Zones they shouldn't be
"Calm down.."
"No.. no.. no.." pinilig ko ang ulo nang sunod sunod. "You don't understand. There's still so much to do! Tatlong araw na lang! Kasalanan ko. Masyado kong nagpaka-kampante. I thought I already have everything under control. Iniisip ko, finishing touches na lang naman kaya sakto na para sa natitirang araw. I am only realizing now how these things would take so much time!"
Inangat ni Davion ang tingin sa akin mula sa nilalaro niya sa phone. "Ano pa ba ang kailangan gawin?"
Prente siyang nakahiga sa couch ng living room namin. Nakapatong pa ang ulo sa handrest. Palibhasa, tapos na siya kaya't wala nang problema. Thesis defended na kasi! Habang ako, heto at aligaga.
"Yung food! I realized I'd be too busy to memorize my script the day before the presentation so I won't be able to—"
"Si Manang. Pwede mo namang ipabili na lang." kalmadong putol niya sakin. "You can always have it delivered too if you want,"
Nabitin ang litanya ko. He's right. Paanong hindi ko naisip iyon?
"You're panicking, that's why." aniya na animo'y nabasa ang iniisip ko. He sighed. "You can't think straight right now. Don't worry too much—"
"Yung invitation sa panel!" ako naman ang pumutol sa kanya ngayon, mabilis pa rin ang kalabog ng dibdib. "Hindi ko pa nabibigay. God, I'm so stupid! Yun dapat ang isa sa mga una kong ginawa! Paano kung hindi pala sila available—"
Umiling siya.
"Impossible. Remember when Sir Rex asked for the list of our prospective panel members?" tukoy niya sa research adviser namin. "He already informed them beforehand. Finollow up ko nga lang yung sakin the day before. Isa pa, ang sabi sa faculty ay hindi sila tumatanggi sa mga graduating,"
Nanlaki ang mata ko. "Really?"
I didn't know that! Sa isang iglap ay parang nawala ang kaba ko. I felt my heartbeat getting back on its normal pace.
Napasinghap ako nang may maalala. "Yung borders! Hindi ko pa nagagawa. Marami nga pala ang kailangan non! Wala akong batch cutter! Shit,"
Kumunot ang noo niya. "Anong border?"
"Gear design. Pang-border sa board,"
Connected sa machines ang thesis topic ko kaya't ang plano ko ay tadtarin ng gear pieces ang paligid ng board. I'm not joking when I said I really want my presentation to be over the top, visually and substantially.
Natigilan siya at napaawang ang bibig. Akmang may sasabihin ngunit hindi tinuloy. Binalik niya ang atensyon sa laro.
"Madali lang naman 'yon. I can do that," kaswal na wika niya.
My eyes widened as my gaze focused on him. "May batch cutter ka?"
He shrugged. "Yeah.. Ilang gear ba ang kailangan?"
Suminghap ako. "Matrabaho 'yun though.. Ipapasukat ko pa lang ang board para malaman kung ilan ang kailangan. But each gear piece should have a size of atleast... five by five inch. Gusto ko pa naman ay parang naka-embosed sila sa board kaya hindi 'yon basta print at gupit lang,"
Tumango siya na parang wala lang. "Yun lang pala eh. Akong bahala, cardboard at styro lang yan."
Hindi ko alam kung paano iyon pero sabi niya ay marunong daw siya. Nang tinanong ko kung nakagawa na ba siya dati noon ay umoo naman siya. Nakahinga ako nang maluwag. I don't know how Davion makes everything seem so easy but I ended my Friday with one less worry in mind thanks to him.
BINABASA MO ANG
Fidelity
Storie d'amoreMahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a preview of the present and a foretaste of the future. Hindi lang pag-asa ang hatid nito kundi pati takot...