CHAPTER 31

2.4K 73 5
                                    

'Dear Zephanie,

Hintayin mo lang ang mama mong magising, sa kaniya mo makuha ang lahat ng kasagutan na matagal mo ng gustong malaman.

Once na malaman mo ang katutuhanan, umaasa ako sa magiging kooperasyon mo.

From,
Black'

Alam kong galing din ito sa taong nagpadala ng box sa'kin pati na ang letter. Pero saan niya nakuha ang number ko? Paano niya nalaman na hanggang ngayon hindi pa rin nagising si mama?

Puno ng mga katanungan ang isip ko. Gustuhin ko mang iwasan na mag-isip pero hindi ko magawa.

Sino ba talaga ang tatay ko?
Sino ang nagpadala ng letter?
At sino ako?

Ngayon ko lang natanong ang aking sarili sa ganoong bagay. Sa 20 years old kong pamumuhay rito sa mundo, ngayon ko lang gustong malaman ang lahat.

Muntik ko ng mabitawan ang phone ko nang nag-ring ito. Tumatak sa screen ang pangalan ni Kimberly.

Nag-aalangan man pero mas pinili ko iyong sagutin.

"Hello?" ako ang unang nagsalita.

"Zephanie! Narinig ko ang balita, na-hospital ka raw. Ano, kamusta ka? Pwede ba kitang dalawin riyan?" mahaba nitong litanya.

Kung wala lang akong na solve na puzzle baka ma-excite pa ako sa sinabi niya.

"I'm okay," saad ko rito.

Rinig ko ang pagbuntong niya ng hininga. "I wish I could be there, Zephanie. Saang hospital ka ba para mapuntahan kita,"

"Magkita tayo, Kimberly." diretsa kong saad.

May isa akong gustong makomperma. No'ng panahong nandon siya sa hospital kung kailan nawala si Mama, wala siyang sinabi sa'kin ngayon.

Ang inaasahan kong mag-explain siya ay hindi niya ginawa, plus ang pictures na nakita ko kanina lang na hawak ni Zander. Malaking palaisipan para sa'kin 'yon.

"Sa nasunog naming bahay," dugtong ko rito.



NAKARAMDAM ako ng kaba habang tinahak ang daan papunta sa bahay naming nasunog. Pero kailangan kong harapin ngayon ang kung anong dapat.

Malayo pa lang, pero kita ko na ang nakatayong si Kim, nakaharap siya sa natutop naming bahay.

"Ehem," tawag pansin ko rito.

Ilang segundo bago siya bumaling sa'kin. Dala-dala ang malapad na ngiti.

"Mabuti naman at maayos ka na, Zephanie. Nag-alala ako sa'yo ng todo---"

"That night, you're here." walang pakundangan kong saad.

Kita ang pagdaan ng lito sa kaniyang mukha. Ngunit kalaunan ay tumawa siya ng mahina. Animo'y 'di naintindihan ang sinabi ko.

"That night?" tanong niya na tinanguan ko lang. "Of course! 'Di ba nga ako ang nagligtas kay Tita?"

"No," Mahina kong saad. "Tell me, Kim. Bakit mo iyon ginawa?" tanong ko sa kaniya. "Anong dahilan mo para gawin 'yon sa mama ko? Anong dahilan mo para saktan ang mama ko, huh!" ramdam ko na ang galit na nanalaytay sa aking ugat. "Bakit ka nagpanggap na mabait sa'kin?"

"What do you mean?" parang clueless nitong saad.

Napabuga ako ng hangin. Sandaling pinakalma ang sarili. "Hindi mo ba alam na hindi pa rin nagising si Mama dahil sa kagagawan mo? A-alam mo bang nag-suffer ng todo ang mama ko dahil sa gabing 'yon?" I clenched my fist.

Ang kaninang inosente nitong mukha ay unti-unting tumigas. "I thought hindi mo na malaman, since when?"

