Late game
I never knew I'd ever see Davion this serious in this lifetime. More so, for a girl.
"Why?" my forehead knotted in confusion.
Alam kong malaking isyu ang pagiging babaero niya. Hindi na bago iyon. But to actually see him taking a step back because he acknowledges his lapses and he doesn't feel worthy of someone is totally new to me.
Davion had always been sure of himself. He knows he's not perfect but he's confident because he stand by his principles all the time. This is my first time seeing him seem insecure.
"Can't you be better for her?" dugtong ko. "Why not work on yourself to be deserving enough rather than accepting defeat right off the bat? Kung makapagsalita ka para namang ang sama-sama mo! Bakit, pag naging kayo ba magloloko ka?"
Maaaring marami na ang naging babae niya pero sa iilang beses na pumasok siya sa exclusive relationship ay hindi siya kailanman gumawa ng kalokohan. He rarely commits but when he does, he takes it seriously. Pano ba naman? Bago pa siya makagawa ng kasalanan, kapag alam niyang hindi niya na kaya, nakikipaghiwalay na.
But my point is, he's always true to his words. He's responsible of his actions. I know he can do anything if he wants to. It's just sad to see him this disheartened now.
"No.." nag-iwas siya ng tingin. May bahid pa rin ng lungkot sa mga mata niya. It was a mixture of bitterness and gloom. "She deserves better. She deserves the best.. Nothing less,"
I couldn't say anything. May simpatya sa mga mata ko habang malungkot na nakatitig sa kanya. Napabuntong-hininga ako.
"Well... if you can't be with her, then atleast be there for her. Tingin ko naman you can still express how much she means to you without having to pursue her,"
"I know," he bitterly said. "You don't have to tell me."
Hindi ko alam kung bakit parang bigla siyang nabadtrip. Nalito pa ko kung inirapan niya ba ko o nag-iwas lang siya ng tingin. Mukha kasing galit.
My lips parted.
What did I do this time? May mali ba sa sinabi ko? Ano bang gusto niyang marinig?
I'm just grateful enough that he stopped avoiding me after that night. Things got back to how they were before. In fact, I feel like Davion even became extra caring.
"Ako na," aniya nang akmang kukunin ko ang miniature model ng grupo namin sa design subject para dalhin sa unahan. Binaba ko ang kamay at hinayaan siyang buhatin iyon. Binalingan niya ako.
"Tayo na ba?" tanong niya.
"Oo.." wika ko. Pangalawa kami sa magpepresent at ngayong patapos na ang unang grupo ay kami na ang susunod.
Natigilan siya at napanguso.
Maging sa paghahanda para sa thesis defense ko ay ang dami niya ring naitutulong. Individual ang thesis para sa course namin kaya't medyo mabigat para sa akin.
"Are you even done preparing for yours?" nagtatakang tanong ko nang samahan niya ako sa pamimili ng mga kailangan ko. One student per day lang ang bawat defense at sa pagkakaalam ko ay mas mauuna pa nga ang schedule niya sakin. Next week na ata siya.
Nagkibit siya habang tinutulak ang pushcart. "I'm done with the paper. Yung PPT, kaya na 'yon the night before the presentation. Yun lang naman ang kailangan ko. Ikaw lang naman 'tong maraming pakulo. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa natin dito sa... tindahan ng tela?"
BINABASA MO ANG
Fidelity
RomanceMahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a preview of the present and a foretaste of the future. Hindi lang pag-asa ang hatid nito kundi pati takot...