CHAPTER 30

2.6K 81 4
                                    

PILIT akong pumikit pero hindi ko pa rin maramdaman ang antok. Iniisip ko ang nangyari kanina lang pero hindi ko rin mapigilan ang sariling hintayin ang pagbalik ni Zander dito sa loob.

"Sinungaling. Ang sabi niya bantayan raw niya ako, hmp." mahina kong saad.

Muli akong gumalaw at ipinikit ang mata. Nang marinig kong bumukas ng pinto ay hindi na ako muling gumalaw.

Rinig ko ang malakas na buntong hininga ni Zander. Kung mind reader lang ako, baka binasa ko na ang iniisip niya.

Gusto kong malaman kung bakit niya ako hinalikan at kung nagsisi ba siyang ginawa niya iyon.

Naramdaman kong umupo ito kaya napangiti ako ng konti.

'Ayan, inunahan mo kasi, Zephanie. Ano ka ngayon? Nganga?'



KINABUKASAN nagising ako dahil sa sinag ng araw. Kaagad kong tiningnan ang puwesto ni Zander kagabi. Naroon pa rin siya, nakahalukipkip habang humihilik.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita iyon at same time, nakokonsensya.

Bumaba ako sa kama at kinuha ang kumot bago iyon pinakumot kay Zander.

"Don't drink coffee," husky ang boses nitong saad.

Gusto kong tanungin siya kung gising na ba siya, pero nag-aalangan naman ako. Baka matutulog pa siya at ako pa ang magiging dahilan para magising siya.

"Hayst, hindi ko alam kung bakit ka nagkaganyan, Zander." napailing kong saad.

Napadaan ang mata ko sa tray na nasa small table. May toasted bread, bacon at gatas ang naroon. Lumapit ako roon at kinuha ang bread at kumagat ng maliit.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang tumingin ako sa banda ni Zander.

"Thank you dito, Zander!" saad ko.

Wala na akong pakialam kung magising siya o ano. Kinuha ko ang tray at pinatong iyon sa kama. Umupo na rin ako doon at sinimulang lantakan ang hinanda ni Zander.

"Ang sarap," mahina kong bigkas.

Hinawakan ko rin ang aking tiyan nang tuluyang maubos iyon, pati na ang isang baso ng gatas.

Sakto namang pagkatapos ko ay pumasok si Lexiaree, may dala rin siyang tray.

"Oh?" nagtakang tiningnan niya ang tray na nasa small table. "I cooked you porridge sana, e. Gosh," ibinaba niya ang tray sa mesa. "Ngayon ko lang nakita si Zander na nag-effort ng ganito, you should be proud of him." anito.

Ngumiti lang ako kay Lexiaree, wala akong mahitang sagot sa kaniyang sinabi.

Paano ko ba sasagutin gayong parang sinagot na lahat ng pamumula ng aking pisnge.

Gumalaw si Zander at unti-unting binuka ang mata. Taranta pa itong umayos ng upo nang makitang nakatingin kami sa kaniya.

"Are you done eating? Inubos mo ba ang gatas na tinimpla ko? Do you like it?" sunod-sunod nitong tanong.

Tumango ako sa kaniya at tumungo nang makita kung gaano kalapad ang ngiti ni Lexiaree.

"Kumain ka na rin, Z! Here, niluto ko sana 'yan para kay Zephanie. Pero may special pala siyang chef, so, anong magagawa ko?" saad pa rin nito at nagkibit ng balikat. "I gotta go, may blind-date pa ako,"  aniya bago naglakad palabas nitong kwarto.

"Are you full? I can cooked you another one if you want,"

Ngumiti ako kay Zander. Simula kahapon, palagi nalang akong nag-thank you sa kaniya.

Sunod-sunod akong tumango. "Busog na busog ako. Thank you, Hubby," ngiti ko.

Kita ko ang kaniyang reaksyon nang bigkasin ko ang salitang Hubby. I know now how to teased him.

"Eat that  porridge if you still want---"

"I'm finally full, Hubby ko." panunuya ko sa kaniya.

Inilihis niya ang tingin sa'kin bago kinuha ang porridge na nasa tray. Sumandok siya roon, ang buong akala ko ay kakainin niya ay nagulat ako nang itinutok niya iyon sa bibig ko.

"Say, ah!" aniya at hinintay akong ibuka ko ang aking bibig.

Umiling ako, ni minsan, hindi ko hiniling ito. Nakakahiya sa kaniyang makita ang bunganga ko.

"Zephanie Mariano---Pangilinan, say, ah!" pagbigkas niya ng buo kong pangalan na sinamahan niya ng apelyedo niya.

Mas lalong naramdaman ko ang pamumula ng aking pisnge.

"C'mon, Wifey."

"K-kasi, a---" hindi ko na natapos ang dapat na sabihin nang isubo niya na sa'kin ang isang kutsarang lugaw.

Napa-ismid ako sa kaniya. "Ako na nga, Zander. Kompleto pa naman ang ka---"

Sinubuan ulit ako nito. Paano pa ako magsasalita kung mabilis naman siya kung susubo ng lugaw? Ugh, masyadong nasobrahan yata ang pagiging sweet nitong si Zander.

"Trabaho ng Hubby ang subuan ang kaniyang Wifey," anito at halatang nanunuya.

Inambahan ulit ako nito ng isa pang subo ngunit sabay kaming napatingin sa may pinto nang bigla itong bumukas at lumuwa roon si Tyler. Malalaki ang matang tumingin sa'min, kasama nito si Noah na tinabunan niya ang mata nitong animo'y may ginawa kaming mali ni Zander.

"Ehem!" ngisi nito.

Ibinaba ni Zander ang bowl at binalingan ng atensyon si Tyler. "What?"

"Sorry sa disturbo, Boss. Pero may importanteng ipapakita ako sa inyo, eh." may ibinigay siya kay Zander na kaagad rin namang kinuha iyon ni Zander.

Kumunot ang aking noo at lumapit roon. Pictures iyon ni mama, kuha bago mangyari ang sunog.

"Nakagapos si Mama?" tanong ko.

Muli kong naalala ang sinabi ni Kimberly na sinadyang sunugin ng kalaban ang bahay namin.

"So, bugbog na talaga si Mama tsaka nangyari ang sunog?" tanong ko.

Hindi na ako makapaghintay, kinuha ko ang pictures mula kay Zander at inisa-isa iyong tingnan.

Nakuhanan rin si Kimberly na nakatayo sa harap ni mama. Bago pa tuluyang mabuo ang nasa isip ko, kaagad ng kinuha ni Zander mula sa kamay ko ang pictures.

"Kami na ang bahala rito, Zephanie. Hindi ka pwedeng ma-stressed." ani Tyler.

Gusto ko ng kasagutan, pero tama rin sila. Hindi ko pwedeng pabayaan ang sarili ko, lalo na't may baby rin ako.

"Just tell me if you're not feeling well, Wifey. Okay? I'm one call away, for now, aalis muna kami." ani Zander. Bago pa ito umalis, hinalikan muna ako nito sa noo.

Hindi kaagad nakapag-reak ang katawan ko, naninibago sa mga kinikilos ni Zander. Dapat na ba talaga akong masanay?

'Well, I guess, yes.'

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon