CHAPTER 2

7.8K 136 7
                                    

"You're pregnant?" tanong ni Zander na ikinatigil ng mundo ko.

Ramdam ko ang biglang pag-init ng aking pisnge. Napahawak ako sa aking t'yan at ilang na tumingin sa kanila.

"O-of course, not!" saad ko rito at bahagyang tumawa.

Mukha naman itong effective dahil kita ko ang pagliwanag ng kanilang mukha.

"Red, tell them that it's negative." baritonong saad ni Zander sa may pulang buhok na kaagad rin namang tumalima sa kaniya.

"Yes, Boss." sagot nito at lumabas na.

"And the three of you, make sure that everything will be fine after this incident." utos ulit nito.

"Yes, Boss. Anong gagawin natin sa babaeng 'to kapag tumakas?" tanong ng blonde na buhok habang nakatingin sa'kin ng seryoso.

Seryoso ba sila? talagang sa harap ko pa planuhin ang lahat? Ugh!

"Don't worry, hindi 'yan aalis dahil may atraso pa 'to sa'kin na dapat niyang bayaran ngayon din."

"H'wag ka ng pumangalawa, Boss. Baka next time positive na 'yan!"

"Shut up, Phoenix."

Matapos nilang mag-usap ng bagay-bagay na hindi ko naman na-intindihan, sabay-sabay itong umalis. Except ni Zander na nanatiling nakatingin sa'kin na para bang sinuri ang buo kong katawan.

Ngayon ko lang din napansin na sobrang dilim ng kaniyang awra na kahit sino hindi alam kung ano ang susunod nitong hakbang.

Mayroon itong piercing sa may kaliwang tenga, singkit ang mata nito't may kakapalan ang kilay. He has this pointed nose that everyone would wish to have that kind of form. Even me.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi, kulay pink iyon at may kakapalan. Kaagad akong napalunok ng laway, pakiramdam ko sa paggalaw pa lang ng kaniyang labi ay inaakit na ako nito.

'GOSH!'

"Bakit sa lahat ng babae'ng nasa bar no'ng gabing iyon, ikaw pa?" unang lumabas sa kaniyang bibig na nakapagpaawang sa aking labi. "You're not even my type. To be honest, you're not beautiful enough to reach my standards. Hindi ka sexy, hindi umabot sa six feet ang hieght mo---"

"Tapos ka na sa panglait sa'kin? Pwede na ba akong umalis? Inaantok na akong makasama ang mapanglait na mafia boss---" kaaagad na nanlaki ang aking mata nang dumampi ang kaniyang labi sa labi ko.

I remember that night, muli kong naramdaman at nalasahan ang kaniyang labi na ngayon lang totally nag-sink-in sa'kin ang lahat kung gaano ito kalambot.

"I'm just curious what it tastes like," saad nito nang maghiwalay ang aming labi.

Curious lang siya kaya niya ako hinalikan? Ibig bang sabihin ay ni-judge rin niya ang labi ko? Ugh! Mafia boss na mapanglait talaga!



Kasalukuyan akong nglalakad. Hindi na nawala sa isip ko ang mga pangyayari. Ang buhay ng magiging ina ay hindi ko pa kayang gampanan, tapos dumagdag pa si Zander na gawin akong maid.

Napabuntong-hininga ako. Kahit pagbubuntis ko ay hindi pa rin alam ni mama.

"So, Ikaw pala ang bagong babaeng nagustuhan ng talunan na Zander na 'yon? Ang mang-mang na mafia boss?"

Kumunot ang aking noo sa nagsalitang lalaki na hindi naman familiar sakin. Sunod-sunod namang nagsulputan ang ilan pa niyang kasamahan sa likuran nito dahilan para mapaatras ako.

"S-sino po kayo?"

"Your newest nightmare, Hija. Magmula ngayon, asahan mo ng magbago ang buhay mo dahil sa pagkakunikta mo sa mafia boss."

"Po? Hindi ko po kayo naintindihan." hinawakan ko rin ang aking t'yan, takot na baka ay may balak itong gawin sa'kin.

"Hayaan mong ipaintindi namin sa'yo ng dahan-dahan." saad nito at may sinenyas sa kaniyang mga tauhan.

Lumapit ito sa aking direksyon dahilan para nagsimulang mangatog ang aking tuhod.

"A-ano po ang gagawin niyo sakin?"

"Dalhin niyo siya sa bodega, tingnan natin kung ano ang reaksyon ng Zander na iyon kapag nalaman niyang na sa'tin ang babaeng 'to. Ipakita natin sa kaniyang mali siya ng kinakalaban."

"Maliwanag, Boss!" saad ng isang lalaki.

Ito rin ang lumapit sa'kin, pero bago pa ako nito mahawakan ay may baritonong boses na nagmula sa aking likod.

"Don't you dare touch your dirty hands of her," malamig pa sa yelong saad ni Zander.

Lahat ng mga tauhan ng aking kaharap ay nagkanya-kaniya ng posisyon. Naramdaman ko ang kamay ni Zander sa aking bewang ngunit hindi pa rin humupa ang takot sa'kin dahil may pakiramdam na ako sa susunod na mangyayari.

"Kunin niyo ang babae at 'wag niyong hayaan na matalo kayo! Sugurin niyo!" sigaw ng may balbas na kaagad namang sumugod ang lahat.

Bahagyang akong nilagay ni Zander sa kaniyang likuran. Nang makalapit ang isa sa mga lalaki, hindi pa man ito naka-amba ng suntok ay kaagad na itong sinipa ni Zander dahilan para ngumiwi ang mukha nito't napaatras sa sakit.

May dala-dala na ang iba sa kanila ng baseball bat, and i think, katapusan na namin dahil kahit isang armas ay walang panlaban si Zander.

"Z-zander," mahina kong bulong. Gusto ko ng umatras nalang kami at tumakbo.

May papalapit sa aming umamba ng hampas ng baseball bat, mabilis na nakailag si Zander at sinalo sa kaniyang kamay ang hampas bago malakas na siniko ang lalaki sa may leeg nito. Para na rin itong lumipad sa ere nang sunod-sunod niyang pinag-sisipa ang mga lalaking tumakbo papalapit sa kaniya.

One more to go, buong lakas na sinuntok ni Zander sa may dibdib ang lalaki gamit ang dalawa nitong kamao dahilan para tumilapon ito sa malayo.

Hingal na binalingan ako ng tingin ni Zander at nag-okay sign siya. May narinig kaming palakpak sa 'di kalayuan, pagtingin namin roon ay ang lalaking may balbas.

"Next time, bantayan mo ng mabuti ang mga taong mahalaga sa'yo, dahil hindi mo alam na bukas makalawa, nasa kamay na namin 'yan." anito't pinaandar ang kaniyang motor ng mabilis.

Sunod-sunod namang bumangon ang mga tauhan ng may balbas bago nagkanya-kanya ng takbo.

Lumapit ako kay Zander, hindi makatingin sa kaniyang mata. "T-thank you," nakatungo kong saad.

Kaagad kong naiangat ang aking tingin sa kaniya nang may inabot siya sakin.

Kumunot ang aking noo at wala sa sariling tinanggap ang black na t-shirt. "Anong gagawin ko rito?"

"Don't be thankful, nandito lang ako para ibigay sa'yo ang t-shirt kong nasukahan mo. Labhan mo 'yan dahil kukunin ko 'yan bukas." aniya.

Dissapointed akong tumingin sa kaniya. Akala ko ba nandito siya para iligtas talaga ako. Akala ko gentleman.

"Siguraduhin mong hindi amoy suka, limang downy, much better." aniya't nagpatiunang naglakad. Direksyon kung saan patungo sa bahay namin.

Whut? Ihahatid niya ba ako?

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon