CHAPTER 39

2.4K 85 9
                                    

INIHATID pa rin naman kami ni Mr. Faragon sa mansion. Pero wala na ako sa sariling pumasok sa loob.

Wala ng masyadong espasyo sa isip ko ang pag-alis niya. Hindi ko na rin nagawang magpaalam sa kaniya dahil sa maraming pumapasok na kahit ano sa utak ko.

"Fvck! Where have you been, woman?!" Nanggagalaiting tanong ni Zander sa'kin.

Hindi ko inaasahang nandito na siya kaagad sa mansion.

"A-ang aga mo naman---"

"I'm fvcking worried, Zephanie. And also, your mom." putol niyang saad dahilan para mangunot ang aking noo.

"Bakit? May nangyari ba? A-ano?"

"Chill---"

"Paano ako mag-chill kung ganyan ka? Nagtanong na ako't lahat-lahat pero chill ang isinagot mo sa'kin---"

"Damn!" napailing ako nitong tiningnan. "She's not okay earlier, but she's okay now. She's already awake,"

"S-seryoso?" Hindi makapaniwala kong tanong. Ramdam ko rin ang pangangatog ng aking tuhod.

A smile plastered in his face as he nodded. "Yeah,"

Wala na akong pinalampas na oras. Madali akong tumakbo papaakyat kung saan ang kinaroroonan ni Mama.

Nawala sa isip ko ang nangyari, ang tanging alam ko lang ay sobra akong na-excite sa muling makitang gising si Mama.

Namiss ko ang mama ko.

Sa may pinto pa lang, kita ko na si mama na nakahiga. Nanatili itong may nakasabit na dextrose pero iba ngayon.

Nakatitig siya sa'kin, pero walang emosyon ang kaniyang mga mata--na nakapag-panibago sa'kin.

"M-mama," kaagad na akong lumapit sa kaniya.

Gumalaw ng kaunti ang kaniyang daliri at pilit inaangat. Bago pa niya tuluyang naangat ay kaagad ko na iyong hinawakan habang unti-unting nagsituluan ang luha sa aking pisnge.

Tears of joy, yeah.

"Mama..." Parang batang tawag ko sa pangalan nito. "Namiss kita, Mama. Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba? May gusto ka bang kainin o baka---"

Natigil ang pagtatanong ko nang muling gumalaw ang kaniyang kamay. Nang tingnan ko ulit siya ay umiling na ito sa'kin kasabay ng pagbagsak ng luha sa kaniyang pisnge.

Hindi ko na napigilan ang sariling yakapin siya. Ramdam ko ang pananabik namin sa isa't Isa.


"A-anong sabi ni Lexiaree tungkol kay mama?" tanong ko kay Zander.

Nasa may sofa kami, gabi na rin naman at tulog na rin ang lahat.

"Hindi pa siya masyadong maayos, but unfortunately, mas mabilis na ang recovery niya." Sagot nito.

Magkatabi kami kaya wala na akong pakialam sa lahat at niyakap ko na siya kaagad.

"Thank you," saad ko rito habang humikbi. "Kahit na paulit-ulit akong magpasalamat sa'yo, Zander. Hindi niyon matumbasan ang pagiging mabait mo s-sakin, kaya, thank you ng marami---"

"Shh, ginawa ko lang ang kung anong dapat, Wifey. Stop crying now,"

Paulit-ulit akong umiling at hindi kumalas sa pagyakap sa kaniya. Utang ko sa kaniya ang lahat, pati buhay namin ni Mama.

Napatigil ako sa ginagawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot, nanatili namang nasa tabi ko si Zander.

"Hello---"

"Z-zephanie, I need your help." boses iyon ni Kim--Elliscairee.

Hindi ko dapat siya pakinggan pero may part sa akin na naniwalang nagsasabi siya ng totoo.

"Seryoso?"

"Zephanie, please. Just this time, maniwala ka naman sa'kin."

"Pero---"

"They're already here, I call you later." putol niya sa sasabihin ko at pinatay ang tawag.

Nanatiling nakakunot ang noo ko. Hindi ko man siya nakita pero ramdam ko ang takot ni Kim. I used to be her bestfriend kaya alam ko ang naramdaman niya ngayon.

Pero, hindi siya ang Kim na nakilala ko noon. Malaki ang pinagbago niya. Hindi na siya ang Kim na kilala ko noon.

"You can trust her," biglang saad ni Zander.

Bigla siyang nagbago. Noon, siya pa mismo ang hindi gustong pagkatiwalaan ko si Kimberly. Pero ngayon---may nangyari bang hindi ko alam?

"Z-zander,"

"You can now trust her, soon, you'll know everything."

"Thank you," mangiyak-ngiyak kong saad rito.

I suddenly dialed her number pero hindi na ito ma-contact.

Dumaan ang kaba sa aking dibdib. Paano kung totoo ang sinabi ni Kimberly? Paano kung may nangyari g masama sa kaniya?

Muling tumunog ang cellphone ko, this time, unknown number pa rin ang nakalagay.

"Hello?" I suddenly answered, nag-aakalang si Kim pa rin iyon.

"Hello, Dear?"

Kaagad na kumalat sa aking buong sistema ang kaba.

"M-mr. Faragon," nauutal kong saad.

"Dear, I already know that your mother was already awake. Now, show her that picture. Just tell me what can you say, hm?" saad nito at walang pasabing pinatay ang tawag.

Nang dumaan ang tingin ko kay Zander, nakakunot na ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin.

I'm fvcking clueless.

"Faragon?" He asked, I nodded. "Bakit siya napatawag? What's between you and him?" Sunod-sunod niyang tanong.

Gusto ko mang sabihin sa kaniya ang nangyari, pero hindi pa pwede sa ngayon. Kailangan ko pang malaman ang lahat, Hindi ko alam pero may part sa aking hindi niya dapat malaman ito.


"Mama," tawag ko kay Mama.

Nakaupo na ito sa kama, maaliwalas na rin ang kaniyang mukha. Hindi katulad kahapon na sobrang putla niya.

"Hindi ka ba busy ngayon, Anak?" nakangiting tanong ni Mama.

Inilingan ko lang siya. Ayaw kong ma-stress si mama, pero gusto ko ng malaman ang lahat ngayon.

Kinuha ko sa blusa ang picture na binigay ni Mr. Faragon sa akin.

"Mama, k-kilala niyo po ba siya?" Tanong ko rito.

Panandaliang hindi tumingin si mama sa hawak kong picture. Ngumiti siya ng bahagya bago bumuga ng hangin.

"Ito na siguro ang oras para malaman mo ang lahat," muli siyang bumuga ng hangin bago ako tiningnan sa mata. "Siya si Kenneth Faragon. . . ang papa mo, Zephanie."

Parang hindi pa nag-sink-in sa akin ang sinabi ni mama.

Kenneth Faragon,

"Siya ang leader ng black organization, he is the Mafia lord, A-anak. H-hindi ko na dapat sabihin sa'yo 'to, pero k-kailangan. K-kailangan mong malaman ang lahat, dahil ikaw na ngayon ang nasa kapareho kong sitwasyon noon," tears fell down from her cheeks.

"That black organization raped my mom, in front of me. I-in front of that little innocent kid."

Para akong pinukpok sa upuan na hindi makagalaw sa narinig.

A-ang papa ko, s-siya ang nag-rape sa mama ni Z-zander?

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon