CHAPTER 5

5.2K 119 2
                                    


NAGISING akong may tumalsik na tubig sa aking mukha. Nang tuluyan kong maibuka ang aking mata, halos mapasigaw ako nang nakatingin lahat sa'kin ang limang lalaki, including the little kid---mafia.

"You don't have any plan to get up?"  tanong ni Zander.

Naalala kong naglilinis lang ako kahapon pero dahil pipikit na talaga ang talukap ng mata ko kaya naisipan kong humiga muna.

And now, heto sila, nakahalukipkip na nakatingin sa'kin. As if na may nagawa akong crimen.

"B-bakit?"

"Ayaw mong mag-aral?" tanong ng bata na kaagad akong napabangon.

"Mag-aral? as in, pwede akong mag-aral at mamuhay pa rin ng normal?"

"No." si Tyler ang sumagot na ikinasimangot ulit ng aking mukha.

"You don't really get what we really mean. Dumbass girl," sabat ng bata.

Siniringan ko siya ng tingin. "Kahapon ka pang bata ka!"

"SHUT UP AND GET UP!" sigaw ni Zander dahilan para mapabangon ako kaagad.

Ganito ba talaga si Zander? Palaging nakasigaw.

"Ready yourself, Zephanie. Starting from now, mag-aral ka na sa Mafia's University. In my school." anito na ikinanlaki ng aking mata.

May sariling paaralan si Zander? At doon niya ako papasukin? Argh! papatayin niya ba ako? Paano ako mamuhay ng normal kung alam kong napapalibutan ako ng mga mafia? The gangster, rather.

I just wearing a white blouse trouser, mayroon itong red nectie na kulay red rebbon. Black skirt above the knee and a black slacks paired with black boots.

Nang matapos akong magbihis, lumabas na rin ako sa kwarto ni Zander. Naroon na silang anim sa living room naghintay sa aking paglabas.

"Let's go," anunsyo ni Zander nang makita ako nito na sinundan naman ng lima.

Limang sports car ang dinala, nakisakay ang bata sa kotse ni Phoenex at ako naman kay Zander.

Nang marating ang naturang university, halos malaglag ang aking panga nang makita kung gaano ito kalaki. Hindi pa nakalahati ang school na pinasukan ko noon.

Isang dagger ang dumaan sa aking mukha, natuod ako ng ilang sandali.

"P-papatayin na ba ako ng mga tao rito?" tangi kong saad.

Ngayon ko lang napansin na naiiba sa lahat ang mga estudyante rito. Halos lahat ng mga ito ay may hawak na dagger, ang iba naman ay may dalang espada, which is, para sa normal na eskwelahan ay bawal.

Isa na namang kulay pula na dagger ang papalapit sa aking mukha, nanlaki ang aking mata na hindi makagalaw. Kaagad akong napayakap kay Zander nang mabilis ako nitong hinila.

Pakiramdam ko ay nanikip ang aking dibdib sa mga sunod-sunod na pangyayari. Bigla kong naramdaman ang pag-ikot ng aking paningin at muntik ng bumagsak nang tuluyan akong nawalan ng lakas, buti nalang ay nakahawak pa rin sa akin si Zander.



NAGISING akong nahihilo pa rin. Si Zander ang unang bumungad sa'kin. Nagpang-abot ang kilay nito at sobrang dilim ng kaniyang awra. Nang tingnan ko ang kaniyang kamao ay may dugo iyon.

"Nasaan ako?" mahina kong tanong rito,

"You're pregnant." hindi iyon patanong. "Don't deny it, Zephanie. The nurse told me earlier, you're pregnant, and i know i am the father." kumpyansang saad nito.

Hindi ako tumingin sa kaniyang mata. Tama lang din na nalaman niya, dahil gustong-gusto ko ng itigil ang kahibangang ito.

"A-at hindi ko kayang mamuhay sa kung anong gusto mo, Zander. Hindi ko kayang mamuhay kasama ang mafia boss. H-hindi ko kayang ito ang magisnan ng a-anak ko. Kaya pwede bang---"

"You're not going to leave."


"WHAT?!" Iyon ang naging reaksyon ng mga kasamahan ni Zander.

Nanatili akong nakayuko, hindi makatingin sa mga mata nila.

Kitang-kita ko kung gaano sila hindi sang-ayon sa naging balita. And i know why. Ayaw nilang masangkot sa ganito ang boss nila, dahil balita ko ring labis na ipinagbabawal sa grupo nila ang pagkakaroon ng pamilya dahil iyon ang gawing target ng mga kalaban. Ang rules ng grupo ay matinding ipinagbabawal na magkaroon ng weaknesses.

"Boss, you already know what is the consequences!" saad ni Tyler.

Inangat ko ang tingin kay Zander, tumango lang ito bago tumayo.

"And i'm ready for taking the punishment," aniya't nagsimulang maglakad.

Sandaling binalingan ako ng mga ito ng tingin, kita ko ang pagkunot ng kanilang mga noo, pero kaagad rin naman silang umalis.

Malakas akong napabuntong hininga.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, dapat hindi ito nalaman ni Zander. Mas lalong ayokong makulong sa kaniyang patakaran.

"Are you ready for being a mafia queen?" tanong ng bata.

Nagpaiwan pala ito. Naka-krus ang maliit nitong binti habang umiinom ng juice. Para na rin siyang boss kung umasta.

Kaagad akong umiling. "Ayokong maging kung ano man 'yang sinasabi mo, bata. Ang tanging gusto ko lang ay maging isang normal na tao lang. Ayaw kong maging parte ng buhay ng mga mafia."

"And you got no choice," tumayo siya't nagsimulang maglakad palayo, ngunit bago pa ito tuluyang makalayo ay lumingon siya sa'kin. "It's, Noah!" pahabol nito.

"Argh!" kaagad akong napatayo nang may marinig na sigaw.

Tipong para itong nasasaktan na kung ano. Nakaramdam ako ng kaba, to my curiosity, lumabas ako't tiningnan kung ano iyon.

Sumilip ako ng bahagya, ngunit wala akong nakita na tao. Tanging kalabog at ang paghiyaw lang nito ang aking narinig.

And that sounds seems so familiar.

"Argh! What a fvcking fvck! Ugh!" hiyaw ulit nito na may kasamang mura.

Tinahak ko ang daan patungo sa kung saan nagmula ang hiyaw. May dugo akong nakita sa semento at iyon ang sinundan ko. Binuksan ko rin ang gate, sunod kong nakita ay isa pang pinto.

Dahan-dahan ko iyong binuksan, halos manlaki ang aking mata sa nakita. Sobrang dami ng tao, tantya ko ay nasa 100 sila at bawat isa sa kanila ay may dalang baseball bat at iyon ang ipapalo sa nakahigang si---Zander.

"Z-zander," mahina kong bulong.

Kahit bumuga na ito ng dugo, patuloy pa rin ang mga ito sa sunod-sunod sa paghampas. Alam kong sobrang galing ni Zander sa pakikipaglaban, pero sa nakikita ko ngayon, para bang ibang tao siya dahil kahit isang galaw para lumaban ay wala siyang ginawa kundi ang humiyaw dahil sa sakit.

Nakita ko ring nakahalukipkip lang na nakatingin sina Red kay Zander.

Takang napaisip ako, akala ko ba si Zander ang boss? Pero bakit tela isa lang ito sa mga bagong pasok na tauhan?

"That's the punishment for breaking the rule," bulong ng kung sino.

So, marunong din palang tumanggap si Zander ng punishment? Tanging saad ko sa aking isip.

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon