19

39 1 0
                                    

Nakadating na kami ng Bohol around evening, nagstay muna kami sa Hotel dahil bukas namin aayusin yung itinerary namin. Nakahiga naman si Jolina sa kama habang ako ay inaayos na yung mga gamit ko sa maleta para hindi na masyadong hassle.


"Jolens, Ayusin ko na lang rin ba gamit mo?" tanong ko sa kanya.


"Ikaw bahala, pero kapag pagod ka na wag mo na ayusin ha. Ako na lang" sabi niya sakin. Kanina pa siya tutok na tutok sa cellphone niya.


"Okay, ayusin ko na to para tuloy tuloy na lang tayo bukas" Inasikaso ko naman yung laman nung maleta niya. Nilagay ko sa cabinet yung mga damit niya at nilagay ko sa CR yung iba niyang hygiene kit.


"Di ka maliligo, bakla?" casual na tanong ko sa kanya.


"Tinatamad na nga ako eh" Ingit niya naman at umikot siya sa kama.


"Beh, ang baho mo na. Maliligo na ko" Tumango naman siya at dumapa sa kama. Bumalik na siya sa pagcecellphone niya.


Naligo naman na ako at nagpalit na rin ako ng pajama ko para makapagpahinga na at maaga pa kami kailangan gumising bukas. Maganda din itong hotel na nabook namin pero napagod kami sa byahe. Humiga naman ako na sa kama habang nagsusuklay. Yumakap naman sa akin tong si Jolina.


"HOY! ANG BAHO MO, WAG MO NA AKONG TABIHAN" sita ko naman sa kanyan at hinataw ko siya. Lalo niya naman hinigpitan yung yakap niya sa akin.


"Sus, kunawari ka pa gusto mo naman" sabi niya sakin.


"Mamaya ka na beh, ang baho mo kaya!" sabi ko sa kanya.


"Di mo na ko love?" sabi naman nito ni Jolina


"Luh, sad girl yarn?" Natatawang biro ko naman sa kanya.


"Magshoshower na ko" maiksing sabi niya at tumayo naman ako.


Nagbasa lang ako ng mga nakikita ko sa Social Media, maya-maya naman ay nakita ko na may message sa akin si Gab.


From: Gabrielle
Nasa Bohol na kayo?


To: Gabrielle
Oo. 🥰


From: Gabrielle
Luh ka, mag-ingat kayo.


She never failed to asked me kung kamusta ako or nasaan na ako. She always doing that since then.


"Bakit ka naka-ngiti ha?" tanong naman sakin ni Jolina sabay irap


"Wala, bakit? Masama?" balik na sabi ko naman sa kanya


"Oo pag di ako ang dahilan. Heh, sino yan ha" Pagsusingit naman ni Jolina habang sinusuklay yung buhok niya.


"Bakit selos ka?" tanong ko


"Eh kung, oo?" napatahimik naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung tama ba na kiligin ako or hindi.


"Mema ka, ang bilis mo naman maligo" sagot ko naman sa kanya.


Tumabi naman sa akon si Jolina sa kama at tinignan niya lang ako. Grabe yung tingin niya para bang kikiligin na ko hanggang sa susunod na buwan.


"Bakit ka nakatingin?" masungit na tanong ko sa kanya


"Bakit, masama ba?" balik niya naman sa akin at lalo niya naman nilapit niya yung mukha niya sa akin


"Hindi, nakakailang lang" Nagfocus lang ako sa cellphone ko kasi di ko alam kung anong action yung gagawin ko sa ganitong tingin.


"Magcecellphone ka lang pala, pumunta pa tayo ng Bohol" umikot naman siya sa kabilang side ng kama at tinalikuran ako.


Nagiging matampuhin naman ito si Jolina lately, anong meron? Tama ba yan, tinalikuran ako? Niyakap ko naman siya sa galing sa likod.


"Uy, di na ko magcecellphoneeee" lambing ko naman sa kanya. Hindi pa rin niya ako nililingon. Tinusok ko naman siya sa tagiliran. Naramdaman ko naman na tumawa siya.


"Hoy, Jolina Marie. Best actress ha" biro ko naman sa kanya umikot naman siya paharap sakin at niyakap ako.


Grabe na yung mixed signals na narereceive ko dito sa babaeng ito. Hindi ko alam kung this is the right emotion to act na i-reciprocate ang ginagawa niya sakin.


"Na-miss kita, A." Bulong niya sakin


"Na-miss din naman kita, Jols" sabi ko


"Grabe, attachment ko na sa'yo. Namimiss ko yung amoy mo, yung asikaso mo, at sweet gestures mo. Even the smallest thing na ginagawa mo sakin, A." sabi niya naman. Ito na naman ba tayo sa sweet gestures. Tahimik lang ako at hindi kumibo.


"Alam mo, A. Hindi ko ata kaya ng wala ka na kasi I find a home to you. No joke ha, pero na-feel ko everything na deserve kong ma-feel. Iba yung alaga mo." sabi niya sakin. Nakikinig lang ako sa kanya habang pabilis ng pabilis ang tibok puso ko. Para bang may mga kabayo na tumatakbo dito.


"You means alot to me, Jolina. You become my everything for the last few months ago. I feel the warmth and happiness of you. I always looking forward the days to be with you." sagot ko naman sa kanya habang nakatingin sa akin. Nakangiti lamang siya habang tinitignan ako sa mata ko. Iba yung butterflies and stomach na nararamdaman ko ngayon.


"I never expect to feel that I have a friend like you in three month we've been together. I always looking forward to the days with you. Even for the worst and best days of life" Hindi ko ma-get ang contradicting ng mga sinasabi niya sakin. I thought she has something on me and the she will mention as a friend?


"You're my everything, A. You are my tahanan. and my pahinga."Tumingin siya sa akin at unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko na lang na she kissed me on my lips.


Nagugulahan na ako kung ano talaga tayo, kung saan ba ko lulugar. Everything means bigtime to me. Mayroon ba na friend na nagkikiss, Jolina. I need to breathe and know what place I should be. Para alam ko kung saan ako lulugar at hindi mag-assume sa mga bagay na nangyayari. Never assume unless otherwise stated. Grabe na, Jolina. Ano ba ko sa'yo?

Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon