CHAPTER 18

3.3K 88 4
                                    

PAULIT-ULIT akong naglakad sa apat na sulok nitong kwarto. Hindi mawala-wala sa'kin ang laman ng sulat. Ayaw ko man na isipin pa iyon, pero hindi ko maiwasang ma-curious.

Nabalik ako sa ulirat nang may kumatok. Dali-dali kong nilagay sa ilalim ng kama ang sulat bago iyon binuksan.

"Ma'am, kakain na po." saad ng maid.

Ngumiti ako rito ng bahagya. "Susunod nalang po ako, may aayusin lang muna ako."

"Pakibilisan po, nag-aantay po kasi sa baba si Sir." anito bago umalis.

Napakunot ang noo ko. Hindi naman na bago sa'kin ang magkasabay kaming kumain pero pakiramdam ko ay naninibago pa rin ako sa presensya ni Zander.

May part sa'kin na natatakot na baka tanungin pa ako nito tungkol sa iba pang laman ng box. At wala pa akong balak na sabihin iyon sa kaniya. Natatakot ako.

Isang malakas na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago lumabas na rin ng kwarto. Halos manlaki ang mata ko nang makita si Shion na papasok sa kaliwang bahagi ng kwarto ko.

"W-wait," tawag ko rito na huminto naman siya.

He frowned. "What?"

"S-sayo 'yang kwarto?" takang tanong ko. Tiningnan ko rin ang kwarto ni Zander na nasa kanang bahagi rin na katabi ng kwarto ko.

'Ugh, maloloka ako!'

He nodded. "Yeah, why?"

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Wala lang, hindi ka ba bababa para kumain?" pagbabago ko sa usapan.

Pinihit niya ang doorknob bago ako sinagot. "I'm done, kumain na ako sa labas." maikli nitong sagot at sinarhan ang pinto.

Patango-tango ko siyang tiningnan. Kalaunan ay inambahan ng suntok. Ang iikli kung sumagot, parang pinagkaitan ng words ni Satan.




SA DINNING ROOM nadatnan ko si Zander na nakaupo kaharap ang pagkain na nakahain sa mesa. Mag-isa lang ito, first time ko ring hindi nakita ang ibang hindi nakisali sa pagkain.

"Ehem!" tikhim ko para makuha ang atensyon ni Zander.

"Just come here, woman." saad nitong hindi ako tiningnan.

Dahan-dahan akong lumapit at umupo kaharap siya. Walang imik akong sumandok ng kanin at ulam.

Natapos nalang kaming kumain ay wala ni isang muling nagsalita sa'min. Nakatutok narin ang isip ko sa nangyari kanina.

May kinalaman kaya ang delivery boy na iyon? Ordinaryong tao lang ba siya o kasamahan siya ng nagbigay ng kutsilyo sa'kin? Para saan ang kutsilyo? Iyan ang bumagabag sa isip ko.

May pakiramdam ako na isa sa dahilan na narito ako ay may kinalaman sa kutsilyong iyon.

"Zephanie,"

Napatingin ako sa kamay kong hawak na rin ni Zander. Nasa harap na ako ng pinto akmang papasok na pero heto si Zander.

Malamya ng tingin na tiningnan ko siya. Naguguluhan.

"I'm sorry,"

Kumunot ang noo ko sa lumabas sa kaniyang bibig. Ang buong akala ko ay tungkol na sa letter. Hindi ko inasahang hihingi siya ng tawad na hindi ko naman alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan sa'kin.

Mas lalo akong nakaramdam na na-guilty ako sa pagsisinungaling sa kaniya.

"Z-zander,"

"Sorry kung nangyari 'yon sa'yo. But I won't let that happen to you again." ramdam ko ang sinseridad sa boses ni Zander.

Tumango ako. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong kinain ng guilty.

Nagulat ako nang hinapit niya ako't niyakap. Nanlaki ang matang hindi ako makagalaw.

"No one could hurt you, especially that you bare my child."





NAGUGULUHAN akong paulit-ulit na bumabalikwas sa kama. Kahit anong pilit kong pinikit ang mata pero wala pa ring nangyari. Paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang nangyari kanina sa labas ng kwarto.

Biglang lumiwanag ang buong paligid kaya naimulat ko ang mata ko. Halos manginig ako sa takot nang sinabayan iyon ng malakas na kidlat.

"Oh, god!" tanging sambit ko.

Kaagad akong bumangon at tinakpan ng kamay ang tenga.

Hindi ko maiwasang hindi matakot sa kidlat, but I did. Halos manginig ako sa takot nang sunod-sunod iyong malakas na tumunog.

Kagat ang labing pilit kong pinipigilan ang sariling huwag umiyak. Sanay naman na akong palaging mag-isa dahil sa t'wing may ganito, wala si mama sa tabi ko.

Muling lumiwanag ang buong paligid. Dahan-dahan kong minulat ang mata nang maramdaman kong lumubog ang kama.

Nakita ko si Zander na mataman na nakatingin sa'kin. Hindi ko na inalintana ang kung ano siya, mangiyak-ngiyak na kaagad akong yumakap sa kaniya.

"Thanks god, you're here, Z-zander."





KINABUKASAN nagising ako nang tumama ang liwanag sa mata ko. Dahan-dahan akong nagmulat at bahagyang napapikit nang makitang bukas ang kurtina. Hindi ko naman kasi binuksan iyon tuwing umaga.

"Your breakfast is ready," kaagad akong napaupo nang marinig ang boses ni Zander.

"A-anong ginagawa mo rito, Zander?"

"Pakainin ka," aniya at nilagay sa kama ang tray na may omelette, bacon, soup at isang basong tubig.

Kagat ang labing pinipigilan ko na hindi kiligin sa harap niya. Kung nakikita ko lang ang mukha ko ngayon, baka kasing-pula na ito ng kamatis.

"Pero hindi mo naman kailangang gawin 'yan, Zander. Wala naman akong sakit---"

"You will eat, or I will feed you?"

"Sabi ko nga kakain na," kinuha ko ang kutsara at sinimulang sumagok ng soup.

I wonder kung marunong ba siyang gumawa ng soup. Ngunit nang matikman ko iyon ay kaagad na nanlaki ang matang hindi ako makapaniwala.

"Ang sarap," wala sa sarili kong sambit.

Sobrang sarap niyon na para bang sanay na sanay na siyang lutuin iyon.

"Pupunta akong office, do you want to come with me?"

"Pwede?" tanong ko. Pero bago pa magbago ang kaniyang isip ay sunod-sunod na akong tumango. "Magbibihis na ako," saad ko at tumayo.

Ngunit kaagad akong napabalik sa pag-upo nang hinila niya ako sa damit para hindi tuluyang makatayo.

"Eat first, woman. Hihintayin nalang kita sa baba," saad pa nito.

Napabusangot akong pinagpatuloy ang pagkain. Pero kaagad rin namang bumalik ang ngiti sa labi nang maalalang hihintayin niya pa rin ako.

Bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi. Nagtaka tuloy ako kung saan siya natulog.

Magkatabi kaya kami?

Pinilig ko ang ulo sa kakaibang pumasok sa isip ko. Ano ka ba naman, Zephanie! Syempre, hindi.


Magkatabi nga ba? argh!

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon