F O U R

1.9K 73 4
                                    

F O U R

Thea's POV


Ayun oh! Makiki epal ako..hahaha.


Nasasaktan ako para sa kaibigan ko..
Gusto ko na syang maka usad sa buhay nya na walang Rich. Masyado syang na stuck dun. Kung tutuusin, maraming nanliligaw sa kanya pero poporma pa lang, sopla na. Ayaw nya.
Saksi ako, kami sa pag iyak nya ng palihim at tahimik. Para ipakita na malakas sya.. Na kaya nya..
Binuhos nya ang oras nya sa negosyo, pamilya, bahay at mag ikot ikot sa metro para malibang.. Minsan naiisip ko na baliw na sya. Hahahaha.
Hindi ko akalain na meron palang pagmamahal na ganun, grabeng magmahal.. Buong buo kahit matagal ng nawalay sa kabiyak. Corny ng kabiyak! Hahaha..
Pag nagka jowa na ulit sya. Mag cecelebrate talaga ako:)
Tinawagan ko si Gab para sabihin ang nangyayari dito sa office. Mata nya ako kay Luna kasi siguro nakokonsensya sya. Di ko alam basta ang alam ko niligtas sya ni Rich nung araw na yun..

Oh sya! Yun lang. Epal lang ako. Hahahaha.


Ross POV

Hi Im Ross, Roxanne Sarmientos.
Yun lang..


Nung sinabi sakin ni Cha na mag iinvest kami sa company na yun, I don't really mind kahit ako pa ang kumausap pero nung makaharap ko ang babaeng yun, si Luna. Kinabahan ako, parang kilala ko sya or nakita kung saan.. Sinungitan ko sya kasi parang natatakot ako na mapansin nyang kinakabahan ako kasi kaharap ko sya. Maganda sya, everything. She's really pretty but what bother's me is when I look into her eyes. Lungkot at pangungulila ang nakikita ko. Ngumingiti sya pero ramdam mong hindi buo, kulang. She's longing for something or someone maybe? I dunno.
At ang nakakapagtaka.. Parang may guilt akong nararamdaman.. As if I owe her something.. Pakiramdam ko, may utang ako sa kanya..
Mahilig ako sa buwan dahil hindi ko din alam.. Weird. I know.
Si Luna, para syang buwan sa langit. Maliwanag pero walang ningning...
Napatingin ako sa painting na moon sa office ko.. Luna.. Sino ka nga ba?

Cha POV


Nakatingin lang ako sa kanya.
I know something or someone is bothering her.. Handa ako sa pedeng mangyari. Alam kong mali ang ginawa ko noon pero yun lang ang alam ko para maka survive. Para mabuhay..
Mahal ko sya pero kung kelangan nyang mawala sakin. Tatanggapin ko yun tutal hindi naman talaga sya sakin. Kung tutuusin, ninakaw ko lang sya sa nagmamay ari sa kanya.. Pinagdamot ko ang mga taon na yun sa kanila. Ninakaw ko dahil makasarili ako.. At ngayon, handa akong ibalik sya. Sana hindi pa huli ang lahat.. Sana maayos pa ang gulong nagawa ko at paparating pa lang na gulo...
Akala ko kasi makaka usad ang lahat, kami at magiging maayos ang lahat pero hindi pala. Araw araw, nakokonsensya ako dahil may nasasaktan hanggang ngayon. Umusad nga ang panahon pero hindi ang pagmamahal na yun. Nananatiling buo at hindi nakakalimot..
Nawala man sya pansamantala sa sistema nya pero sa nakita ko.. Alam kong matatalo na ako.. Hindi man ngayon pero sooner or later kaya mas mainam na to.. Patawad..

AN:

Sino si Cha Alonzo? Anong ginawa nya?

Short update lang po.
May idea na kayo, detalye na lang:)
C.V.T:)

Our Lovestory: S E Q U E LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon