CHAPTER 15

3.4K 104 8
                                    


"GET HER!" sigaw nito.

Ngunit bago pa man magawa ng mga tauhan nito ang inutos ng lalaki ay kaagad nang tumumba nang sinuntok ito ni Red.

"Kill him!" utos ulit nito.

Isang matunog na ngisi ang pinakawalan ni Red bago ako nilagay sa kaniyang likuran. Napalibutan na kami ng kalaban na nasa bente ang mga ito.

"If you can, then, kill me." maangas na saad ni Red bago sinipa ang isang tauhan ng lalaking lumapit.

Kita sa mukha nitong nag-impit sa sakit dahil sa pagngiwi nito.

"Red,"

"Tumakbo ka na mamaya, Zephanie. Here's the key," bulong nito habang nakatalikod pa rin sa'kin bago inabot ang susi ng kotse.

Nanginig ang aking kamay na kinuha iyon. Nang magsimula na silang magbakbakn, kaagad na akong tumakbo papalayo roon.

Konting-konti nalang at marating ko na ang kinaroroonan ng kotse, halos mapaatras ako nang may isang lalaking mabilis na naharangan ako.

Habol ang hiningang hindi ako makagalaw.

Ngumisi ito't pailing-iling na tiningnan ako. "Hindi ka makakatakas sa'kin, miss."

"A-anong k-kailangan niyo sa'kin?" humihingal kong tanong rito.

"Wala ng oras para mag-explain. Halika na!"

Akmang hahawakan na ako nito nang biglang nakarinig ako ng putok ng baril. Kaagad akong napatakip sa tenga at pumikit.

Nang idinilat ko ang aking mata, nakita ko ang duguang kamay ng lalaki.

"Putrages!" sigaw nito sa sakit. "Ang sakit, putcha!" daing nito at hinawakan ang kaniyang duguang kamay.

Nang inangat nito ang tingin sa'kin, sobrang laki ng kaniyang mata at mas lalong lumapit sa'kin.

"You'll die if you touch her," baritonong boses na nanggaling kay Zander.

Pareho kami ng lalaki na tumingin kay Zander. Nakatutok ang hawak na baril ni Zander sa lalaki.

"Zander!" sigaw ko rito nang mabilis na tumakbo papalapit sa kaniyang likuran ang kalaban. Huli na si Zander dahil malakas ang pwersa nitong sinipa si Zander dahilan para matumba.

"Oh, god! Zander bumangon ka!"

"Binansagang mafia boss, pero lampa!" sigaw ng lalaking duguan ang kamay.

"Ahh! bitawan mo ako! Zander!" sigaw ko nang pilit akong hinawakan ng lalaki.

Halos manlaki ang aking mata nang mabilis na bumangon si Zander at sinipa sa mukha ang lalaking sumipa sa kaniya. Tumalsik pa ito sa may kalayuang distansya.

Kitang-kita ang pagtangis ng bagang ni Zander na tumingin sa lalaking may hawak sa'kin.

Pulang-pula na rin ang tenga nito. Nagsimula siyang lumapit sa'min pero patakbo na naman ang kasamahan ng kalaban sa kaniya dahilan para makaramdam ako ng takot.

"Zander!" mahina kong tawag. Pilit na nagpupumiglas sa lalaking may hawak sa'kin.

Pinaputukan iyon isa-isa ni Zander kahit hindi siya nakatingin sa gawi ng kalaban. At lahat ng lumapit ay sugatan.

"Let her fvcking go!" sigaw ni Zander.

Natinag naman ang lalaki at niluwagan ako, pero kalaunan ay mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa'kin.

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon