Yukizia Veronica.
PAGMULAT ng mata ko nakita ko ang puting paligid. Nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko?
"Aray!" Bumangon ako pero kaagad rin akong napabalik sa pagkakahiga ko dahil sa nahilo ako bigla na para bang umiikot ang paningin ko. Pumikit ako at marahang hinilot ko ang nuo, ano bang nangyayari sa akin?
Nang maramdam ko ng medyo ayos na ang pakiramdam ko iminulat ko na ang mata ko at inilibot ko ang paningin ko sa buong silid na kinaruruonan ko, bakit puro puti? Nasa langit na ba ako? May nakita akong isang Ginang na pumasok sa pinto, nasa hospital ba ako? Paano akong napunta rito?
Tiningnan ko ang babae na naglalakad papalapit sa akin. Sa tingin ko ay nasa 40's na siya pero mukha pa rin siyang bata dahil sa maganda niyang kasuotan.
"Hey! You're awake, how do you feel young lady?" Masuyo niyang tanong sa akin.
"Nasaan po ako?" Balik kong tanong sa Ginang. Tinulugan niya akong makaupo sa kama at nilagyan at pinasandal sa headboard.
"Nasa bahay kita Hija. Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Umupo siya sa upuan na katabi ng kamang kina-uupuan ko.
"Ayos lang po ako, maraming salamat sa pag-aalaga sa akin." Magalang kong sabi.
Paano akong napunta sa bahay niya? Nakakahiya naman sa kaniya, mukhang naabala ko pa siya.
"Ako nga pala si Veron Ferrer, anong pangalan mo Hija?" Iniabot niya sa akin ang kamay niya.
Kung sasabihin ko sa kaniya at ang buong pangalan ko, at kapag malaman ni Lolo na nawawala ako kaagad niya akong mahahanap. Mahahanap niya ako dahil marami siyang tauhan na pwedeng maghanap sa akin. Pero kung babagohin ko ang pangalan ko hindi niya ako mahahanap kung hindi niya ako makikita, sana naman ay hindi niya na malaman na nilayasan ko si Tristan kapag nagkataon mahahanap niya ako at itutuloy ang pagpapakasal ko kay Tristan Hindi ako papayag!
"Zia po." Pagpapakilala ko sa Ginang.
A better one.
"So lovely and you're a lovely too," Hinaplos niya ang pisngi ko na para bang ang saya niya na makita ako.
"P-papaano pong napunta ako rito sa inyo?" Nauutal kong tanong, hindi kaya kilala siya ni Tristan.
"Wala ka bang matandaan Hija?" Umayos siya ng upo at pinakatitigan ako, ngumiti siya sa akin na parang kinakabahan.
"Kagabi mabundol ng driver ko, nasa gitna ka ng kalsada basang-basa ka ng ulan hindi ka kaagad napansin ng driver ko dahil sa madilim ang lugar. Mabuti na lang at mahina ang takbo ng sasakyan at hindi ka gaano nasaktan, pasensiya ka na Hija," Yumuko siya.
Bakit ako nasa labas?
Nakatitig ako sa wall habang inaalala ko kung ano ang nangyari kagabi.Kagabi? Kagabi sana ang bridal party ng kasal namin ni Tristan na dapat ay pareho kaming nasa party at ipagdiwang ang aming huling gabi bilang isang dalaga at binata pero nahuli ko siyang may katalik sa Music room.
I can still hear the moaned of that girl, the words come out from Tristan mouth. That's sink on my mind.
He's a cheater! He cheated on me! His an asshole! Jerk! I hate him! I hate Tristan Sandoval! I'll never give a forgiveness to him! Over my dead body! No way!
"Zia? Oh my god! Bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong sa akin ni Mrs. Ferrer at tumayo pa siya at lumipat ng upo sa gilid ko.
"Please, Hija? Tell me? May masakit ba sayo? Wag kang mag-alala at okay kayo ng baby mo, oh my god!—Gina! Gina!" Nag-aalala niyang sabi at may babaeng pumasok sa pinto.
BINABASA MO ANG
Carrying Mr. Billionaire Mafia's Child [COMPLETED]
Romance𝐒𝐀𝐍𝐃𝐎𝐕𝐀𝐋 𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 1: 𝚃𝚁𝙸𝚂𝚃𝙰𝙽 𝙲𝙷𝙰𝚁𝙻𝙴𝚂 𝚂𝙰𝙽𝙳𝙾𝚅𝙰𝙻