"Since I finally solved the puzzle towards you." nilabas ko ang picture kung saan siya naroon, nakagisi habang tiningnan ang nakagapos na si Mama. "A-akala ko---"

"H'wag mong isisi ang lahat sa'kin, Zephanie!" sigaw nito.

Ngumisi ako. "Sa wakas, lumabas rin ang tunay na ikaw. Whoa! Bakit ba ngayon ko lang 'to nakita?"

"Nong gabing iyon, kinuha ko lang ang mama mo sa totoong papatayin siya. Hindi ako ang may kasalanan na nangyari ang sunog ng gabing 'yon. At kahit kailan, hindi ko sinaktan ang mama mo, Zephanie! Pero kung alam kong magiging ganito lang din ang kinalabasan, sana pala ako na mismo ang bumaril sa mama mo para hindi na tuluyang magising pa---"

Kaagad ko siyang ginawaran ng malakas na sampal, tipong pati kaluluwa niya ay lumipad sa isang bagsak ng kamay ko.

"How dare you?!" galit kong sigaw rito.

Halos mapaatras ako nang humugot siya ng baril galing sa kaniyang tagiliran at itinutok sa'kin.

"Akala mo hindi ko pinaghandaan ang pagkikita natin? Will, you're fvcking wrong all along. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na 'to, Zephanie. Ang harap-harapan kitang mapatay."

Bago pa niya makalabit ang gatilyo. Kaagad kong pinakita ang picture, isa pang picture kung saan nakakandong siya kay Mama.

"G-galit ako sa'yo, Kim. Paano mo nagawang pagsalitaan ng g-ganyan ang n-nagluwal sa'yo?" nanginginig ang labi kong saad rito.

Since then, alam kong siya ang kapatid ko. Gaya ng sinabi ni Mama sa'kin, hindi ko ipagsasabi kahit kanino na magkapatid kami.

Ang batang every year may picture si mama na ipapakita sa'kin.

"Sinungaling ka!" sigaw niya.

Hindi niya tuluyang nakalabit ang gatilyo nang may dumating na sasakyan. Kaagad niyang itinago ang baril sa kaniyang tagiliran at dali-daling umalis.

Kaagad akong nawalan ng lakas at napaupo sa lupa. Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa kaniya.

"Zephanie? Fvck! What happened? Sinaktan ka ba niya, huh? Kumusta ang pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ni Zander.

Sunod-sunod akong umiling habang sunod-sunod rin sa pagdaloy ang luha sa aking pisnge.

"H-hindi niya magagawang s-saktan ako, Zander." mahina kong saad.

"Fvck! Hanggang dito ba naman? Don't trust her, Wifey."

"I don't, but she can't hurt me even she want to." dahil magkapatid kami. Gusto kong sabihin iyon, pero wala akong boses para isalita iyon kay Zander.

"Habulin niyo siya---"

"Don't." pigil ko.

Dahan-dahan akong tumayo. "Maghaharap pa kami sa susunod na pagkakataon, Zander. Hayaan mong ako ang lulutas sa problema namin ni Kim. Please, trust me."

Kita ko sa mukha ni Zander ang pagtutol, pero kalaunan ay tumango pa rin siya bago pinunasan ang aking luha.

"I do trust you, Wifey. I'm just afraid of losing you and our Baby." mahina niyang saad. "Let's go, bumalik na tayo sa hospital ngayon. Kailangan kang magpahinga." aniya't inalalayan akong maglakad patungong kotse.

Hindi ako nagpaalam kay Zander, pero nahanap niya pa rin ako.

Alam kong hindi agad maniwala si Kim, bibigyan ko siya ng oras hanggang sa ma-realize niya ang malaking pagkakamali na nagawa niya kay Mama.

'Hintayin ko ang pagbabago mo, Kim.'

Isinandal ko ang ulo sa balikat ni Zander bago tuluyang hilahin ng antok.

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon