CHAPTER 10

4.3K 129 7
                                    

INILIBOT ko ang paningin sa buong kwarto. Color pink ang kama, may malaki rin itong salamin. Puting tiles at may isang painting na nakasabit sa may bandang headboard.

May maliit na TV, sofa at isang pinto na alam kong banyo iyon. Pumunta akong salamin at napangiti ng bahagya.

"Ang pangit ng ipinagbago ng buhay mo, Zephanie." Mapait kong saad.

Hinawakan ko rin ang salamin, laking gulat ko nang bigla itong bumukas. Nanlaki ang matang hindi makapaniwala sa nakita.

Isa pa itong kwarto, ang kaibahan nga lang ay closet iyon. Nandoon na ang lahat ng magagandang damit, mga shoes, gown, pantali at make-ups! Marami pa akong nakita na nakakagiliw pero kaagad naman akong napa-ismid. Hindi naman kasi ako marunong gumamit ng mga pampaganda, kaya wala rin iyon.

Bumalik ang ngiti sa aking labi, ito ang pinaka-pinangarap ko noon. Ang magkaroon ng ganitong buhay, pero hindi ang makasama ang mga mafia.

"Kumusta na kaya si Mama? Hinanap niya rin kaya ako? Umuwi pa ba siya ng bahay? Nalungkot din kaya siyang nawala ako?" sunod-sunod kong tanong rito at isang butil ng luha ang dumaloy sa aking pisnge.

Kahit na madalas ko lang makita si mama, pero ramdam ko pa rin ang pangungulila sa kaniya. Namiss ko na ang mga sulat niyang bubungad sa'kin sa umaga.

PAGKALABAS ng closet, bumungad sa'kin si Zander na nakapandekwatrong nakaupo sa kama. As usual, nagpang-abot ang kilay nitong nakatingin sa'kin.

"Anong kailangan mo, Zander?" tanong ko kaagad rito.

Nang tuluyan akong lumabas ay sumara naman kaagad ang salamin, animo'y with magnet.

"So, you already discover that thing," aniya. Tinutukoy ang salamin.

Bahagya akong tumango. "Uhm, hindi ko ni-expect na may pa ganito pala ang mansyon mo."

"Ikaw lang ang pwedeng makabukas niyan. No one else could. Dahil ikaw mismo ang password para mabuksan ang salamin."

I suddenly frowned. Paano niya nagawa iyon sa maikling panahon? O 'di kaya, alam na talaga nilang ako ang---

"Overthinking na naman," pailing nitong saad bago tumayo.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang gabing may nangyari sa'min.

"Let's talk about that night," walang pakundangan kong saad bago pa ito tuluyang makalabas ng kwarto.

Hinarap niya akong abot pa rin ang kilay. Pero pansin kaagad rito na interesado siya sa usaping iyon.

Manyak rin, kaya nga nagkaroon ng anak nang wala sa oras, eh.

Kalaunan ay isang ngiti ang pumlasta sa labi nito. "Do you want me to ren-act that scene para maalala mo ng mabuti---"

"Bastos!" pasigaw kong saad rito dahilan para mas lalong nakita ang pagngiti nito at nakakalokong ngisi.

"Nagkakaanak na tayo't lahat-lahat sasabihan mo pa akong bastos? The fvck, Zephanie! Don't you want to feel that kind of---"

"Tumigil ka na nga riyan!"

Imbes na tumigil ito ay mas lalo pa itong napatawa, naglakad narin ito palapit sa'kin.

"U-uy, Zander! H-hindi ka pa naman siguro b-baliw, 'di ba?"

"What if I want you," patuloy nito.

Umatras na rin ako't napasandal sa salamin.

Marahan ako nitong hinapit sa katawan dahilan para manlaki ang aking mata sa kaniyang ginawa. Napasinghap ako nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa mukha ko.

"I-i want you," aniya, ginagaya ang salitang binitawan ko no'ng gabing 'yon.

Sa gulat ay napahawak ako sa salamin at bigla iyong bumukas. Sabay kaming natumba sa sahig habang nakadagan siya sa'kin at---

MAGKDIKIT ANG LABI NAMIN!



Nang unti-unti akong matauhan, kaagad ko siyang tinulak ngunit sobrang lakas nito. Patuloy pa rin na magkadikit ang aming labi, at para namang linta si Zander na hindi kumawala sa'kin.

"Z-zander, hmp!" pilit kong kumawala sa kaniya.

Nang tuluyan itong bumitaw, ngumisi na naman ito.

"No wonder that I enjoy that night," pagsisimula nito. Tanging isang dangkal lang ang layo ng kaniyang mukha sa'kin. "You have this sweet lips that captivates me," patuloy nito sa pagsasalita.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Kaagad aakong napaismid bago siya tinulak ng buong lakas. Natinag naman ito bago umupo sa sahig.

"Matapos mo akong lait-laitin may pa ganyan-ganyan ka? Neknek mo---"

Naputol ang dapat kong sabihin nang tiningnan ako nito ng masamang tingin. Nawala na ulit ang ngiti sa kaniyang labi, bumalik ang pagiging cold niya.

"What does it mean?" kunot noong tanong niya.

Napailing lang ako sa kaniya bago tumayo. Slow, psh!

Nakahalukipkip ko siyang pinanood na tumayo na rin. Pinagpagan din nito ang kaniyang puwetan.

"What now?" iritado na nitong tanong.

"Back to topic---"

"You want more? Sorry, but i don't give you a satisfaction. Tama na ang pagbigay ko sa'yo ng isang sperm," balewalang sabi nito. "Alam mo bang sobrang mahal ng sperm---"

"Kung ang pagiging madaldal mo ay kamanyakan, please manahimik ka nalang, Zander." putol ko rito.

Masyadong lumala ang pagiging bastos ng kaniyang bunganga. Ayaw niyang magmura ako, pero siya todo-todo naman. Asan ang hustisya? Nasa mafia boss lang? No way!

"Bakit mo nga palang nalaman kung saang university ako nag-aral? at. . . paanong nagkita tayo sa bar na iyon knowing na hindi ka pala-punta ng simpleng bar lang?" bigla akong napaisip. "At paano mo nagawang ang closet na 'to at ako ang password? Did you already know me before that one night?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Madilim lang ang mukha nitong tiningnan ako't kalaunan ay nilihis nito ang tingin sa'kin.

"It's been a while since i know you, woman. And i am the mafia boss, I can do things easily in just a period of time." pumitik siya't bigla nalang lumiwanag ang buong paligid. Kulay red ang lights  at may chandelier rin sa loob nitong closet.

Manghang tiningnan ko ang buong paligid. How can he do that? Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang ito nakita.

"What do you want to eat?" kalauna'y tanong ni Zander.

Pumitik ulit ito at namatay naman ang lights.

"I want to go home," wala sa sarili kong bigkas.

Ngayon lang tuluyang nag-sink-in sa'kin na kahit na may ganito akong buhay rito, namimiss ko pa rin ang nakasanayan kong buhay noon.

"If that's what the baby wants, uuwi tayo." anunsyo niya.

"Kasama ka?" hindi makapaniwala kong tanong rito. Hindi ko naman inaasahang pagbigyan niya ako sa hiling ko---ni baby.

He nodded. "Yeah. I'll make sure your safety, babalik din tayo kaagad rito. You can go home in disguise."

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon