CHAPTER 6

4.9K 118 7
                                    

"That's the punishment for breaking the rule," bulong ng kung sino.

Kaagad ko iyong binalingan ng tingin, isa iyon sa mga kasamahan ni Zander. At sa tingin ko ay siya si Zieljan.

"Pero ang brutal naman ng punishment niyo sa kaniya? Hindi ba pwedeng---"

"What rules is rules, walang kahit sinong babali niyon kahit mafia lord pa." saad nito't nakapamulsang umalis.

Nanatili akong nakasilip roon, tanging paghiyaw lang ni Zander ang aking narinig at ang pagkalabog ng baseball bat.

Naawa ako kay Zander, gusto ko siyang puntahan ngunit takot naman ang namayani sa'kin. Takot akong masali sa punishment na alam kong hindi ko kakayanin.

LUMIPAS ang ilang minuto, unti-unti nang nagsiuwian ang mga tao. Hanggang sa si Zander nalang ang natira roon. Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang palapit kay Zander, may kadiliman na rin sa buong lugar dahil saradong-sarado ito.

"Z-zander," tawag ko sa kaniyang pangalan.

Naka-upo na ito ngayon habang duguan halos lahat ng kaniyang katawan. Patuloy rin sa pagdaloy ang dugo galing sa kaniyang bibig.

"W-what the fvck are you d-doing here?" May diin niyang saad.

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit kailangan mong magpabugbog gayong kaya mo naman silang talunin? Bakit kailangan mong tumanggap ng punishment, Zander?" sunod-sunod kong tanong rito.

Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin.

Basa ng dugo ang kaniyang t-shirt, bahagya siyang tumungo at kinuha ang yosi at sinipsip iyon. Pulang-pula na rin ang yosi dahil sa kaniyang pagkakahawak.

"H'wag kang masyadong mag-overthink, tsk, I just do it because i want my child to have a complete family." Deretso nitong sagot. Ramdam ko ang pagdaan ng konting sakit sa aking puso.

"P-pero, hindi ka pwedeng magkaroon ng pamilya, Zander! Besides, ayaw ko sa ganitong buhay---"

"Shut the fvck up, will you?" pabulong nitong saad dahilan para matahimik ako.

Napailing nalang akong tiningnan ang kaniyang sitwasyon. Bahagya akong umupo at tiningnan ng mabuti ang kaniyang mukha.

"Nawala ang angas bigla, kung boss ka nila, bakit mo hinahayaang bugbugin ka?"

"I'll do it, as promise."

Tumayo ako, may nakita akong nakalagay na tubig at labakara sa may mesa. Parang hinanda na talaga iyon para kay Zander.

Malakas akong napabuntong hininga na kinuha iyon bago bumalik kay Zander.

This time, masama na ang tingin nito sa'kin. Pero kung sisipain ko siya sa mukha, panigurado namang tulog agad. Dahil sa porma palang niya? Bagsak na bagsak.

"What are you fvcking looking at?" bakas sa boses nito ang inis.

Napairap ako sa kawalan. "Inisip ko kung sa paanong paraan wakasan ang buhay mo, tss!"

Bahagya akong umupo, akmang hahawakan ko ang kaniyang mukha ngunit madali niya iyong inilayo sa'kin.

"Don't touch me! Pwede bang bumalik ka na sa loob at 'wag ng mangialam?"

"Arte mo naman! Ikaw na nga ang tinulungan---"

"I don't need your accompany---fvck! It's hurts!" sigaw niya sa aking mukha nang diniinan ko sa pagpunas ang sugat sa kaniyang labi.

Napalabi ako, "Arte lang? Nagpabugbog ka nga, tapos ngayon may reklamo ka?!" Asik ko sa kaniya. Nanatili pa ring masama ang kaniyang titig sa'kin, pero hindi naman na ito nagreklamo pa nang sinimulan ko na sa pagpunas ang kaniyang sugat. "Bilisan mo sa pagpapagaling, ipagluto mo pa ako."

"What?!" Taas ang boses nitong saad. "Do you think, i will obey you, Zephanie?! For fvcking d-mn sake, nakakarami ka na!" sigaw nito sa aking mukha animo'y walang iniindang sakit.

Hindi ko na ito sinagot, kahit naman magsisisigaw siya, uutusan ko pa rin siyang magluto. Gutom ako, kami ng anak niya kaya wala siyang choice!

Nalaman kong hindi pa pwedeng lumabas si Zander sa bodega sa loob ng tatlong araw. Kung tutuusin ay bawal din sanang gamutin ang kaniyang sugat, pero dahil ako naman ang nagpunta, wala na rin silang nagawa pa.

Nakaupo ako sa sofa, ang apat na lalaki naman ay straight ang tingin sa nilalarong gun fire. Hindi pa nag-sink in sa utak ko na naglalaro rin pala ang mafia. Pero seriously? Ang boss nila nasa bodega samantalang sila ay nag-enjoy?

Sinadya kong lakasan ang pagbuntong-hininga. Lahat sila ay na sa'kin ang tingin.

"Is there anything problem?" tanong ni Red.

Nakapuot akong tumango, pasimple ko ring hinawakan ang aking tiyan.

Kaagad namang tumayo ang mga ito bago ako nilapitan, hindi na inalintanang natalo ang kanilang laro.

"Anyare? May masakit ba sa'yo?"

"Do you want me to take you in the fvcking hospital?"

"Are you fvcking out of your mind? Hindi 'yan pwede makita ng ibang tao sa labas!"

"Kingina! Ito yata ang pinakamahirap na misyon!"

Nagkagulo-gulo na ang mga ito, gusto kong magsalita ngunit hindi naman ako makasingit dahil sila na rin ang nagkasagutan.

"Are you hurt?" tanong ni Noah.

Umiling ako't ngumiti ng bahagya. Lahat sila ay natahimik habang naghintay sa sunod kong sasabihin.

"Gutom ako," puot kong saad sa kanila.

Lahat sila ay pulang-pula ang mukhang nakatingin sa'kin. Ano bang magagawa ko kung gutom talaga ako?

"Y-you're just hungry?" tanong ni Tyler na kaagad kong tinanguan.

Phoenix suddenly scrub his hair in frustration. "For fvcking sake! If you're really my enemy, i will literally shot you in your head with the use of my precious gun!" Bulong nitong saad.

Ang iba ay napahawak sa tungki ng kanilang ilong. Ang dali kasi nilang mataranta, ni-hindi nga nila tinanong kung anong nangyari sa'kin. Nagtanong nga, pero hindi naman ako binigyan ng chamce na sumagot.

"Hindi niyo kasi ako hinintay na sumagot, e." mahina kong saad sa kanila. "I want to eat, Phoenix. Please ipagluto mo ako ng korean foods! And a cheesecake," nakapuot ko pa ring saad.

Bakas sa kaniyang mukha ang hindi pagsang-ayon. Papaupo na ang tatlo nang may maisip ulit ako na gusto kong kainin.

"At least limang putahe lang ng korean recipe, gusto ko ng homemade. A-and, g-gusto ko ng. . ." Nerbiyos ako sa titig nila. Para bang sinasabi nilang “talk more, and you're literally dead.” "Isang dragon fruit na galing sa d-davao,"

Kaagad akong napatungo, hindi ko kaya ang tingin nila. Pero pakiramdam ko ay maiiyak ako kapag tinanggihan nila ako sa gusto ko.

"This is literally insane!" Rinig kong saad ni Tyler. "Zieljan, let's go! Red, tulungan mo sa pagluluto si Phoenix! If this fvcking sh-t is not worth it, I will kill all of the deads!"

Humiga ako sa sofa at hinayaan na silang magbardagulan. Inaantok na ako masyado dahilan para kaagad akong hinila ng antok.

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon