CHAPTER 7

4.7K 111 13
                                    

"KAPATID KA NI ZANDER?" pasigaw kong tanong kay Noah habang nagtatadtad siya ng pechay.

Besides of killing people, he's good in cooking din daw, ika pa niya.

Oh, diba? mas okay pa yatang maging mafia boss itong seven years old kesa kay Zander. Pakiramdam ko, walang ambag sa grupo, tsk.

"Yeah, I am Noah Joseph Pangilinan," saad pa nito.

Patango-tango nalang ako. Kanina ko pa itong kausap, naka-upo lang ako habang pinanood siya. No'ng una ay gusto ko siyang tulungan, takot rin akong mahiwa ang kaniyang kamay, pero may panlaban pa rin siya. Hindi nga raw siya takot na putulan ako ng leeg gamit ang espada, 'yan pa kayang mahiwa siya?

What a stupid kiddo.

Nalaman ko ring bukod pa sa pagiging mafia boss ni Zander, may sarili rin itong companya, five star hotel, resort, at iba pa. All i thought ay bukod sa pagiging basagulero niya, ay wala na siyang iba pang ginawa.

"Alam mo na ang lahat sa kuya ko. Now, i want to ask you, and it's your turn to answer my all questions." aniya.

Ngumiti lang ako ng kunti bago tumango ng marahan.

"Where is your father?" unang tanong niya na kailan man ay hindi ko magawang sagutin kahit kanino. Kahit sarili ko pa ay hindi ko masagot ang katanungang iyon.

Panandalian akong balisa, tumungo at pinaglaruan ang sariling kamay.

"H-hindi ko alam," I said honestly.

Rinig ko ang pagkalabog ng kutsilyong hawak nito. Gulat akong napatingin nang nakatarak na iyon sa may kabilang mesa.

"A-ah, bakit mo gustong malaman?"

"I just want to." kumunot ang noo nitong napatingin sa'kin. "Hindi mo alam kung bakit ka nandito ngayon sa mansyon namin?" makahulugan niyang saad dahilan para mapaisip na rin ako.

Pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nila sa'kin. Ang paghahanap nila sa'kin sa school.

"Alam ko, kasi dahil sa dare at natalo si Zander kaya kailangan nila akong maging maid?" patanong kong sagot sa kaniya.

Umiling ito't napatawa. Parang hindi na bata ang kausap ko dahil sobrang matured na nitong makikipag-usap.

"Ang stupid mo naman dahil tinanggap mo ang simpleng dahilan. Tsk tsk tsk, poor of you." aniya't lumukso na sa semento at naglakad palabas ng dinning area.

Hindi ko siya maintindihan. Anong ibig niyang sabihin na simpleng dahilan?

"HERE'S YOUR DRAGON FRUIT!" padabog na saad ni Red.

Sampong dragon fruit ang nasa harapan ko ngayon. Kung anong ugali meron ang kanilang boss, gano'n din ang kanila.

Anong klaseng pag-iisip meron sila? Hindi naman ibig sabihin na nag-crave ako ng dragon fruit ay uubusin ko na ang sampong iyon.

Pasiring ko silang tiningnan. "Siguradong galing Davao 'yan?" diskompyado kong tanong sa kanila.

"Fvck! Tama nga si Boss, can't you just be thankful, woman? Ngayon lang kami naka-encounter ng ganitong klaseng babae!"

"Edi, thank you!" kita ko ang pag-iling ni Zaijan.

Hindi ko nalang sila inintindi. Sunod namang pumunta sa harap ko si Phoenix, may uling pa ito sa kaniyang ilong dahilan para hindi ko mapigilan ang sariling mapatawa ng malakas.

"Gosh, hahaha, para kang batang walang ina, pfft!" tawa ko rito.

Sinamaan ako nito ng tingin. Tipong hindi ka na mabubuhay kapag binigyan mo iyon ng atensyon.

"You can eat now," aniya't tumalikod na agad. Kita ko pang may dala-dala itong cellphone at YouTube ang nakatatak roon.

So, nag-research pa siya? pfft!

Halos lumuwa ang mata ko sa nakitang nasa hapag, may kimchi, at apat na putaheng hindi ko na makilala kung ano ang mga iyon dahil may sunog, walang sabaw at may ginataan.

"Ito na?" dismayado kong tanong.

Lahat sila ay napatingin sa'kin na para bang kakainin na nila ako ng buhay.

"Thank you, Phoenix. I know na binuhos mo ang effort mo sa pagluto ng mga ito para sa'kin. At kakainin ko ang lahat ng 'yan kahit hindi ako satisfied." malungkot ang aking mukha na umupo sa gitnang upuan.

Napahawak ako sa sentido. Kung sila ngayon lang naka-encounter ng babaeng katulad ko, ako din, ngayon lang ako naka-encounter ng mafia'ng hindi marunong magluto.

Lahat kami ay napatingin sa cellphone ni Red nang tumunog iyon. Pati si Noah ay kunot rin ang noo'ng nakatingin roon. Isang senyas ni Phoenix bago iyon sinagot ni Red.

"What? Blueprint? How?!. . . Just keep an eye on him, kami na ang bahala."

Nang maibaba ni Red ang tawag. Seryoso na ang mga mukha ng mga ito, animo'y may mga plano ng nabuo sa pamamagitan ng kanilang tinginan.

"Noah, puntahan mo si Boss. He needs to know about this," malalim ang boses na saad ni Tyler.

Umupo ako sa hapag at sinimulang tikman ang niluto ni Phoenix. Hindi nito nakuha ang lasa, pero kapag sinabi ko iyon, paniguradong sa hukay ang bagsak ko.

"What is fvcking happening of my company?!" nagtangis ang bagang na sigaw kaagad ni Zander ang umalingawngaw sa buong mansyon.

Halos mapapikit pa ako dahil sa lakas niyon. Okay, the magical words is already alive.

"Ninakaw ang blueprint ng company, Boss." Si Red.

"You know what you're doing next, Phoenix." Isang tango lang ang isinagot ni Phoenix.

"Tyler, tapos mo na ba ang pinapa-research ko sa'yo?" tanong nito kay Tyler, may inabot naman kaagad si Tyler kay Zander na kaagad nitong tinanggap. "Good. Now, it's time for us to work. Just observe them." Napadako ang tingin nito sa'kin.

Bahagya akong ngumiti sa kaniya, ngunit kaagad ko rin iyong binawi nang Tumalikod na ito.

"In my office, now!" Anunsyo nitong hindi ako binigyan ng kahit konting pansin.

Hindi ko alam, pero kaagad na umangat ang dugo ko sa ulo. Matapos ko siyang gamutin ay hindi na niya ako papansinin?

Akmang tatayo na ako nang biglang umikot ang aking paningin kasabay ng dahan-dahang paglamon sa'kin ng dilim.

Blurd pa sa aking paningin ang pagmura ni Zander at dali-daling paglapit sa'kin tsaka pinangko ang aking tuhod at binuhat.

"Fvck! Fvck! Fvck!" huli kong narinig bago tuluyang lamunin ng dilim.

Accidentally One Night Stand With The Mafia Boss  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon