F O R T Y T H R E E

900 38 14
                                    


Ross POV


Flashback (Chapter 28 Season 1)


"Baby, y-you don't need to do that. I'm okey" sabi ko..

"Nah. I want to please you Rich. Fast learner naman ako eh. Hehehe" sabi nya at hinalikan ako dun.

"B-baby.. Luna.." sabi ko. Di ko alam kong aayaw ako o ano.

End of flashback.


It was a beautiful night Rich, saad ko sa sarili ko habang tinitingnan ang babaeng payapang natutulog sa tabi ko.


Dahan dahan akong tumayo, nagbihis at pumunta sa study room sa kabilang kwarto. Dinampian ko sya ng halik sa noo.


Naupo ako at kinuha ang photo album na binigay sakin ni Gab.


Pagbukas ko, una kong nakita si Luna at ang pantulog nya. Malaking t-shirt at pajama. Kakagising nya lang ata dito pero pinicturan na agad ni Gab..


Flashback (Chapter 5 of Season 1)

"HOY! KUNG SINO KA MANG NILALANG KA! WAG KANG MAMBULAHAW NG KAPITBAHAY! ALAM! MO BANG NGAYON LANG AKO MAKAKATULOG NA MAAYOS TAPOS MAG IINGAY KA NG WALANG PAKUNDANGAN! HUSTISYA NAMAN!" - tuloy tuloy nyang sabi habang nakayuko ako at tumatawa.

"ABA'T!? DI KA SASAGOT!? BWISIT KA!" - mas naasar pa sya ng malamang tumatawa ako.

"B-Buwan, Hahahahah.. wag ka ng magalit! Sinadya ko yun para ikaw ang unang pumansin sakin.. hehehe..Ayos ba?" – Tinawag ko syang Buwan, alam naman nya na ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun.

"Ahh..eehh.. Teka nga? Bat andyan ka sa bahay na yan? Talagang nananadya ka. May kasalanan ako sayo pero wag naman yung bubulahawin mo ang tulog ko!!" – tuloy tuloy nyang sabi sakin. Cute.

"Imba ka talaga Buwan! Hahahaha..Nakalabas ka ng bahay nyo ng di nagsusuklay?Naka pajama, malaking t-shirt? Di tumitingin sa salamin? Saka ang langis ng mukha mo..Hahaha..saka dumakdak ka na agad, pupusta ako di ka nagtotoothbrush. Grabe ka!Hahahaha" - pananabla ko sa kanya na ikinapula ng mukha nya.

End of Flashback


All of a sudden, I can clearly remember that day. Tinawag ko syang Baby nun kasi pinagtitinginan na sya nun. Napangiti ako at unti unti na namang sumasakit ang dibdib ko.


This is one the happiest day in my life. Hindi na napigilang tumulo ng mga luha ko. How can I forget those days? Na ang saya saya ko, na ang saya naming dalawa.


Flashback (Chapter 12 of Season 1)

"Hindi ako naghihintay na sabihin mo Mahal mo din ako. After that kissed, pinaghandaan ko to Luna.. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya. Gusto kong maging special ang araw na to kasi finally ito na, aaminin na ako, na tinupad ko ang pangako ko sa mga magulang mo. Saka kahit hindi ako nagpakita sayo,araw araw pinaramdam ko na andito lang ako through those morning flowers. Hehehe.. Mahal kita Luna at hindi ko papalampasin ang graduation mo. I was there. Kung tumingin ka sa second floor ng auditorium makikita mo ako. Hehehe.. narinig ko ang sinabi mo, alam kong ako yun. Hehehe.."- sabi ko. Medyo nagiging teary eyes na sya

"My Luna, w-wag mo akong ting..."- dugtong ko pa but she cut me off with her kiss. She's kissing me. Nilagay ko ang mga kamay nya sa batok ko. Marahan ko syang hinawakan sa bewang hanggang sa tuluyan ko na syang yinakap.

End of Flashback


Yumuko ako at tuluyan ng umiyak. Sumasakit na ang ulo ko sa mga naaalala ko pero alam nyo kung ano yung mas masakit?


Hindi ko na mababawi ang mga panahon na nawala ako sa tabi nya. 4 or 5 taon, panu ko sasabihin sa kanya na buhay ako? Na ako si Rich? Nakaalis na sya sa masakit na alaalang yun pero eto naman, mas masasaktan ko si Luna.


Mula nung magkita kaming muli bilang si Ross, yung mga lungkot na nakita ko sa mga mata nya ay dahil sakin, minsan ko pa syang naabutan sa opisina nya na nanaginip habang tinatawag ako.

 

Ako pala yun, ako pala ang may kasalanan. Taon taon syang dumadalaw sa "puntod" ko para maghilom yung sugat na ginawa ko sa pag aakalang patay na ako.


Pero hindi, mas worst pala kasi yung taong inalagaan ko ng matagal na panahon, yung taong mahal na mahal ko, yung taong buong pagmamahal akong tinanggap at pinaglaban sa mundo. Sya pa ang nakalimutan ko.


Kelangan mapunan ko ang mga taong nawala ako pero magagawa ko lang yun pag nalaman ko na ang totoong nangyari. Para na din sa ikakatahimik ko. That unfortunate day.


Pinunasan ko ang mga luha ko at kumuha ako ng papel –


Puntod – sino ang nakalibing dun na iniiyakan ni Luna?


Relo – kung sino man ang nakalibing dun, bat suot nya ang relo ko? Yun ang tanging nagpatunay na wala na ako.


Cha – panu nya ako natagpuan? Bat nya ako tinago ng matagal na pahanon?


Tumunog ang cellphone ko.


Gab calling...



Author's note:

Loviesss, sana matapos ko na to agad.

Medyo malapit na.

Vote please :)

-Keith

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Lovestory: S E Q U E LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon