25

15 0 0
                                    

From: Super Rookie

Message me, A if you kept my clothes pooo. Stay mo muna sa condo mo. Thank youuu, Labyu!


Binigay naman sa akin ni Gab yung phone ko at agad kong binasa yung message ni Jolina. Medyo magulo ang context niya so far since di ko ma-gets ang mya bagay with certain meanings.


"Alam mo queen of mixed signals yan si Jolina, hindi mo ma-gets kung ano yung gustong gawin. Ang gulo niya wth." Tinignan ko naman si Gab alam ko naman totoo ang sinasabi niya dahil wala naman talagang final answer si Jolina. Hindi ko alam kung umiral lang ba ang intrusive thoughts niya or something.


"I know also, Gab. Hindi ko nga alam kung bakit ko pinasok yung ganitong sitwasyon na gugulo sa mixed signals niya. Lahat ng red flag niya ata sakin ay color green" Napangiti naman siya sa sinabi ko kasi alam niya naman na totoo.


"Apat mata mo bulag ka pa rin. Ano ba yan, Iya! Nasa harap mo na nga rin ako di mo pa rin ako makita eh" Natatawang sabi niya sakin kasi totoo naman. Maya- maya may kumatok sa pinto lumabas naman si Gab at kinuha yung delivery namin na siomai.


After few minutes, May kumatok na naman sa pinto.


"Baka yung rider yan, may nakalimutan sa order natin" sabi ko kay Gab. Agad naman itong lumabas para icheck if sino yung nasa labas.


"Iya, may naghahanap sa'yo." Tumayo naman ako at iniisip ko kung sino naghahanap sakin kasi ang weird na may maghahanap sakin ng ganitong oras walang nagsabi or waa naman ako ininvite.


"A..." yan lang narinig ko at pumunta sa may pinto. Nakita ko si Jolina sa harap ng pinto ng apartment ko at bigla naman sumimangot si Gab.


"Pwede ba pumasok? or nakakaabala ako?" Tanong ni Jolina sa akin.


"Oo, nakakaabala ka" "Hindi naman, pasok ka" sabay na sagot namin ni Gab.


"Gab, ano ba" sagot ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Inirapan naman ako nito at bumalik sa upuan.


Pinapasok ko naman si Jolina sa receiving area ko at umupo sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya andito.


"Bakit ka nandito, Jols?" Tanong ko sa kanya


"Ah, may sasabihin ako pero sige mamaya na importante and private kasi" sabi niya naman. Napatingin naman si Gab samin at alam kong masama ang tingin niya.


"Ah, sige alis na ko baka nakakaabala ako sa inyo, Kainin mo na to Iya. Malamig na Babalik na lang ako mamaya" timid na sabi ni Gab at kinuha ang gamit niya at lumabas.


Sinundad ko naman si Gab at sinara ko muna ang pinto at kinausap siya.


"Sorry, Gab. Di ko naman ine-expect na pupunta si Jolina dito" sabi ko sa kanya. She look worried at tinignan lang ako ng diretso sa mata.


"At least masaya ka" She smiled bitterly and tap my head. Lumakad naman siya papunta sa kabilang pinto sa apartment niya. Hindi ko minsan maisip na laging ganito si Gab kapag nakikita niya kaming dalawa ni Jolina. I really don't know what is happening, Erase that I know what's happening and tends to deny it.


Bumalik na ko sa loob nakatingin lang si Jolina sa akin ng blanko. Isa din to' tatatlo na nga lang braincells ko titignan pa ko ng ganito.


"Anong sasabihin mo pala, Jols?" I plainly asked her.


"Sorry, Ang mean ko ata kay Gab umalis siya. Di ko sinasadya" sabi niya naman sakin. She is aware of what she is doing.


"No, its fine naman tsaka d'yan lang naman sa kabilang door nakatira si Gab she can go here or I can go there anytime." Paliwanag ko sa kanya. Ayaw ko iparamdam sa kanya na she did something wrong.


Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon