CHAPTER 35

2.3K 69 1
                                    

NANG malaman ko ang kwento sa likod ng birthday ni Zander, pakiramdam ko unti-unting nanlambot ang puso ko sa kaniya.

Kilala ang mga mafia bilang kinakatakutan sa lahat, pero iba si Zander. Ibang-iba sa iniisip ng lahat. Ibang-iba sa Zander na una kong nakilala.

"Pinapangako kong mag-stay ako hanggat may permission mo, Zander." saad ko sa aking isip.

Mas lalo akong sumiksik kay Zander at napakagat sa labi bago tuluyang binura sa isip ang mga hindi dapat.

"Wake up, Wifey!" marahang pag-alog ni Zander sa'kin ang napapagising sa'kin.

Marahan kong minulat ang mata. Nakita ko agad ang malumanay na mata ni Zander.

Peaceful ang gwapo nitong mukha habang nakangiti sa'kin.

"Z-zander, m-may nangyari ba?" kaagad akong bumangon.

Inalalayan naman ako nitong umupo. "Everything are fine, Wifey. We just need to check your mom." paliwanag nito na ikinahinga ko ng maluwag.

Marahan akong tumango at tumayo na. Ngunit bago pa ako tuluyang makatayo ay kaagad akong nakaramdam ng kunting pagkahilo na hindi naman napansin ni Zander.

"But before that, kain ka muna."

Inayos niya ang hapag. Nakalatag roon ang letchon kawali, kare-kare, pinakbit at chicken joy.

"Thank you," mahina kong saad.

My eyes got teary. I don't know kung deserve ko ba ang lahat ng 'to. Kung deserve ko ba ang pagmamahal ni Zander---lalong lalo na kung deserve ko ba si Zander.

"Hey, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo---"

"Salamat, Zander. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ka pasalamatan. Masyado mo akong ni-spoil, m-masyado kang mabait sa'kin---"

"No, Wifey. Don't be thankful, dahil ako dapat ang magpasalamat sa'yo." ngiti nito. Kumuha siya ng tissue at marahang pinunasan ang luha na dumaloy sa aking pisnge. "Thank you for existing, Wifey. For now, let's eat. Ah," para akong batang sinubuan ng ama dahil sa ginawa niya.

Natawa ako sa kaniyang inasta at suminghot-singhot ko pang binuka ang aking bibig.



MATAPOS ang eksenang iyon. Dumeretso na kaagad ako sa kwarto ko at natagpuan ko roon si Mama. Kasama si Lexiaree.

"Ehem!" tawag pansin ko kay Lexi na inayos nito ang dextrose ni mama.

"Glad you're finally back, Zeph!" iba na ulit ang kaniyang awra. Hindi katulad kaninang mababakas sa kaniyang mukha ang galit.

Nakatungo akong lumapit sa kaniya. "Tungkol kanina, I-im sorry---"

"Don't mention it na, I have to go. Natapos ko na ring i-check si Tita, maiwan ko na kayo." kinuha niya ang iba pang gamit sa may small table bago ako iniwan sa loob.

As if, she avoided the topic.

Mabigat akong napahinga. Masyado ba akong spoiled? Pero hindi ko naman intensyon ang ginawa ko kanina.

"Hi, Ma! Kumusta ang first day mo rito sa mansion? Sana naman masaya kang narito, Ma. Kung alam mo lang, sobrang bait ni Zander." kaagad akong napatungo nang maalala ang ginawa ko kanina. "Pero may nagawa ako sa kaniya. I-s-surprise ko lang naman sana siya, Ma. Pero...hayst! Ayos naman na iyon, Ma. Nagkaayos na rin kami ni Zander,"

Naalala ko ulit ang sulat. Talagang si Mama nalang ang hinintay nila para malaman ko kung sino ang tatay ko at kung ano.

Malalim ang kahulugan niyon, tipong wala akong makuhang deretsang sagot.

Nakahawak ako sa kamay ni Mama nang maramdaman ko iyong gumalaw.

"M-ma? Ma, gising ka na ba?" taranta kong saad.

Sa oras na iyon, sunod-sunod kaagad na katanungan ang pumasok sa isip ko. Ngunit kaagad kong ikinalma ang isip ko.

Kailangan pa muna ni Mama ng pahinga, hindi pa dapat siya ma-stress.

"Marami akong gustong itanong, Ma. Pero makakapaghintay naman ang lahat ng iyon. Magpagaling ka na, Ma. Hinintay ka na namin ng apo mong magising,"

Marahan kong hinawakan ang aking medyo nababakas na umuumbok na tiyan.

"Marami rin akong gustong sabihin sa'yo, Ma. Alam kong hindi ka matuwa sa nangyari sa'kin, p-pero..." kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang luhang kumawala sa mata. "S-sana matanggap mo ang magiging anak ko...at si Z-zander." I said as tears fell down at my cheeks.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para kaagad kong pinunasan ang aking pisnge.

"Is everything okay?" tanong ni Zander na kaagad ko namang tinanguan at nilingon siyang nakangiti.

"Bakit?" I asked him.

"Nothing, I just want to asked you kung tapos ka na?" aniya at napakamot sa batok. "It's already late at night. At dahil narito ang mama mo sa kwarto mo, so..." parang hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin dahilan para matawa ako.

"Fvck!" he cursed.

Mas lalo akong natawa sa reaction niya. He suddenly glanced at me. Kita ko rin ang pamumula ng kaniyang mukha.

"Hey, stop laughing! I'm not here to make fun, Wifey." kahit galit na ito. Cute pa rin dahil pati tenga niya ay namumula na.

"Pft, you're so cute, Hubby! HAHAHA!"

"Kung ayaw mong matulog sa kwarto ko, bahala ka. You pissed my fvcking ass!" maldito na nitong saad at nakapamulsang lumabas ng kwarto.

'Di ko pa rin mapigilan ang sariling hindi tumawa. Ang cute kaya niya, ngayon ko lang nakita ang sobrang pamumula niya.

Kaagad akong tumayo bago siya sinundan. I got him, pft!

"Zander, wait!" tawag ko rito.

Kinawayan lang ako nito at nagpatuloy pa rin sa paglakad.

Ito talaga siya, e. Kung magtampo wagas.

"Zander, hintayin mo ako! O sige ka, tatakbo ako!" pananakot ko sa kaniya dahilan para humarap siya sa'kin.

Nanatiling nakakunot ang kaniyang noo. Kaagad kong tinaas ang dalawa kong kamay.

"Okay, I'm sorry. Kasi naman---"

"Fvck! If you're going to apologize, just say sorry. Don't fvcking give me that reasons of yours!" nanggalaiting aniya.

I pouted. "Okay," ibinaba ko ang dalawa kong kamay at nagpa-awa effect sa kaniya. "Tanggap ko naman kong ayaw mong tanggapin ang sorry ko---"

"Just fvcking stop, Zephanie---Damn! C'mon, let's go!"

Kaagad akong napangiti nang siya na mismo ang lumapit sa'kin at hinila ako palabas nitong mansion.

Hindi ko na inalam pa kung saan niya ako dadalhin, ang tanging inintindi ko ay kung paano niya hinawakan ang aking kamay.

'I want to stay in this kind of life, forever. But there's something in me that want to stop.'

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon