Chapter 61

1.8K 48 0
                                    

Tristan Charles.

"SO hindi nga sila pwede sa isa't-isa? Bakit niyo pa kasi pinipilit?—Dad? Anong klaseng anak ba 'yan sobrang halay niya, sa lahat ng aanakan talagang pinsan niya pa?" Sabi ni Jade na mas ikinainit ng ulo ko kaya walang sabi-sabing inambangan mo siya ng suntok. Kung alam ko bakit ko gagawin? Putangina niya!

"Tristan!" Saway sa akin ni Mommy.
Gusto kong basagin ang mukha ni Jade sa sinabi niyang iyan, gusto kong bawiin niya ang sinabi niya dahil hindi iyan totoo! Hindi! Hindi ako papayag na magkadugo kami ni Yukizia! Saang lupalop naman 'yan napulot? That's a big lies!

"Wala kang karapatan na sabihan ako ng ganiyan! Bawiin mo ang sinabi mo kung ayaw mong basagin ko ang pagmumukha mo!" Sigaw ko sa kaniya habang matalim ang tingin. Nakita kong pinupunasan ni Jade ang dugo sa may labi niya.

"Masyadong mayabang ang anak mong 'yan Kuya. Sige ibigay mo ang gusto niyan Tristan!" Rinig kong sabi ni Tito Marjun.

"No! Tristan tumigil ka, he's still your half-brother so please stop you two!" Rinig ko namang saway ni Momm sa akin.

"Honey calm down, let them on what they want to do." Sabi naman ni Dad at hinila si Mommy papalapit sa kaniya.

"Dad? Don't—"

"It's okay.—Now, Tristan and Jade show me how strong you two, one on one fight! Empress me!" Putol  ni Tanda sa sasahin ni Mommy.

"Ibaba niyo ang baril niyo!" Utos ni Jade sa mga tauhan niya at hinubad niya ang suot niyang jacket. Gago, nakatutok pala mga baril nila pero kahit isa walang pumutok ng inuupakan ko siya. Anong klaseng tauhan ba sila?

"Walang makikialam rito, laban namin 'tong dalawa. Manuod na lang kayo, sa isahang iglap lang babagsak sa mismong harapan ng angkan ng Sandoval ang pinagmamalaki nilang Tristan Sandoval, kung gusto niyo magsama-sama kayong lahat na babagsak," Dagdag pa ni Jade at iniabot niya ang jacket niya sa tauhan niya, nakita ko siyang ngumisi sa mga pinsan ko. Tingnan natin ang yabang mo.

Masyado siyang confident sa sarili niya na akala mo naman kung sino, tsk!  Nakakahiya siya! Kilala niya ba kung sinong ang niyayabangan niya? Damn! Baka nakakalimutan niya madami kami rito at nag-iisa lang siya.

"Abah! Minamaliit mo ba kami? Baka gusto mong patumbahin kita sa kinatatayuan mo na nandidito lang ako?" Inis na sabi ni Tito Marwin at dinuro si Jade.

"Talaga ba? Matatakot na ba ako sayo?" Umakto si Jade na parang natatakot pero nang-aasar lang talaga siya. Ang gago! Tsk!

"Anak mo ba talaga 'yan kuya?—Ang talim ng tabas ng dila mo boy! Bata ka pa marami ka pang pagdadaanan bago mo kami mapatumba, kikilalanin mo ang kaharap mo ah?" Nakita kong umigting ang panga ni Tito Marjun. Ang kapal ng mukhang sagot-sagotin si Tito, tsk!

"Kilala ko kayo, tanyag na pamilyang malapit ng bumagsak!" Ngumingising sagot ni Jade kay Tito Marjun. Paano kami babagsak? Tsk! Gago! Wala sa pamilya namin ang babagsak!

"Kami ba talaga binabangga mo? Halika rito at tayong dalawa ang magtutuos! Kung pangalan ang pinag-uusapan hindi ako papayag na mamaliitin mo kami, isa ka lang sampid sa pamilya namin kaya wala kang karapatan na sabihin 'yan sa amin, isa kang inutil! Wala kang utang na loob!" Lumapit si Tito Marlu kay Jade pero napigilan siya ni Dad.

"Kailan ba ako nagkautang na loob sa inyo? Kung meron man sabihin niyo lang at babayaran ko, magkano ba? Isang piso? Ito oh may Limang—"

"Jade!" Saway sa kaniya ni Dad. Napakawalang kwenta niya talaga, talagang binabangga niya kami. Puta! Naalala kong nawawalan pa ako ng pera paniguradong siya ang may kagagawan niyon dahil balak niya akong pabagsakin.

Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon