CHAPTER 4

5.3K 117 6
                                    

"What the fvcking fvck!" tanging saad ni Zander bago naglakad palabas ng living room. Sumunod naman kaagad sa kaniya ang apat.

I'm literally getting emotional. Pero dapat lang namang sumunod si Zander. Siya ang may gawa nito sa'kin, kung hindi lang sana malakas ang sperm niya, hindi sana ako nag-c-crave ngayon. Hindi sana ako nabuntis, ugh!

Nakaramdam ako ng pagkagutom. Hindi pa rin pala ako nakakain. Tumayo ako't nagpalinga-linga sa paligid. Wala akong ibang nakita kundi sobrang lawak ng bahay.

"Saan ba banda ang kusina?" I murmored.

Tinahak ko ang kaliwang daan, halos malaglag ang aking panga nang marating ang dulo.

Sobrang lawak ng kusina. May malaking refregirator, parehabang mesa at iba pang pinangarap kong mamahaling gamit.

I gasped. "Kahit kobyertos yata rito nagkakahalaga ng thousands."

Lumapit ako sa ref at binuksan iyon, sa pangatlong beses, nanlaki ang aking mata sa nakita. Punong-puno ang ref nila ng kahit anong mga masasarap na pagkain. Taas baba ko pa itong tiningnan.

Akmang kukuha ako ng sandwich nang makaramdam ako ng matigas na bagay sa may tagiliran ko.

Nang tiningnan ko iyon, hindi makapaniwalang tiningnan ko ang cute na batang lalaki. Pero sa batang lalaki rin yata magtatapos ang buhay ko.

May hawak itong maliit na baril habang nakatutok iyon sa'kin. Wala itong emosyon na nakatingin sa'kin, as if he see me as a criminal or something.

"What are you doing here in our mansion?" malamig ang boses nito.

Sa tingin ko ay nasa five years old pa lang ito. Nakasauot siya ng black toxedo with a tie, he's also wearing a black pants. But still, he can't hide his cuteness.

"Little boy, ibaba mo 'yang laruan mo---"

"Do you think I will still play?" mas lalo nitong itinutok ang baril sa akin. Ngayon ay sa aking noo na iyon nakatuon. "I'm not a kid to play with dumbass thing, Moron." walang tabil ang dilang saad nito.

Aba! parang version lang ni Zander! Kung makainsulto wagas.

"A-ano? Ako pa ngayon ang sinasabihan mong moron?" nag-iinit ang dugo ko sa batang ito! "Hindi ka ba marunong gumalang sa---"

"Thief? Na-ah! not my thing." pailing-iling pa nitong saad.

Pabagsak kong sinara ang ref. Umuusok ang ilong na tiningnan ko ang bata. "Ako? Thief?" napatawa ako ng pagak. "Sa ganda kong 'to magnanakaw ang tingin mo sa'kin? What the---lumayo ka nga sa'kin baka mapiktusan kita!" hindi ko mapigilang sigaw rito.

Dahan-dahan nitong binaba ang hawak na baril, unti-unting nagbago ang mukha nito at pumalahaw ng iyak. Malalaki ang luha nitong nagsibagsakan sa kaniyang pisnge.

"Pfft. What a cute scene. Arguing with a little mafia?" napatingin ako sa may hamba ng pinto.

Nakatayo roon si Phoenix. Naka-krus ang kaniyang kamay habang nakatingin sa'kin. Bakas sa kaniyang mukhang hindi makapaniwala sa nakita.

"Phoenix! S-she's crazy, scary and ediot." sumbong ng bata kay Phoenix dahilan para tumawa ang mokong.

Malala na ang mga taong nakasalamuha ko nitong nakaraan. Matapos nila akong kidnapin ay hayaan nilang sabihan ako ng batang 'yan na baliw?

'What the fvcking little mafia! ugh'




PABAGSAK na nilagay ni Zander sa aking tabi ang limang container na ice cream. Kaagad na lumukso ang aking puso, pero dismaya naman.

"Sa tingin mo ba maubos ko ang limang container ng ice cream?"

He suddenly turned back and give me a death glare. "Talking so much is dangerous, Zephanie." pagbabanta nito.

Kumunot ang aking noo. Kaagad akong tumayo dahil pakiramdam ko sasabog ako. "Galit ka ba dahil pinabili kita ng ice cream?" kinuha ko sa sofa ang limang container na ice cream. "Ayaw ko ng kumain ng ice cream, nawalan na ako ng---"

"Try me, Zephanie. Just try me---"

"Bakit ba!" pasigaw ko ritong saad.

Kaagad akong nakaramdam ng takot nang malaki ang hakbang nitong lumapit sa'kin.

"A-anong---ah! ibaba mo nga ako!"

Pinagsasapak ko siya sa likuran niya nang pinasan niya ako na parang isang sako ng bigas.

Wala itong imik na umakyat sa hagdan, patuloy ako sa pagsisisigaw. Nang makita ko si Red, mas lalo akong nagpupumiglas.

"Tulungan mo ako, Red! Papatayin na ako ng boss niyo---"

"Goodluck!" tanging saad nito.

'Please, lord! help me!'

Sa haba ng nilakad nito, rinig ko ang pagbukas ng pinto. Halos maputol ang aking hininga nang pabagsak ako nitong nilagay sa kama.

'K-kama? oh my god! Ayaw ko ng kambal!'

Akmang babangon na ako nang dumagan siya sa'kin, hinawakan niya rin ang dalawa kong kamay at pasimpleng inipit ang dalawa kong binti sa kaniyang tuhod.

Pumikit ako ng mariin at parang oud na gumalaw-galaw. "Bitiwan mo ako, Zander! Tulong!"

"What did I tell you, huh? Don't try me, Zephanie. Masyado ng marami ang kasalanan mo kaya dapat mo ng pagbayaran."

"P-pero, h-hindi ko naman alam na mainis ka---"

"Ha! Hindi mo alam ang pinanggagawa mo? Inutusan mo ang mafia boss, Zephanie! Instead to be thankful, you even shouted at me! Ngayon, ano sa tingin mo ang dapat na punishment mo?" saad nito na nakapagpalambot ng aking buto.

Hindi pa ako ready sa second round ng bar, at lalong hindi sa kaniya!

Ugh! baliw talaga ako!

"A-ah, tanggapin ko ang punishment mo, p-pero, 'wag naman ang ganito. . . I-i mean," dahan-dahan kong hinarap ang mukha ko sa kaniya.

Masyadong malapit ang aming mukha. Amoy na amoy ko rin ang mint sa kaniyang bibig. Halos mapatulala ako nang titigan ko ang kaniyang mata. 'Yong tipong, sa mata pa lang niya ay nadadala na ako. Nakakapanlamot ng tuhod ang kaniyang tingin, ang kaniyang mapang-akit na labi at ang pagkadagan niya sa'kin.

"Don't think too much. I want you to clean my room. Next time, ipapalinis ko na ang buong mansion. Kaya pag-isipan mo lahat ng galaw mo." anito't umalis na sa pagkadagan sa'kin.

Kaagad naman akong umupo at pinagtatampal ang aking mukha. Ramdam ko pa ang pamamawis ng aking noo.

H'wag kang manyak, Zephanie. H'wag kang magpapadala sa maganda at mapang-akit niyang mata. He's still the mafia boss, the most dangerous people in the world.

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon