T W O

2.4K 73 4
                                    

T W O

Gab's POV

"Sabi ko na nga ba.. Andito ka lang.." - sabi ko. Ngumiti sya. Totoong ngiti sabay punas ng luha. Mula ng araw na yun. Madalang na syang ngumiti ng bukal sa loob. Laging pilit.
Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit nawala ang kasiyahan nya. Si Rich. Pero alam ng Dyos kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa kanya. Dahil sa kanya kaya kasama ako ni Samantha Rich, yeah my 4 yrs old daughter.

"Kuya.. Tara. Upo ka, may pagkain dito.."- yaya nya sakin..


"Bunso, gusto kong humingi ng patawad ng paulit ulit... Pati na rin kay Rich.. Nawala lahat ng pinangarap nyong dalawa. Pero hanggang kelan mo panghahawakan yan? Maiintindihab nya kung bubuksan mo yang puso mo sa iba.." - sabi ko sabay ihip ng hangin..


"Hahaha. Eh ayaw nya pa eh saka ayaw pa nito" - sabi nya sabay hawak sa dibdib at kwintas nila..


"Wag kang mag alala Kuya. Sooner or later siguro.. Hanggat ayaw nya pa saka hindi pa ako handa. Ayokong magmahal ng iba, gusto ko buong buo kong ibibigay yung sarili ko. Pero sa ngayon kasi, this apparatus still belongs to her. All for her." - sagot nya. Sobra nya talagang minahal si Rich. Sobra.
Yinakap ko sya ng mahigpit.


"Luna.. Gusto kong maging masaya ka. Kung san ka, susuportahan kita.."- sabi ko sabay halik sa noo.

"Thank you Kuya.. Don't blame yourself. Im okey though not totally but Im good"- sabi nya..


"Alam ko naman. Ramdam ko.
Maiba pala ako. May gustong mag invest satin. Gusto nyang magtayo ng Hotel sa Cebu pero gusto nya under sa Company natin.. Pag isipan mo. Mukhang maganda yun. You have an appointment with her tomorrow sa Cafe Vista, 8am" - sabi ko.

"Sure. I'll take care of it" - sabi nya at ngumiti. Masaya sya sa ginagawa nya at least nadidivert ang atensyon nya..


After an hour umalis na rin ako. Iwan ko silang dalawa.


Luna's POV


"Baby, almost 5 na din. Nakatulog na ako sa tabi mo. Hahahaha. Nasulit natin ang araw na to. Panu ba yan? Next month na ulit kita dadalawin hah? Magiging busy din ako eh.. Hhmmmm.. Dalawin mo naman ako sa panaginip ko. Halikan at yakapin mo ako dun.. N-namimiss na kita ng marami.. And to think na you're still alive dahil sa kwintas na to makes me crazy. Hahaha."- sabi ko sabay punas ng luha.. Hay.. Nangungulila talaga ako. Apat na taon pero Im still here.
I've decided na umalis na at baka ma traffic pa ako..


"Bye Baby..Til next time. I love you to the moon and back" - sabi ko bago tuluyang umalis.

Medyo traffic na nga. Eto ang ayoko eh. Hay naku. Almost 30 mins na din ako dito pero walang asenso. Kasalanan to ni Sandoval. Hahaha.


Sakto huminto ako sa may isang coffee shop. Ang cute ng name nya.
Moon and Coffee Shop. Bakit may Moon? Hahaha. Pinangalan sakin?
Ewan ko ba pero nakita ko ang sarili ko na pumarada at papasok ng coffee shop.

"Welcome. Anong pong order nila?"- tanong nung crew sakin.
Hhmmm.. Yung gusto na lang nya..

"Can I have **** coffee and blueberry cheesecake please" - sagot ko. Paborito nya to eh. Hahaha.

"Got it Maam.. To be serve na lang po"- sabi nung crew. I smiled at umupo.
Nakakarelax dito. Black and white.. Medyo malamlam ang ilaw pero magandang tingnan.. Nakakaantok. Hahaha. Ganito kasi ang kulay ambiance ng kwarto nya.. Pang tamad. Hahaha.
Napasarap ata ang upo ko at na enjoy ang free wifi nila... Almost 9pm na nung naisipan kong umuwi.. Paalis na ako ng Parking ng makita kong magsara ang coffee shop.. Yung babaliktarin ang closed sign.. Yung nagsara....

Ang dibdib ko.. Ang lakas ng kabog. Napahawak ako sa kwintas namin..
Pero bat ganun? Bat sya magka dikit?

"Rich...." - tanging nasabi ko..

AN:

:)
Yan lang muna lovieesss.

Our Lovestory: S E Q U E LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon