Chapter 1

6.4K 148 48
                                    

Mary Kate

"Are you sure you're okay, Katie? I miss you na anak.."

Napangiti ako habang kausap sa phone ang aking Mommy Hana. Naglalambing na naman siya. I understand, almost one month na kasi akong hindi nakatira sa bahay namin sa Manila. Simula kasi ng magresign ako sa St. Michael ay dito na ako nag stay sa Lucena para magturo sa bagong school na papasukan ko.

Yes po, nasa lalawigan ako ng Quezon. Dito na rin nakatira si Ate Shana pero sa ibang bayan siya. Once a week ay dumadalaw ako sa kanya lalo na at malapit na syang manganak. Noong naghiwalay kasi kami ni Haru ay lagi kaming nagpupunta sa Villa Santillan kaya naman nagustuhan ko dito sa Quezon.

Pero syempre kaya ako lumipat ng school ay dahil sa sobrang kahihiyan. Hays. Ang buong St. Michael ay inaakalang kami ni Haru ang magpapakasal. Kaya naman laking gulat nila nang magpakasal ito sa dating student council president na si Samuelle Ramos. Ang sikat na estudyante nila na inakala ng lahat na patay na. Halos lahat sila ay ako ang tinatanong tungkol dun dahil hindi naman na naglabas ng balita ang mga Saavedra tungkol sa bagay na yun. Ang naiwan sa kahihiyan, kami ng pamilya ko.

Kaya nagdecide ako na dito magturo para walang nakakakilala sakin. Ngayon ang first day ko kaya naman naghahalo ang kaba at tuwa. Malaki ang St. Michael kumpara sa St. Catherine. Hindi kasi nagtuturo ng senior high dito. Kaya nga ang tuturuan ko ay mga Grade 10 students. Goodluck.

"Don't worry Mom, I'm okay." Sagot ko sa kanya habang inaayos ang laman ng bag ko. Chineck ko lang naman kung wala na akong nakalimutan. "I'll call you later, Mommy. Baka ma-late po ako sa first class ko."

"Katie ha. Wag kang magpapalipas ng gutom. Tawagan mo agad kami o kaya si Shana pag may problema ha? Behave!"

"Yes po Mommy. Bye na po. Love love po." Nang marinig ang sagot niya ay pinatay ko na agad ang phone ko. Chineck ko na rin ang itsura ko. dapat mukha akong presentable ano. Nang masigurong okay na ay bumaba na ako ng kotse ko dala ang mga gamit ko.

Napansin ko ang bahagyang pagtigil ng ilang estudyanteng nakakasabay ko. Alam siguro nila na bago lang ako dito. Ito ang gusto ko kaya lumipat ako. Kahit tingnan nila ako, at least alam kong wala silang maiisip na masama tungkol sakin. Hindi na ako mahihiyang makihalubilo sa iba.

Dumiretso ako sa faculty para makipag usap kay Mrs. Falcon, ang principal ng paaralan. Ang sabi kasi niya ay sasamahan niya ako para ipakilala sa first class ko. Ako din daw kasi ang magiging bagong adviser ng mga ito. Ang sabi pa ni Mrs. Falcon ay nasa klase ko ang pinaka matalinong student dito sa school kaya siguradong matutuwa raw ako.

Magkasabay naming tinungo ang classroom na naka assign sa akin. Siya na rin ang nagbukas ng pinto at pagpasok namin biglang tumahimik ang mga estudyante sa loob. Ang ilan naman ay nagsibalik sa mga pwesto ng mga ito. Lahat ng atensyon ay nasa aming dalawa na ngayon.

"Good morning class." Bati ni Mrs. Falcon sa mga bata. "Alam nyo naman na nagresign na si Mrs. Garcia last month para makapag focus sa family niya. Starting today, you will be in the care of your new homeroom teacher."

"Yes, Ma'am." Sabay sabay na sagot ng mga ito.

"Well then, I would like to introduce your new homeroom teacher. Miss Mary Kate Beltran!"

"She's really pretty, isn't she?" Narinig kong tanong ng isang cute na babae sa katabi nito.

Pasimple kong tiningnan ang estudyanteng nasa harap ko mismo na tila pinag aaralan ako. Ang mga titig nito ay nakakatunaw na akala mo inaalam kung perpekto ba ang kaharap o hindi. Mabuti nalang maganda ang mga mata nitong kulay light brown. Natural ba ito o naka contact lens lang siya?

Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon