CHAPTER 29

2.4K 68 0
                                    

"Our babygirl?" tanong ko ulit kay Zander.

"I'm sorry, Wifey. Nauna kong tiningnan 'yon, I'm just so ecxited. But yet, you're still asleep." saad pa nito habang nilagyan na rin niya ng kanin at ulam ang aking pinggan.

"It's okay, ano ka ba! H-hindi lang talaga ako makapaniwala, h-hindi pa rin tuluyang nag-sink in sa'kin na magka-baby na ako. Na unti-unting mabuo ang pamilya natin sa hindi inaasahan." marahan akong tumungo at tiningnan ang direksyon ni Mama. "Sana gumising na si mama. H-hanggang ngayon wala pa rin siyang alam na buntis na ako sa apo niya." Naghalo-halo ang naramdaman kong emosyon. Masaya, excited at malungkot. "Kapag malaman kaya ni Mama ang tungkol dito, magalit kaya siya? Excited kaya siya sa magiging apo niya? O hindi niya kami matanggap lalo na't isa kang mafia at boss pa."

Pinales ko ang luha sa aking pisnge na hindi ko na alintanang tumulo na pala ito.

"Pero kahit na ano pa ang magiging reaksyon ni mama, paulit-ulit pa rin akong hihingi sa kaniya ng tawad at mag-explain."

"You're not the only one to explain," sabat ni Zander. "I'm here, ipaintindi natin sa kaniya ng maayos. Besides, you're my wife now, I can protect you." deritso nitong saad na ramdam ko ang kanina pang pagtibok ng puso ko.

Noong bago pa lang kami, puro baby niya ang narinig ko. Halos baby namin ang inintindi niya sa lahat ng oras. Sa araw na 'yon, hindi ko inimagine na darating sa point na ako na ang inalala niya.

The way he calls me Wifey, pakiramdam ko, malaking parte na ako sa buhay niya.

"Fvck! why are you crying? Did I say something that hurt you?" tarantang saad nito at pinunasan ang aking pisnge gamit ang kaniyang daliri.

"W-wala naman," pumiyok na ang boses ko pagkasabi niyon. "I j-just didn't expect t-this, eh." kinagat ko ang labi para hindi na maiyak pero hindi ko pa rin mapigilan ang pagiging emostional. "Ikaw naman kasi, Zander. G-grabe ka!"

Sabay kaming napatingin sa may pinto nang bigla iyong bumukas at sunod-sunod na pumasok sila Phoenix, Red, Tyler, Ziejan at Noah.

Sabay rin ang mga itong napatingin sa gawi namin.

"Congratulations, Zephanie!" ani Red.

"It's glad to see you finally awake!" si Phoenix.

"Congrats, Boss, Zephanie." si Ziejan naman ang nagsabi at lumapit pa sa'kin para ibigay ang isang boquet ng roses.

"Congratulations, Zephanie Baby!" saad ni Tyler. Mabilis siyang nakailag nang binato siya ni Zander ng sapatos. "Chill, Boss! Ang sabi ko, congratulations Zephanie with your baby." paliwanag nito na ikinatawa ko. Nakatikim naman siya ng batok galing kay Phoenix.

Sunod akong napatingin kay Noah, lumapit siya sa'kin. "Don't be so stubborn next time po," aniya.

First time kong narinig sa kaniya na nag 'po' siya. Simula nong nakita kami, talagang dumby girl ang itawag niya sa'kin.

Marahan kong ginulo ang kaniyang buhok. "Dalawang araw lang akong tulog, magalang ka na, Noah, ah!" tawa ko.

Tanging malditong smirk lang ang nakuha ko mula sa kaniya. Ayaw niya talagang ginawa siyang bata, hmp!

Sunod na pumasok si Lexiaree. May dala siyang confetti habang malaki ang ngiting nakatingin sa'min.

"And with that, let's party party! Congratulations, Z and Zeph! whoa!" sabay kaming napasigaw nang pumutok iyon.

Lumapit si Tyler sa kaniya na kitang-kita ang pagbabago ng kaniyang reaksyon.

"Your so sweet, Baby." ani Tyler.

Nagmimistulang nasuka si Lexiaree. "Gosh! You're so nakakadiri, ew!" aniya na tinawanan naman naming lahat.

Parang noon lang, pilit akong nakisiksikan sa mga grupo para lang magkaroon ng kaibigan. Hindi ko alam na nasa mafia's world ko lang pala matatagpuan ang mga totoong kaibigan. Ang alam kong kahit anong oras ay kaya akong protektahan at hindi ako iiwan.

"Are you okay?" tanong ni Zander sa'kin nang makabalik kami sa kwarto ko.

Marahan akong tumango sa kanya. Kanina niya pa ako tinanong kung maayos lang ako na ang palagi kong sagot ay maayos lang naman ako.

"Sleep now, babantayan kita." saad pa nito.

Talaga bang si Zander 'to? Nanaginip lang ba ako? Argh! Ang hirap paniwalaan na ang Zander ay may ganitong side. Nakakabaliw.

"A-ayos ka lang ba, Zander?" ako naman ngayon ang nagtanong sa kaniya.

Kumunot ang kaniyang noo na tiningnan ako. "Why?"

"K-kasi, pakiramdam ko may nagbago sa'yo." saad ko at umupo sa kama.

"You don't like it, Wifey?"

Ito na naman ang Wifey niya. Pakiramdam ko tuluyan ng nalusaw ang puso ko.

Humiga ako't nagtalukbong ng kumot.

"Hey, I asked you. You don't like it? Fvck! Umiiyak ka na naman ba, Wifey?" kinuha nito ang kumot na itinalukbong ko.

Kaagad na nagtagpo ang mata namin. Ang mata niyang ngayon ko lang nakita na may emosyon ito. Ang buong mukha niyang makalagot hininga sa sobrang gwapo at---kaagad kong binawi ang kumot sa kaniya at tumagilid.

"P-pagod na ako, Zander." mahina kong sambit.

This time, hindi na ako nagtalukbong. Pinakiramdaman ko lang siya, marahan kong hinawakan ang aking puso na malakas ang tibok.

Kahit na mag-asawa na kami, hindi ibig sabihin niyon na pwede akong mahulog sa kaniya. Lahat ng ginawa niya ay alam kong may dahilan.

Ang mga ngiting binigay niya sa'kin alam kong may ibang nakatago roon.

"I'm sorry," rinig kong saad nito kasabay ng malakas na buntong hininga.

"P-para saan, Zander?" naguguluhan kong tanong dito.

"For causing you trouble, Wifey. I know that you want a simple life, sorry for existing."

Hindi ko alam, pero sa narinig ko sa kaniyang boses, ramdam kong seryoso siya.

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. Nakaupo na siya, pero kita ko pa rin ang emosyon sa kaniyang mata habang nakatingin sa'kin. Ramdam ko ang sincere sa kaniyang mukha.

"I-it's okay, Zander. W-wala kang dapat na ihingi ng tawad."

"I am a mafia, and I know you don't like me but still...I forced you to marry me," aniya pa na tuluyan kong naramdaman ang pagpitik ng sakit sa puso ko.

Inilingan ko siya. "H-hindi, Zander. W-wala---"

Halos mahugot ko ang aking hininga nang mabilis siyang lumapit sa akin at nilapat ang kaniyang malambot na labi sa labi ko.

Hinawi niya ang aking buhok at humiwalay rin kaagad sa'kin. "You can rest now," anito at inayos ang kumot ko bago lumabas ng kwarto.

Ang kaninang malakas na pagtibok ng puso ko ay pakiramdam ko naging triple.

'Bakit? Bakit mo ginawa sa'kin 'to, Zander? Bakit unti-unti kang nagkaroon ng epekto sa'kin? Bakit ka ganyan?'

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon