Bago ako umuwi dumaan muna ko ng grocery, wala na kasi akong stock sa apartment ko. Iniisip ko din kasi kung magtatagal si Jolina sa apartment ko baka ma-short yung mga stock ko.
Nung nagtitingin ako ng mga meat, nakita ko may kumakaway sakin. Si Gabrielle. She was my SHS crush.
"Aria!" tawag niya sakin at lumapit sa akin.
"Uy, Gab! Kamusta?" Nakangiting bati ko sa kanya.
"Ito okay lang, ikaw Aria? Doon ka pa rin ba sa apartment mo?" balik na tanong niya sakin
"Okay lang rin, Gab. Oo don pa rin ako bakit?" Naglakad naman kami sa ibang section ng grocery.
"Doon na din kasi ako nag-aapartment eh, kapitbahay na kita" tawa niya naman sakin.
Si Gabrielle kasi at the same time ay maganda at gwapo at same time. She is open about her identity. She is a lipstick lesbian. Magkasama kami sa iisang group of friends nung SHS.
"Ay weh! Shot na minsan" Tawa ko naman sa kanya
"Bagong buhay na tayo, Aria" sabi niya sakin habang tumatawa
"Ikaw pa Gab? Duda ako d'yan" Pumunta naman kami sa alcohol section
"Ano gusto mo, Aria? Cuervo tayo?" tanong niya sakin
"Libre mo ba to, Gab? basta hindi ngayon ha" sabi ko sa kanya
"Stock lang, baka pumunta ka sa apartment ko eh" Tawa niyang sabi sakin
"Sige, punta ko don minsan. Bili din akong beer magchillnuman lang tayo" biro ko sa kanya. Kumuha naman siya ng Jose Cuervo at nilagay sa cart niya, Kumuha naman ako ng Smirnoff Mule at nilagay sa cart ko.
"Nakakamiss ka din ka-heart to heart talk kahit tuwing lasing ka tawa ka ng tawa" Hinampas ko naman siya habang tumatawa.
"Hoy! At least hindi gaya mo umiiyak tuwing nalalasing!" Biro ko sa kanya
"Na-miss ko luto mo!" sabi niya sakin
"Sige, minsan bigyan kita ulam kapag may sobra!" sabi ko naman
Kumuha na lang kami ng konti pa namin kailangan habang pinagchichikahan yung mga iba namin kaibigan. Kung kamusta na kayo sila or ano ginagawa nila sa buhay. Nagbayad naman na kami sa cashier ng mga pinamili namin.
"Iya, magbook na lang tayo ng grab?" tanong niya sakin. My SHS friend usually calls me "Iya" kasi may friend kami na hirap bumigkas ng 'r'
"May dala akong car, sabay ka?" tanong ko sakanya
"Syempre naman, libre ito eh" Natatawang sabi niya. Naglakad naman kami habang tulak tulak ni Gab yung cart na may laman ng grocery namin papunta ng parking. Binuksan ko na yung trunk ng car para mailagay na yung mga pinamili ko.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic)
Romance"I always choose you always and always. I always hoping one day you'll choose me the way I choose you. Pagod na pagod na rin ako, Jolens" - Aria Can Aria choose her over and over again, or she will choose herself and have the freedom she have?