Nakatingin lang ako sa labas ng room namin, tinitignan ko yung mga naglalakad sa labas habang nagtuturo yung professor ko sa Law.
First year college pa lang ako, BS Management Accounting sa State U. Kaya ang init sa room namin. Nakakagulat din tong prof ko kasi bigla-biglang nagtatawag.
Nakita ko na nagshushuffle na naman ng index card si Attorney. Shit, Mukhang magtatawag na naman to ng estudyante ngayon.
Nanalangin naman ako habang bumubunot siya ng index card na sana hindi ko index card ang mabunot niya.
"Gonzales, Aria Isla R." Tangina, kamalasan nga naman oh. Tumayo naman ako sa upuan at tumingin kay Attorney.
"What is Obligation with penal clause concept? Please elaborate." Grabe yung puso ko ngayon, kailangan pa naman kay attorney ay Verbatim.
"An obligation with a penal clause is one which provides for greater liability on the part of the debtor in case of non-compliance. The accessory undertaking on the part of the debtor is called the penal clause. The penal clause is generally undertaken to insure performance and works as eithr, or both, punishment and reparation. In line with GR No. 184472" Timid ko na sagot kay attorney at humihiling na sana wala mg follow-up questions.
Tumango-tango naman si Attorney sa sagot ko at mukhang nasabi ko naman iyon ng tama.
"You may now seat Ms. Gonzales" Ngumiti at umupo na ko sa kinauupuan ko.
Tinignan ko ang oras 2:03pm, hanggang alas-3 pa ang klase ko dito kay Sir. Medyo naiinip na rin ako at inaantok dahil sa init ng panahon. Tinitignan ko lang yung mga kaklase ko na kinakabahan at mga dumdaan sa labas.
Maya-maya nararamdaman ko na tumunog ang cellphone ko, sinilip ko lang ito ng di nahahalata ni attorney. Nagtext si Meg.
From: Meg
Sis, saan u? May pasok ka?
Bakit kaya nagtext tong gaga na 'to. Baka yayain na naman ako mag-inom. Ayoko na, wala naman mabuting dulot iyon sakin. Siguro, lagpas three months na nung huli kaming nagkita at pumunta sa bar.
To: Meg
Yes, sis. Hanggang 3pm lang ako today. Why?
From: Meg
Bet mo nood tayo UAAP Women's Volleyball?
Hmmm, Naalala ko na naman yung nakausap ko last time sa labas ng bar. Si Jols. Sino kaya maglalaban ngayon. Gusto ko siyang mapanood.
To: Meg
Saan? Sino magkalaban?
I just want to make sure kung DLSU, kasi kung sila sasama ako.
From: Meg
Sa Fil-oil lang, Wag ka ng humindi isang sakay lang d'yan sa school niyo yon. DLSU ata, di ko sure kung AdU kalaban or ewan. 4pm ata start, don na lang tayo kita libre ko ticket.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic)
Romance"I always choose you always and always. I always hoping one day you'll choose me the way I choose you. Pagod na pagod na rin ako, Jolens" - Aria Can Aria choose her over and over again, or she will choose herself and have the freedom she have?