3

44 2 0
                                    

Definitely, De La Salle dominated the game ang ganda ng sequence from receive and dig ni CJ Saga hanggang sa set ni Mich Cobb at pagpatay ng bola ng mga spikers.


Ang smooth ng first set, second set and finally down to the last set. Match point na ang La Salle. Sinet agad ni Mich Cobb yung bola kay Jols at napatay na ang bola.


Napatayo at Napasigaw ako sa last point ni Jols. Grabe yung sigaw at saya ko. OMG.


Ang galing niya, from defense to offense. She is really the super rookie. Yung ngiti niya sobrang ganda talaga nakakatuwa siya panoorin sa court. Ang ganda niyang gwapo at the same time pero baka kaya ganon ang hair niya dahil sa tradition ng La Salle.


"Super happy sa laro ah? Enjoy na enjoy ka, beh." Sabi naman ni Meg. Itong gaga na to' lagi napapansin lahat ng ginagawa ko.


"Alam beh, lahat na lang ha" Natawa naman siya sa kagagahan namin dalawa.


"Galing ng DLSU no? Parang si Ara Galang yung Jersey #8 no yung Dela Cruz. Angas din e. Marunong magparaan sa bola" Sabi niya naman sakin. Napangiti naman ako sa sinabi niya at nagsalita naman siya agad. "Hoy teh! Bakit ka nangingiti d'yan? Aber? Bet mo ba yon?"


"Bawal ba ngumiti, bakla?" balik na tanong ko sa kanya.


"Sus, bet mo lang si Dela Cruz e" pang-aasar niya sakin. She never knew na nagkaroon na kami ng conversation.


"Alam mo ba, Na-meet ko na yon" Lumaki naman yung mata niya, ako naman tinitignan kung makakalabas na kami sa Venue pinapa-ubos lang namin ang tao.


"Ay wehhh??!!! Bakla ka!!!! Anong chika?" Tanong niya naman sakin


"CR muna tayo, bago tayo lumabas." Pumunta naman kami ng CR pero itong gaga na to' di matapos kaka-usisa pero di ko naman siya sinasagot.


"Hoy bakla ka, chumika ka na" Paulit-ulit niyang sabi sakin.


"Gagi, naalala mo ba nung nagbar tayo last time? Nakausap ko yan sa labas with a little chitchat lang ganon. Sabi ko papanoorin ko siya sa UAAP malay ko ba na nandito pala siya." Paliwanag ko naman sa kanya


"Bakla ka, Rookie lang yon e no?" Tumango naman ako at pumasok sa cubicle ng CR.


Nauna kong natapos kaysa kay Meg kaya humarap ako sa salamin at nag-ayos ng kunti, ang haggard ko na nga. Sabagay, simula 7:30 nasa school na ko eh anong oras na ngayon quarter to 7 na.


"Bakla, hintayin natin yung mga players don sa likod. Para naman makita mo si Jols don." Tinignan niya naman ako ng nang-aasar. Bakla talaga to.


Lumabas naman kami ng Arena at pumunta sa likod kung saan lumalabas ang players. Ang dami nila sobrang fans. Lahat naka-green na shirt. Medyo nasa malayo lang kami ayaw ko din sa crowded na lugar.

Nag-iisip isip na din kami ni Meg kung saan kami kakain after nito. Siguro didiretso na lang kami ng SM Sta. Mesa tutal ito naman ang pinakamalapit na kainan dito.

Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon