CHAPTER 19

3.1K 80 6
                                    

"Wow!" mababakas sa boses ko ang pagkamangha.

Sobrang laki ng building ni Zander. Hindi ko maisaisip na sa bata niya pa ay nakaya niyang maghandle ng ganito kalaking kompanya.

Should I be happy na nakilala ko siya? hm, slight.

"Good morning, Sir." bati ng guard kay Zander.

Walang imik na pumasok si Zander sa loob. Yumuko ako sa guard at nginitian ito. "Good morning po," ako na ang sumagot para kay Zander na balewala lang naman sa guard.

Pinilig ko ang ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nanatili akong nakasunod kay Zander. Lahat ng employee ay nakayuko nang pumasok kami, pero ramdam ko ang titig ng ilan. Sobrang sama niyon na tipong kinikilabutan ako.

"Cheap," rinig ko pang saad ng isa sa kanila.

Bahagya akong lumapit kay Zander at humawak sa braso nito. Saglit itong tumingin sa'kin ngunit kalaunan ay seryoso na rin ito sa paglalakad.

"Sir, natatambakan po kayo ng meetings. And the clients are expecting now to finally meet you." nag-usap pa ang secretary at si Zander kaya bumitaw na ako kay Zander at pinagmasdan ang napakalaki niyang opisina.

Kanina pa maraming pumasok na katanungan sa isip ko. Sobrang galing ni Zander na napanatili niyang mapalaki itong kompanya.

Lumapit ako sa swivel chair bago nakangiting pina-ikot ito. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Isa ito sa pinapangarap ko, ang maupo sa swivel chair habang may mga clients akong kakausapin. Pipirma ng maraming papelis at iba pang bagay na palaging ginagawa ng mga CEO.

"Zephanie," kaagad akong napatayo galing sa pagkakaupo sa swivel chair nang marinig kong tinawag ako ni Zander.

"Po?"

"I have to go, just wait for me here, okay? Babalik rin ako," saglit nitong tiningnan ang kaniyang wrist watch. Nauna na rin palang umalis ang kaniyang secretary. "Oh, just call me if you need anything. Bye," saad pa nito bago ako iniwan sa opisina.

Ngumiti akong muli bago tiningnan ang loob ng opisina. Bukod sa maraming papelis sa mesa, may nakasabit rin na ibang painting roon.

Marahan ko iyong hinawakan. Kung hindi nangyari ang ensidenting iyon, naipagpatuloy ko sana ang pag-aaral at normal pa rin akong mamamayan na nangangarap. Pero heto ako ngayon, nasa puder ng mafia at patuloy na hinahanap ng kalaban.

I heaved a sigh. "Matatapos rin naman 'to," I mumbled.

This time, nasa sofa na ako naupo. Dahil kapag umupo ako sa swivel chair, mabubuhay lang ang pangarap kong alam kong unti-unti ng namatay. I will no longer be a CEO in my own company.

Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin bumalik si Zander. Ang buong akala ko ay magkasama kami ngayong buong araw ay hindi pala mangyari dahil sobra siyang busy.

Gusto kong maglakad-lakad, pero natakot akong mangyayari ulit ang kinakatakutan kong kalaban ng mafia. Shall I say, na-trauma na ako.

"Good afternoon, maam."

Nakangiting binalingan ko ng tingin ang secretary ni Zander.

"Po?" sagot ko rito. Bumaba rin ang tingin ko sa dala niyang McDo at milktea.

Kaagad akong napahiyang ngumiti at hinawakan ang t'yan nang tumunog iyon.

"Here, pinabili po ni Sir sa'kin. Sad to say, but he can't join you dahil may meeting pa siya."

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon