him where I live and he didn't say anything else as he started the engine. Ngayong maliit na lamang ang pagitan namin ay hindi maiwasang magtagal ng tingin ko sa mukha niya. Aside from the crease on his forehead, I noticed his eyes look exhausted too. It was as if he didn't sleep a wink. Mukha siyang puyat.

Napalunok ako nang maisip na baka ako ang dahilan. Magulo siguro akong matulog! Baka nagambala ko siya! Or worse— what if I snore like a pig without even knowing? Oh my god!

This is a nightmare! Para 'kong constipated sa gitna ng byahe. I couldn't even bring myself to ask him. Not when he looks scary enough just by driving with a straight face on.

Panay ang tikhim ko habang humahanap ng tiyempo. Ni hindi ko namalayang malapit na pala kami sa bahay. Kumunot lamang ang noo ko nang may matanaw na animo'y komosyon sa harap ng gate namin. Naningikit ang mata ko.

"Shit.." ani Davion nang tila may mapagtanto.

There were police cars parked outside our house. I can see my Dad talking to someone on the phone while my Mom looks distressed. Marami ring awtoridad at unipormadong opisyal.

My jaw slowly dropped as realization hit me. Kasabay noon ang paglandas ng tingin ni Daddy sa direksyon namin at ang unti-unting paghinto ng sasakyan ni Davion.

"Oh no.." wala sa sariling anas ko habang kinakalas ang seatbelt. Sa klase ng tingin pa lamang ng papalapit na Ama ay halos takasan na ng kulay ang mukha ko.

May panginginig sa kamay ko nang isarado ang sasakyan pagkababa. My legs froze at the sight of my furious father approaching. Wala nang maproseso ang utak ko.

Tanging malakas na lagutok ng sampal na lamang ang sunod kong narinig. Halos hindi ko naramdaman sa sariling pisngi dahil sa pamamanhid.

"Vicente!" my mom turned hysterical.

"Kailan ka pa natutong magbulakbok, Solasta?!" nagpupuyos sa galit ang tinig ni Daddy. Para 'kong nawalan ng lakas. "Hindi kita pinalaking ganyan! Wala akong anak na pariwara!"

FidelityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon