Dumating na ako sa apartment ko. Nagpark naman ako agad. Inayos ko na yung sasakyan ko pero narealize ko na marami pala akong i-uunload.
Pumasok muna ako sa lobby at humiram ng pantulak para di ako mahirapan itaas ang mga gamit ko na nasa sasakyan. Una kong binaba yung Oven, sumunod naman ang mixer ko. Sinunod ko na rin yung bagong laba kong mga damit. Nakita ko din yung paper bag na binigay ni Jolina sakin.
Mamaya ko na bubuksan ito after kong mag-ayos nitong mga gamit ko. Inalis ko muna yung mga kalat ng sasakyan ko dahil ayaw ko ng maraming kalat dito. Kung may sasabay man sakin na kaibigan o kakilala hindi ganon kadumi.
Pumasok na ko sa loob ng apartment ko tulak tulak yung hiniram ko don sa lobby. Madami talaga kong dala ngayon at hindi ako magkanda-ugaga sa gamit.
Nakabili na rin ako ng rack para sa Oven at Mixer ko. Inassemble ko na rin ito dahil kakadating lang galing shopee. Medyo mahirap siya i-assemble pero syempre independent woman tayo. Hindi pwede at mag-isa lang din ako dito.
Inilagay ko naman isa-isa yung mga gamit ko bibili na lang siguto ako ng iilan na organizers para sa mga ingredients ko. Inayos ko na din yung mga bagong laba ko na mga damit. Naglinis muna ako bago mag-aral.
Naalala ko yung bigay ni Jolina sakin na paperbag, pagbukas ko nandoon yung Ticket sa game bukas, greenshirt and sticky note na may nakalagay na, "Good luck sa exam
tomorrow, bakla! Rooting for you! ❤️"
Parang masasagot ko na lahat ng tanong bukas sa exam. Mukhang mapeperrfect ko na. Charot! Ganito pala makareceive ng ganitong bagay sa happy crush mo.
Binuksan ko yung damit na binigay niya, mukhang kasya naman sakin. May naka-lagay lang ito na "La Salle" sa harap traditional na print na nakikita ko sa jersey din nila. Parang ang dami naman ganitong damit ni Jolina.
Bigla naman tumunog yung phone ko, Nakita ko si Meg tumatawag. Sinagot ko agad tutal naka-video call.
"Hello? Bakit?" Ayan yung pambungad ko na sagot sa kanya at mukhang sanay na naman siya sa akin.
"Anong bakit! Ako dapat kaya magtanong niyan" Balik niya na sabi sakin
"Huh? Anong meron na naman bakla? Anong chismis natin jan?" sagot ko sa kanya. Kaya lang naman to tumatawag. It's either may random chismis or may something na difficult decision sa buhay niya.
"Bakla ka talaga, Nakita mo ba IG story ni Jolina?" tanong niya sakin. Hindi pa ko nagbubukas ng Social Media. Inabot din kasi ako ng halos dalawang oras sa pag-aassemble.
Naalala ko rin na itext si Jolina, dahil sabi niya nga pala itext ko siya kapag nakauwi na ako sa apartment ko.
"Hindi pa, bakla. Nag-aayos ako dito e. Dinala ko na kasi yung Oven and Mixer ko dito sa apartment. Namimiss ko na magbake." Paliwanag ko sa kanya.
"Bilisan mo, bakla. Kikiligin ka pnigurado sa IG story ni Jolina." Agad-agad ko naman tinignan ito.
Pinicturan niya pala yung Iced Coffee na binigay ko sa kanya at ako yung background habang nag-aayos nung mga gamit ko sa likod. Ang caption niya ay, "Thank you for free coffee 🤍"
Ayokong ngumiti sa IG story niya, pero nagreply ako naman sa story niya na, "Hindi libre yan beh, sisingilin kita bukas" Halata na sa mukha ko yung ngiti.
"Hoy bakla, grabe naman yung ngiti mo jan ha! Kilig na kilig?" Ewan ko ba dito sa kaibigan ko na ito. Masyadong kontrabida sa lahat ng bagay.
"Hindi ah, binigyan niya kasi ako ng ticket para bukas" paliwanag ko naman.
"Ay, oh ngayon naman manonood ka ng ticket nalulungkot na ko di na ako ang inaaya mo" Pa-sad effect naman nito ni Meg.
"Alam mo bakla, sabi mo kaya last time may lakad ka at may exam naman ako kaya di tayo natuloy. Diba imemeet mo yung bumble date mo bukas?" Pang-aasar ko naman sa kanya.
"Oo" Casual na sagot niya habang natatawa.
"Oh diba, kaya hayaan mo na ako bukas. Maaga din kasi matatapos exam ko then late na pala laro nila Jolina bukas. Pinilit naman ako ni gaga. Eh marupok ako." Nagtawanan naman kami imni Meg sa kalokohan namin pareho.
"Oh sige na nga, magligpit ka na jan mukhang madami ka pang liligpitin jan. Ingat ka bukas ha" Paalala naman niya sakin.
"Yes po, madam! Bye. Ingat ka bukas. Text mo ko agad ha. Labyu!" Paalam ko naman sa kanya.
"Ingat ka din bukas, bakla. Goodluck sa exam ko bukas! Luv ü too!" Paalam niya sakin binaba na ang tawag.
Nakita ko naman na may message sa instagram ko kaya tinignan ko ito. "Bakla ka, hindi ka nagmessage sakin na nakauwi ka na"
Naalala ko din naman na si ako nakapagmessage. Kaya nagreply din agad ako, "Oo nga bakla, nalimot ko dami ko kasing ligpitin dito sa apartment"
Nagreply din naman siya na, "Okay lang naman! Bagay ba sakin buhok ko kanina? Ganon sana iipit ko bukas" Tanong niya sa akin at nagsend pa talaga siya ng selfie niya kagaya nung buhok niya kanina.
"Bakla ka, mas okay na yung ipit mo sa unahan or yung pigtail ko last time. Parang hindi ka na si Jolina Dela Cruz niyan. Mukha ka ng si Jolina Magdangal" Biro ko naman sa kanya. Bakla mukha kasi siyang kasali sa chuva-chu-chu ni Jolina sa sobrang dami niyang ipit sa buhok.
Maya-maya nagreply na rin siya na, "Ang sama ng ugali mo!"
"Well gusto mo ko maging kaibigan diba? Panindigan mo charot! Sige na bukas na lang tayo magkita. Marami pa kong ligpitin at rereviewhin. Ciao!" Nagpaalam na ko hahaba na naman chikahan namin nito ni Jolina.
Inayos ko na yung mga gamit ko pati yung study table ko para magrecap sa mga nireview ko ng mga nakakaraan.
Masyado na kong natutuwa sa thought ni Jolina na magkausap. Natatakot ako baka maging careless na naman ako kagaya ng dati. Ayaw ko na rin walain yung sarili ko dahil mahirap hanapin ulit.
Dinendma ko muna lahat ng bagabag ko sa buhay, Umupo na ko sa study table ko and masasabi ko na lang na, Finally, makakapag-aral na rin ako na walang kalat.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic)
Romans"I always choose you always and always. I always hoping one day you'll choose me the way I choose you. Pagod na pagod na rin ako, Jolens" - Aria Can Aria choose her over and over again, or she will choose herself and have the freedom she have?