T H I R T Y E I G H T

307 20 4
                                    


Gab POV


"We really need to know what happened to you on those years." determinadong sabi ko kay Ross.


"O-oo n-naman. Okay ka lang ba Gab?" - tanong nya sabay tingin sakin


"Malakas ang pakiramdam ko na ikaw sya, si Rich ka Ross na walang alaala" sabi ko sabay hindi ng sasakyan sa gilid.


"Hah? A-nong ibig mong sabihin?" bakas ang pagtataka at pag aalala sa mukha nya.


"Buwan? Prom night? Krptonite? Lahat yun may kinalaman sa mga ginawa ni Rich para sa kapatid ko" – sagot ko.


"Wait lang Gab, parang malabo naman ata yun" nailing nyang sabi.


"Prom night? Yun ang isa sa pinaka masayang alaala nila." – sagot ko. Panung hindi, it was one sweet night para kay Rich and Luna.


"N-aguguluhan ako Gab, linawin mo." – nauutal nyang sabi.


"After natin dito sa ospital, didiretso tayo sa bahay. May papakita ako sayo. Baka sakaling may maalala ka" sagot ko.


Pagkarating namin sa ospital, dumiretso kami sa information.


"Hi, san kami pede magtanong if we want to know a medical records 4 or 5 years ago?" tanong ni Ross sa front desk officer.


"Punta po kayo sa 4th floor and look for medical record window" nakangiting sagot nya.


Sumakay kami ng elevator at agad hinanap ang medical records window. Medyo mahaba ang pila. Tahimik kaming naghihintay ni Ross.


Alam kong kinakabahan sya. Kinakabahan din ako kahit alam ko sa sarili ko na sya si Rich, kelangan lang ng patunay. Ang tagal kong nangulila sa bestfriend ko, gusto kong magpasalamat sa ginawa nya ng araw na yun.


Mataman ko syang pinagmasdan. Bat antagal mong nawala? Anong nangyari sayo Rich? Sa loob loob ko.


"Kayo na po" – agaw pansin samin ng guard.


"Hi, gusto ko lang po mag request ng medical records ko nung na confined ako dito 4 or 5 years ago" bungad ni Ross sa staff.


"Ano po yung buong pangalan nyo?" tanong nito


"Roxanne Sarmiento" – sagot nya


"Uhhmm.. wala pong medical records dito under Roxanne Sarmiento" – sagot nung staff nagpakunot sa noo namin.


"P-anung wala? Dito ako na confined eh. How about Ross Sarmiento? April yun. Pa check naman please ng mabuti." – pakiusap nya, bakas ang pagtataka sa mukha nya.


"Wala po talaga eh. Pasensya na po." – sagot ulit nung staff.


Our Lovestory: S E Q U E LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon