Chapter 18

1.7K 61 0
                                    

Yukizia Veronica.

"GANDA may iba ka pa bang gusto? Cake?" Tanong ni Tristan ng makapasok sa kwarto si Ate Susan, kasama ang dalawang maid na may dala-dalang tray ng pagkain at nakasunod naman si Nana Cely na nag-uutos.

"Good morning Master!" Sabay-sabay na saad nila Ate Susan at nag bow pa kahit may hawak ng tray.

"Good morning Ma'am Yuki!" Bati nila sa 'kin at nginitian ko naman sila.

"Magandang umaga sa inyo! Kumusta ang pakiramdam mo hija?" Baling samin ni Nana Cely.
"Good morning po sa inyo, medyo okay na po ako masakit lang po talaga ang katawan ko," I said

"Hindi ka pwedeng kumain ng malamig hija, may lagnat ka kaya itong sopas ang kainin mo," ani ni Nana Cely sa 'kin habang inaayos sa mesa ang pagkain.

"Wait? I thought you're okay now? It's still hurt huh? Do I need to call a doctor to check you up?" Sabat ni Tristan at lumipat ng unan sa hita ko na kanina lang ay nakaunan sa dibdib ko.

"H-hindi na, ayos lang." Saad ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

"May gamot na riyan at uminom ka pagkatapos mong kumain makakatulong 'yan sayo." Sabi pang muli ni Nana Cely.

"Ayos na ba 'yan?" Tanong ni Nana Cely kila Ate Susan. "Opo Nana." Sagot naman nila Ate Susan.

"Breakfast is ready Master! Enjoy..." Saad pa ni Nana at suminyas na kila Ate Susan na lumabas na sila.

"Cely call a doctor, asap!"  ani ni Tristan bago pa makalabas si Nana Cely. "Yes, Master." Tugon naman ni Nana bago lumabas.

"Hindi na! Okay na naman ako." Protesta ko pero nakalabas na si Nana Cely.

Ayaw ko nakakahiya! Ano na lang sasabihin ng doctor?

"Tsk! It's good to be so sure that you're okay." Tugon naman ni Tristan at umalis sa pagkakahiga sa lap ko at naglakad papunta sa mesa kung saan nilapag nila Ate Susan ang pagkain.

"What do you want to eat first? Hot soap? Sandwich with tuna? Pasta? Fried rice with ham, hotdog, egg, fried chicken, fried fish, pickle pork?" Tanong niya habang iniisa-isa pa ang nasa mesa.

"Ako na lang ang kukuha ng sa akin, mag almusal ka na," Saad ko at umiwas ng tingin sa kaniya.

"Galit ka pa ba?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot, ano akala niya madali lang makalimutan? Hindi naman ako katulad niya na nangangako pa lang kinalimutan na kaagad.

"Okay! Your still, but please? Just let me serve you, what do want to eat?" Tanong niya ulit at nakita ko naman na nakatayo lang siya na para bang naghihintay ng sagot ko.

"Ako—"

"Soap and Sandwich coming up..." Masayang sabi niya at nakita kong kinuha ang isang bowl ng soap at plates na may lamang Sandwich, at bumalik na sa kama, did I say I want to eat that?

Inilapag niya sa kama ang Plates ng sandwich at naupo siya.

"Here's your soap beautiful..." Bulong niya pa sa 'kin. Wala na akong panahon para mag-inarte, nagugutom na rin ako eh

"S-salamat," Kukunin ko na sa kaniya iyong bowl ng soap pero iniwas niya sa 'kin.

"Ako na, I feed you..." Sabi niya at tumitig sa mata ko na para bang nakiki-usap siya.

"Wala namang bali ang kamay ko kaya ko namang subuan ang sarili ko," Pagmamatigas ko pa.

"Wala nga pero sabi mo masakit ang katawan mo? Kaya ako na lang. Say 'ahh'..." Sumandok siya ng soap at inihipan pa bago isinusubo sa 'kin ang kutsara na may lamang soap. "Ahh?" ani niya ng hindi ko tinatanggap ang alok niya.

Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon