S I X T E E N

1.8K 64 7
                                    

SIXTEEN



Luna's POV


Ang sarap ng tulog ko kahit medyo masakit ang ulo ko.. Ramdam kong may kayakap ako?
Kayakap? Teka.. Napadilat ang mata ko..
Ross? B-bakit? Lahat bumalik sakin, kagabi.. We kissed. Damn it! Nakakahiya ako.. Naramdaman ko ang pagkilos nya.. Agad akong pumikit. Hinawi nya ang buhok sa mukha ko..









"Goodmorning Luna. Alam kong gising ka na, nauna pa ako sayo"- sabi nya.. Dahan dahan kong minulat ang mata ko..










"Ah eh ano.. Ano kasi.."- di ko matuwid ang dila ko..










Nagulat ako sa ginawa nya.. Yinakap nya ako ng mas mahigpit at siniksik sa leeg nya. Bango.. Nakakakilig naman.. Ay! Ano ba yan. Ang harot ko. Hihihi.








"Gusto kita Luna. Hayaan mo akong kilalanin ka pa.. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na gawin to kasi nga di ko pa alam ang dati kong buhay.. Pero gusto ko ng magsimula ulit and gusto kong samahan mo ako.."- sabi nya sakin. Nakakataba ng puso. Kinikilig ako sa kanya. Aminado ako dun..









"Malabo man pero gusto din kita Ross. Gusto ko ng magsimula ulit.. Bagong tao sa buhay ko.. Sobrang bilis man nito... Subukan natin pero hindi basta basta maaalis si Rich sa puso ko.. Gusto kong maging tapat sayo..."- sabi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Feeling ko pag katabi ko sya, Im safe. Im good. Pero si Rich, di pa ako makawala ng tuluyan..










"Ssshhhhhh.. Alam ko at naiintindihan ko... Papalitan ko sya Luna.. Pipilitin ko.."- sagot nya at mas niyakap ako ng mahigpit..








"Masaya ko para sainyong dalawa.."- singit ni Mia pero bakas ang lungkot sa boses nya. Kasama pala namin sila sa tent.. Pero asan si Ar-Kei?









"Nagulat ako sayo Dude. Panira ka eh ke aga aga.."- asar ko pero kinurot ako nitong chicks na kayakap ko..








"Asan si Ar-Kei?"- tanong ko..








"Sa ibang tent sya nakitulog. Ayaw nya daw akong katabi. Hahaha. Dude, pinanghihinaan na ako ng loob.. Ang tagal ko na syang minamahal pero parang napapagod na ako.. Hindi ako nagrereklamo sa tagal pero kung ganito ang nararamdaman ko most of time... Mamamatay ata ako sa sakit.."- naiiyak nyang sabi.. Agad kaming bumangon at yinakap sya..











"Ssshhh.. Ano ka ba dude? Ngayon ka pa mapapagod kung kelan ang tagal mo na.. Di ba sabi mo tyagain hanggat kaya.. Hanggat wala pang nagpapasaya sa kanya.. Lalaban ka.."- sabi ni Ross..
Sa sitwasyon ni Mia, napaisip ako kung naging ganyan din ba si Rich noon... Aaiisssh! Ano bang naiisip ko.. Luna, si Ross na ang nasa harap mo.. Focus!









"Alam ko yun dude kaya lang kasi.. Pinanghihinaan na ako ng loob.. Kahit anong tibay ko, aanayin din ako eh.."- sabi ni Mia at tuluyan ng umiyak..
Naaawa ako sa kanya kaya lang wala akong karapatang panghimasukan sila..










"Bat ka umiiyak Mia?"- tanong ni Ar-Kei pagkapasok sa tent at akmang kukunin ang bag nya..







"Wala naman.. Naiiyak lang ako sa dalawang to.. Sweet nila eh"- sabj ni Mia.. Geez!








"Ang korni mo talaga noh.. Ang babaw.. Kain kang asukal ng di ka naiinggit"- sagot ni Ar-kei na tila nainis pa..








"Dude, kaya pa? Kausapin ko na sya?"tanong ni Ross.






Umiling si Mia..





Our Lovestory: S E Q U E LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon