Patay na patay
"Pero kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin." I casually shrugged. "Pwede naman akong magpasama kay—"
Bago ko pa man maiangat ang telepono ay mabilis pa sa alas-kwatro ang paghuli ng kamay niya sa palapulsuhan ko.
His jaw clenched.
"Where's my boarding pass?"
Napangiti ako.
Kanina pa nakatitig sakin ni Davion. Halos hindi na ko lubayan ng nga mata niya mula nang magtake off ang eroplano. Even with my eyes closed, I can feel his heated gaze on me.
"Since when did you know?"
Nakasuot ako ng headphones ngunit malinaw sa pandinig ko ang tinig niya. I purposely kept the volume of the music low in case he speaks.
Nanatili akong nakapikit nang sagutin siya. "Not too long ago,"
He didn't say anything about it but he spoke again.
"Did you have fun?"
Hindi ko nakuha iyon kaya't unti-unting napadilat ang mga mata nang kusa. His grumpy face was the first thing I saw.
"Having me wrapped around your fingers?" seryosong dagdag niya.
"What?" napahagalpak ako, tuluyan nang tinanggal ang suot na headphones. I don't know if he's being serious or what but I find it funny.
Suminghap siya at sa wakas ay inalis na sakin ang tingin. Humalukipkip ito at sinandal ang ulo sa headrest ng upuan. Siya naman ngayon ang nakabagsak ang talukap ng mata sa aming dalawa.
"You must have had so much fun. Even my friends say they were impressed," he muttered.
As if I wasn't so into this conversation yet, the mention of his friends completely caught my attention even more. My body shifted to face his resting physique. Napakapit pa ko sa armrest nang may ngisi. Ang dami ko biglang gustong itanong but I decided to do it one at a time.
"They were impressed?" ulit ko.
"Yeah. They said I was like a puppy,"
"A puppy?" halakhak ko.
"It's like you're my master and I always run to you, wagging my tail."
I laughed too loud that an old couple seated away from us turned to my direction with an obvious crease on their forehead. Hindi na nila ko kinailangang sitahin upang manahimik dahil ang mga tingin nilang nananaway ay sapat na. Labis-labis ang pagpipigil ko ng ngiti nang muling balingan si Davion.
"Sino sa mga kaibigan mo ang nakakaalam?" tanong ko.
"Just Cal and Aysen,"
I slowly nodded. Si Aysen ay pinsan niya at ang eldest sa kanilang magkakaibigan. He has that natural mature aura around him. Kina Davion ito nakatira kaya't hindi na nakapagtatakang mas updated pa ito kaysa kay Elcid na naging kaklase namin noon. Elcid took some time off from school so he's been kind of an irregular student from then on.
Mahaba ang byahe pa-Scotland. Sabado na nang makarating kami sa hotel. Davion couldn't believe that I literally have an extra suitcase full of men's clothes just for him.
"You really got everything planned from the start, didn't you?" sarkastikong wika niya kahit kahapon pa lang naman ay inamin ko na iyon sa airport.
We spent the first half of the day sleeping in each of our rooms. Bagama't nakatulog sa eroplano ay tila pagod pa rin ang katawan ko. We were in business class but I still barely got any proper rest during the flight.
BINABASA MO ANG
Fidelity
RomanceMahirap kalaban ang nakaraan. Bukod sa hindi na mababalikan, nakatatak na rin ito sa kasaysayan. They say history speaks for itself. It sparks a preview of the present and a foretaste of the future. Hindi lang pag-asa ang hatid nito kundi pati takot...