O N E

5.4K 92 3
                                    

O N E

Luna's POV

"Kuya, may nahanap ba kayo sa taas? A-andun pa si Rich eh. H-hanapin nyo sya"- pagmamakaawa ko sa rescuer.

Tapossss...


"Baby, wag ka ng umiyak. Masaya na ako. Wag kang mag alala. Mamahalin kita kahit san man ako makarating." - sabi ni Rich pero bakit papalayo sya.
Pilit ko syang hinahabol..


"Rich, wag kang umalis.. San ka pupunta?" - tanong ko


Thennnn...


"B-baby, a-anong nangyari sa forever natin? B-bakit? B-bakit? B-bakit mo ako iniwan? Sandoval! Isang taon lang ba ang pagmamahal mo sakin? Isang taon lang ba ang kaya mo? Forever ang ipinangako mo sakin eh. Forever yun, pang habang buhay. Ibig sabihin magkasama tayo sa byahe ng buhay natin. W-walang iwanan yun ehhh. Wala.. Pero ano to? Nauna ka. Iniwan mo ako. Iniwan mo sakin lahat ng pangako na wala ka naman pa lang tutuparin.. Wala! Talkshit ka pala eh! Talkshit ka Sandoval! TALKSHIT KA! Nakakainis ka!" - sabi ko sabay upo at napahagulgol sa tuhod ko..


"Pero MAHAL NA MAHAL pa rin kita. Alam mo ba yun? Sasamahan mo pa rin ba ako? Mababantayan mo pa rin kaya ako? Paano na ako? Wala ng gigising sakin. Panu pag nalate ako sa office? Paano ako makakakain nito? Luto mo ang gusto ko. Lambing mo. Pagmamahal mo. Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang.. Siguro may natatapos talaga.. Pero mamahalin mo pa rin kaya ako? H-hah?" - sabi ko sabay tingin sa langit.. Dumidilim ang kalangitan..


Nakita ko syang papalayo.. Hinahabol ko sya.. Umiiyak ako.. Richhh! Babyyyy!!!! Tawag ko sa kanya..


"Iha, gumising ka!"- rinig kong boses ni Yaya..


"Yaya?"- sagot ko na naguguluhan..


"Dinalaw ka na naman ba nya?"- tanong nya. Sya ang yaya na kinalakihan ni Rich. Sya ang kinuha ko na makakasama dito sa bahay ni Rich. Oo. Sa bahay nya ako nakatira o mas tamang sabihing pinili kong tumira.


Napangiti ako sa tanong nya at hinawakan ang kwintas namin..
Sa tuwing nagtatanong sila. I just smiled. After nung sa Laiya, yun na ang huling pag iyak ko mula ng mawala sya. Ayokong makita nila na nasasaktan ako.
Hhmmm.. Monthsary pala namin ngayon. Pupunta ako ng sementeryo mamaya..

"Dadalawin mo ba sya?"- tanong ni Yaya.


"Opo. Baka multuhin ako nun eh. Hahaha. Yaya, paluto naman po ng paborito nya"- sagot ko..


Ngumiti lang sya at sabay sabing..

"Ang swerte ng alaga ko kasi Mahal na Mahal mo sya. Hindi sya magagalit kung muli mong bubuksan ang puso mo para sa iba..Apat na taon na ang nakakaraan"- sabi nya.


"Hindi ko po alam. Alam nyo po yung pakiramdam na buhay na buhay sya sa pakiramdam ko. Ramdam ko pa din sya." - sabi ko sa kanya.


Ngumiti lang sya at lumabas ng kwarto.
Tuwing ganitong araw, di ako pumapasok. Mahalagang araw to sakin eh, samin.
Nag ayos na ako at baka abutin ako ng traffic sa daan..


After an hour...

Pagdating ko sa sementeryo. Dumaan ako sa bahay ni Mang Atoy. Ang taong nagbabantay dito. Kilala na nya ako.
Sa kanya ko din ibinilin na alagaan ang puntod ni Rich..

"Mang Atoy, musta po? Eto po oh.. May dala ako.."- sabi ko at umalis na.


Ngumiti lang sya at kumaway..


"Rich Elijah Sandoval. Hayyy Baby! Musta ka na?"- sabi ko sabay upo..

"Ang dami ko ng achievement Baby. Sana nakikita mo yun. Hay..
N-akakainis ka pa r-rin. Iniwan mo ako eh.. "- naiiyak ako at hindi ko napigilan yun..


"A-lam mo ba, araw araw. Pakiramdan ko binubuhay na lang ako ng alaala mo, ng pagmamahal mo. Minsan gusto ko ng sumuko. Pero bakit pakiramdam ko buhay ka. O dahil pinanghahawakan ko ang sinabi tungkol sa kwintas natin..
I Love you Rich. I Love you Baby." - sabi ko sabay punas ng luha..


"Sabi ko na nga ba.. Andito ka lang.." - napangiti ako ng marinig ko ang boses na yun..

AN:

C.V.T:)
Ngayon lang ako gagawa ng Sequel kaya don't expect Loviesss na it will be good. Hahaha.
Comment po. Nega man yan. Okey lang:)

Our Lovestory: S E Q U E LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon