Shit. Nandito na naman ako sa maingay na lugar na to. Tinignan ko yung mga kaibigan ko parang hindi nalalasing parang wala ng bukas. Tinignan ko yung orasan ko 1:46am. Maaga pa yan para sa kanila. Naglakad ako papalabas parang nasusuffocate ako sa init ng lugar.
Finally, Nakalabas na ko sa lugar na yon. Parang ang lalagkit ng tao, mga lasing at sobrang wild. Kahit nakailan shot na ko ng Tequila hindi pa ko ganon tinatamaan, at kaya ko pa ang sarili ko.
Kumuha ko ng lighter at stick ng yosi sa bulsa ko para mawala yung epekto ng alak. Nakatayo lang ako sa gilid ang tahimik dito sa labas kumpara sa loob. Sabagay, di naman ako sanay sa ganitong lugar. I am a smoker ocassionally lang.
Sisindihan ko na sana yung isang stick ko ng yosi nang may marinig ako na magsalita.
"Anong yosi mo?" tanong ng babae na maiksi ang buhok pero matangkad kumpara mo sa 5'4 ko na height.
"Hmm, Blue" timid na sagot ko naman sa kanya.
"Ah, may favor lang sana ako sa'yo" Favor? agad-agad?
"Ha? ano yon?" sagot ko naman
"Sorry to ask you this, kaya kasi ako lumabas sa loob kasi nasusuffocate ako sa usok if pwede lang" Tumingin naman siya sakin at ngumiti.
"Ah, okay lang naman. Walang problema" Balik na ngiti ko sa kanya.
"Lagi ka rito?" Nahihiyang tanong nung babae.
"Hindi, Ayoko sa ganitong lugar masyadong maingay at di komportable sa pakiramdam" Sagot ko naman sa kanya habang tinitignan ang mga sasakyan na dumadaan.
"Ah eh, Ano ginagawa mo dito?" Tinignan ko lang siya at sinundan niya agad ang sinabi niya na, "Ah wag mo ng sagutin"
"Sinamahan ko lang yung mga kaibigan ko parang once in six months lang kami nagkikita, ikaw bakit ka nandito sa labas ng mag-isa?" Balik na tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga dumadaan.
"Kagaya mo din, ayaw ko din ng ingay sa loob. Kasama ko teammates ko nasa loob" Teammates? As in sa sports ba?
"Teammates?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"hmm-uh, Teammates sa volleyball. Magsisimula na kasi season i-eenjoy na muna bago ang dikdikan training namin." Sagot niya sakin. Saan kaya siya naglalaro.
Tumatango-tango ako at tumingin ako sakanya dito ko lamang napansin na nakasuot siya ng Tshirt na green na may nakalagay na "La Salle" sa harap.
"Talaga? Alam mo mahilig ako manood sa UAAP basketball nga lang, may iilan rin naman ako kilala sa volleyball. Nako, baka kilala ka na ha" Biro ko sa kanya sabay ngiti ng malaki sakin.
"Gagi, Hindi mo pa ko kilala ngayon pa lang ako magsstart ng season e" so rookie siya, ang ganda ng ngiti niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic)
Romance"I always choose you always and always. I always hoping one day you'll choose me the way I choose you. Pagod na pagod na rin ako, Jolens" - Aria Can Aria choose her over and over again, or she will choose herself and have the freedom she have?