CHAPTER 3

6.3K 128 7
                                    

‘Whutt! Ihahatid niya ba ako?’

Guess what? Lumiko siya sa kaliwang bahagi ng daan. Napabuntong hininga nalang ako't nagpatuloy sa paglakad papasok sa eskeneta.

Pagkarating sa bahay, may nakadikit na papel sa refrigerator. Kinuha ko iyon at hindi maiwasang mapangiti ng mapakla.

Si mama iyon, halos araw-araw itong wala dahil sa trabaho niya at uuwi ito ng hating gabi. "Walang pagbabago," sabi ko't umakyat na sa kwarto.

KINABUKASAN, maaga pa lang ngunit sunod-sunod na busina ang aking narinig mula sa labas. Bahagya ko pang kinusot ang aking mata bago lumabas.

To my surprise, limang sports car ang nasa harap ng bahay habang nakasandal ang limang lalaki sa kaniya-kaniyang sasakyan. Parehong nakakunot ang kanilang noo, masama ang tingin sa'kin.

"What are you fvcking staring at? Can you ready yourself instead?!" malakas na sigaw ni Zander.

Nagsimula silang maglakad papalapit sa'kin, feel na feel ang pagiging mafia. Kung ibang tao pa lang ako, baka kanina pa 'ko nagtago ngayon sa loob ng bahay.

Wala naman akong masamang nagawa, kaya bakit pa ako matatakot?

"A-anong ginagawa niyo rito sa bahay ko?"

"Bahay ng nanay mo," correction ng may blonde na buhok. Hm, He's Phoenix I think.

"Get her," utos ni Zander.

Another kidnap ba 'to? Kidnap 2.0?

"Hep! S-saan niyo ako balak dalhin?"

"You'll know soon," ngisi ni Zander. Lumapit sa'kin ang dalawang lalaki, halos manigas ako sa kinatayuan.

Ngayon ko lang nakita ang mga ito sa malapitan, ngunit isa lang ang masasabi ko, may mafia palang mga gwapo?

Paano nalang kung may away? Magagalusan ang makinis nilang kutis, madudungisan ang kanilang mamahaling damit at lalong masusugatan ang kanilang mukha.

"Let's go, miss." saad ng may red hair.

"Pasanin mo na 'yan, Red! Bago pa makawala."

"Piktusan mo para mahimatay at easy na sa'ting dalhin 'yan." pagsuggest ng mga ungas sa likod na nakapag-painit ng ulo ko.

"Ano ang tingin niyo sakin? Baboy para kailangang pasanin---" kaagad na umikot ang aking paningin nang makaramdam ako ng isang pitik sa aking leeg. G-gagi!

Naalimpungatan ako nang makarinig ng malutong na mura galing sa nag-iisang mafia boss.

"D*mn, fvck! We are fvcking trending in any fvcking social media!" saad nito.

Sinanay ko pa ang aking mata sa liwanag bago dahan-dahang umupo. Inilibot ko ang aking paningin. Halos manlaki ang aking mata nang makita ang buong paligid. Is this fvcking---este, even real?

"Mas mabuti na rin 'yon, Boss. I think, good idea rin 'yon para makita ng kalaban kung ano ang naging resulta sa kaniyang ginawang bitag." pag-uusap pa nila.

Tiningnan ko ang nasa malaking screen na kung saan iyon din ang tiningnan ng lima. Halos malaglag ako sa sofa nang makita kung ano iyon.

Pictures ng limang lalaking nakasandal sa sports car, pati na ang pictures na pasan-pasan ako ni Red. "Trending?" bulalas ko.

Lahat sila ay napatingin sa aking direksyon.

"You're awake,"

"Asaan ang banyo?" tanong ko kaagad sa kanila nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo.

Mas lalong hindi dapat ako magtagal sa lugar na 'to gayong ganito ang sitwasyon ko. 'Yong tipong hindi ko alam kung ligtas ba ako palagi, o kaya naman, patay na ako kinabuksan.

I really regret to meet them. Nagsisi akong may nangyari nong gabing iyon.



'Zephanie Mariano got kidnapped by the mafia boss!'

'Zephanie Mariano is already killed.'

'Nagluluksa na ngayon ang ina ni Zephanie matapos malamang pinatay ito ng pinaghihinalaang mafia.'

Pumutok kaagd ang balita at trending na trending sa twitter.

Kaagad akong napahilamos ng mukha. Pagkalabas ko galing banyo ay wala ang mga lalaki sa labas.

Naalala ko ang pregnancy test. Halos manlumo pa ako nang makita ko ang dalawang hugis, which means, positive.

Paano ko nga naman ipaliwanag kay mama na buntis ako at sabihing isang mafia boss ang ama? Isang napakalaking katangahan.

"From now on, you can live in someones identity." takang napatingin ako sa may likuran kung saan naroon si Zander.

May hawak itong yusi, kita ko pa ang pagbuga nito ng usok.

"'Yan kung gustuhin mo pang mabuhay." dugtong niya.

"Paano? B-bakit kailangang mag-iba ang identity ko? wala naman akong naisip na nagawa kong mali."

"It's because, your life was already connected on us. The mafias," si Phoenix na ang sumagot.

Kaagad akong tumayo. Nagngitngit ang aking ngipin sa inis. "I knew it! Kung sana hinayaan niyo nalang ako nong gabing 'yon. Kung sana hindi niyo nalang ako hinanap, edi nasa maayos pa ang buhay ko. Nasa normal at hindi kailanman maging konektado sa inyong mga mafia!" gigil kong pangsisi sa kanila.

Ngunit kaagad akong napaatras nang mabilis pa sa hangin na nakalapit si Zander sa aking harapan. Nagpang-abot ang kaniyang kilay, sobrang dilim ng kaniyang mukha dahilan para makaramdam ako ng takot sa kaniya sa unang pagkakataon.

"Don't fvcking blame us! Are you fvcking sure that your life will never been connected in mafia?!"

Kaagad na nangilid ang aking luha sa aking mata.

"Boss," sabay sabi ng apat na para bang may pinapahiwatig.

Nang bahagya itong lumayo ay kaagad akong napaupo sa sofa. Sobrang panghihina ng aking tuhod at hindi ko alam pero natagpuan ko nalang ang aking sarili na humagulhol.

Epekto rin ba sa pagbubuntis ang pagiging emosyonal? ugh, hate it!

"I don't like seeing girls cry, it just suck me up." aniya.

"I-i want ice cream," wala sa sariling saad ko.

Iyon naman talaga ang gusto ko ngayon. Pakiramdam ko, magiging maayos ulit ako kapag nakakain ako ng ice cream.

"WHAT?!" sabay nilang lahat na tanong.

Tiningnan ko sila isa-isa na puno pa rin ang mata ng luha.

"Buy her, Zieljan." ani Zander.

Pero hindi iyon ang gusto ko. "Gusto ko ikaw ang bumili sa'kin, Zander." utos ko rito dahilan para kumunot ang kaniyang.

Rinig ko rin ang pagsinghap ng apat. "Do you want me to buy a fvcking ice cream. . . for you?" hindi makapaniwala nitong tanong na kaagad ko namang tinanguan.

"Go, buy ice cream for her, Boss."

"Go, Boss!"

"Pang-peace offering, pagbigyan mo na 'yan."

Sulsol ng apat. Padabog na tumayo si Zander at bumuga ng malakas na hangin sa kisame habang sumipsip ng yosi.

"What the fvcking fvck!" he murmored out of nowhere.

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon