Lumabas naman ako ng kwarto after lumabas din ni Jolina sa kwarto. Nakita kong aakma na lalabas siya ng pinto ng apartment ko
"Uwi ka na Jolens?" casual na tanong ko sa kanya. Di niya naman ako tinitignan
"Oo, baka nakaka-istorbo ko sa inyo" casual na sagot niya sa akin.
"Kumain ka na ba?" malambing na tanong ko sa kanya
"Hindi pa." Ang cold mo naman Jolina nakakain ka ba ng yelo for today.
"Sayang naman tong dala mo oh, kain na tayo" Nakita ko kasi na may dala siya Pizza and chicken.
"Umupo ka na dito, ipaghahain na kita" pumasok naman siya at umupo sa dining ko.
Naglagay na ko ng plates and rice para if ever na gusto niya kumain ng rice. Medyo off yung mood ni Jolina today.
"May problema ba, Jols?" tanong ko sa kanya
"Sino yung kasama mo?" tanong niya sakin.
"Ah, Si Gab yon. Kaibigan ko from Senior High" sabi ko sa kanya at tumatango-tango siya.
"Baka nagugutom tawagin mo na rin" Isang tanong, isang sagot si Jolina.
"Wag na, uuwi na rin yon d'yan lang yon nakatira sa susunod na door" sabi ko
"Nakakahiya naman na kumakain tayo, siya hindi" sabi niya. Nakatingin lang siya sa kinakain niya hindi niya pa rin ako tinitignan sa mata ko.
"Gabrielleeeee!" tawag ko naman kay Gab.
"Yes, love?" Gaga talaga tong si Gab, ang lakas mantrip. Nakita ko naman yung pagkagulat sa itsura ni Jolina.
"Tangina mo" sabi ko sakanya at nagbad finger ako. Pumunta naman siya at kumuha ng stool sa gilid ng kusina.
"Kumain ka na dito daw, may dala yung friend ko na food" sabi ko kay Gab. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Nakakahiya, gagu" bulong naman sa akin ni Gab. Natawa naman ako sa kanya. Narinig ko naman may bumagsak na kutsara kaya napatinhin ako kag Jolina.
"Bakla, Si Gab kaibigan ko. Gab, si Jolina kaibigan ko rin" nag-offer naman si Gab ng kamay at kinuha naman ito ni Jolina.
Pinaglagay ko naman si Gab ng rice and kumuha ko ng pizza para sa akin. Nakita ko naman na hawaiian pala ang pizza. Di ko type ang pineapple on pizza.
"Thank you, love" Pinagttripan naman ako nito ni Gab. Napatingin naman ako kay Jolina na masama ang tingin. Ano na naman meron sa babaeng ito?
Kumuha naman ng chicken si Gab, inalisin niya yung balat ng chicken niya at nilalagay sa plate ko. Ewan ko ba dito, siya lang ang bukod tangi na ayaw ng chicken skin.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic)
Romansa"I always choose you always and always. I always hoping one day you'll choose me the way I choose you. Pagod na pagod na rin ako, Jolens" - Aria Can Aria choose her over and over again, or she will choose herself and have the freedom she have?