CHAPTER 8

4.5K 119 6
                                    

NAGISING akong nakaramdam ng uhaw. Nang iminulat ko ang aking mata, purong puting kisame ang aking nakita.

Inilibot ko ang aking tingin, nakita ko naman si Zaijan na nakangiti ng tipid sa'kin.

"Are you okay?" tanong nito sa'kin.

Naka-ilang kurap ako. Like, seriously? Ngumiti siya sa'kin? Ni-minsan, hindi pumasok sa isip ko o rumehestro sa aking isip na papansinin ako ng isa sa kanila.

They must be hate me matapos ang punishment kay Zander. I didn't expect this to happen.

"Are you hungry? I can buy you some foods, Zephanie." saad pa nitong muli dahilan para mapabangon ako kaagad.

"Z-zaijan? M-may nangyari bang masama sa'yo? Nauntog ka ba kaya ka ngumiti sa'kin ng ganiyan?"

Ngumiti ito ng marahan bago umiling. "Masyado ba akong naging masama sa'yo? Well, I'm sorry about that,"

"Ano ba kasing nangyari?" naguluhan ko pa ring tanong.

Malay ko bang naging mabait sila sa'kin ngayon kasi last ko na 'to sa mundo?

"Nothings happened." Inabot nito sa'kin ang tubig na kaagad ko ring tinanggap iyon at tinungga.

Bumukas ang pinto, niluwa roon ang isang nurse base sa suot nito. Sobrang ganda rin nito, lalo na no'ng ngumiti siya sa'kin.

"Glad you're already awake," aniya. Ngumiti lang ako rito ng tipid. "By the way, I'm Lexiaree. Just call me Lexi if you want." dugtong nito.

Tanging pagtango lang ang aking ginawa, hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ito kakausapin. Takot akong magkamali ng sagot sa kaniya.

"You're 1 month pregnant, Miss. At siguradong alam mo na 'yan, right?" sa pang-ilang beses ay tumango pa rin ako sa kaniya.

Bumukas ulit ang pinto. Sunod-sunod na pumasok sila Noah, Tyler, Red, Phoenix at nag-iisang mafia boss na walang reaksyon, si Zander.

"Congrats, Boss! Daddy ka na!"

"Can't believe this, naging ama sa isang tira?"

"Ang lakas mo, Boss! Sana magmana kami sa'yo---"

"Do you want to die right here, right now?" putol ni Zander sa mga sasabihin pa ng kaniyang kasamahan.

Madilim na ang mukha ni Zander, kaagad namang tumakbo sila Phoenix sa aking gawi bago bahagyang umupo para matabunan sila.

"H'wag niyong sabihing ako ang mabaril ngayon---"

"Shut up, woman!" giit pa ni Zander.

"Naglihi si master---" isang putok ng baril galing kay Zander ang tumama sa dingding. Mabuti nalang at mabilis na nakaiwas si Red.

Kaagad akong napahawak sa aking tenga dahil sa gulat. Talagang pikunin ang lalaking 'to. To be exact, dapat siyang magpasalamat dahil ni-congrats siya ng mga mokong. Argh! Hirap niyang intindihin.

"How is she, Lex?" tanong ni Zander kalaunan kay Lexiaree.

Ang akala kong magulat si Lexiaree ay nagkakamali ako. Nakangiti pa rin niyang hinarap si Zander.

What the! Kung mafia rin itong magandang babae na 'to, nasa malalang kondisyon na ako! Nasa mafia's world ba ako?

"She's totally fine, Zander. Don't worry, isa rin sa epekto ng pagiging buntis niya ang madaling mahilo. So, you should look at her always." paliwanag nito bago bumaling sa'kin.

She tapped my shoulder as she smiled at me. "From now on, masanay ka na sa bardagulan nilang nagbabarilan." ngiti nitong saad, animo'y normal nalang sa kaniya ang ganitong eksena.

Fire is not a game, but for them, it's just litteraly a fvcking game!

Matapos ang eksenang iyon, nagsilabasan na ang lahat. Except kay Zander na nanatiling nakatitig sa'kin. Habbit talaga niyang titigan ako gamit ang pamatay niyang titig.

"Ano na ngayon?" pagtataray ko sa kaniya.

Wala rin naman na akong magawa kung tutukan niya rin ako ng baril. It's up to him.

"Can you just lower your fvcking mouth, Zephanie!"

I glared at him. "Luh, ikaw nga 'tong sumigaw ngayon---"

"Don't you dare to pissed me off kung ayaw mong manganak ng quadroplits in one push." pagbabanta nito.

Kung nagbibiro siya, hindi halata dahil sa seryoso nitong mukha. I mean, magawa pa talaga niyang magbiro ng quadroplits?

"Nagbibiro ka ba?"

"Do you think i'm kidding right now?" lumabi pa siya bago lumapit sa'kin.

Kaagad ko namang hinila ang kumot bago tumalukbong. Takot na baka tutuhanin niya. Ayaw ko ngang manganak, tapos ngayon magsasasabi siya ng quadro? Dahil talaga sa isang gabi na 'yon kaya nagkamalas-malas ang buhay ko.

"Hey!" tawag nito.

Hindi pa rin ako kumibo. Nagulat ako nang kinuha niya ang kumot at bumungad sa'kin ang galit niyang mukha.

"Do you want me to pull of your fvcking head---"

Bago pa nito matuloy ang dapat na sasabihin, kaagad na akong bumangon at nagta-tatakbo. Humihiyaw at hindi alam kung saan pupunta.

"What the fvcking d-mn! Just. . . just stop running like an ediot, Zephanie!" umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto ang kaniyang boses.

Pero hindi ko iyon pinansin. Gusto kong makalayo sa kaniya, ngayon ko talaga naramdaman ang tunay na takot at kaba.

...and a kind of excitement?

"Ahh, 'wag! 'wag kang lumapit sa'kin! MAMA!" sigaw ko parin bago tuluyang tumakbo ng malakas. "AHH, BITAWAN MO AKO, ZANDER! LUMAYO KA SA'KIN!" sigaw ko rito nang binuhat niya ako.

Dahan-dahan niya akong nilapag muli sa kama. Nakahawak ang kanyang kamay sa aking tuhod habang ang isa namang kamay ang inipon niya ang dalawa kong kamay bago hinawakan ito ng isahan.

"What the fvck are you doing, woman?!" bakas sa mukha nito ang pinaghalong inis at galit.

"N-nakakatakot ka,"

"If you're afraid, just don't run! tsaka ka na tumakbo na parang baliw kapag naipanganak mo na 'yang anak ko." aniya't binitawan na ako.

Pairap ko siyang tiningnan. Ngumuso pa ako nang may kinuha siya sa kaniyang bulsa at inabot sa'kin.

"Ano 'to?" mahinahon ko ng tanong sa kaniya.

"List of do's and don'ts, and you have to follow that if you don't want to be punished. "

Labag sa loob na binuklat ko ang papel. Halos malglag ako sa kama nang makita kung gaano iyon kataas.

"Kailangan pa ba talaga?" dismayado kong tanong rito.

But then, he's death glare is literally effective.

"You bare my child, woman. That's the mafia's child, always remember that!" aniya.

May parte sa'king nagselos, he's just care kasi anak niya ang dinala ko.

Kung lalayas nalang kaya ako't hindi na magpapakita sa kaniya para tapos na ang problema?

"Don't try to scape, Zephanie. Mahahanap kita kahit saan." huli nitong paalala, animo'y nababasa niya ang isip ko.

Mind reader na mafia boss. tsh!

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon