Chapter 29

1.7K 92 26
                                    

Hello sa napaka ganda kong girlfriend. Mas maganda ka pa sa kalangitang puno ng mga magagandang bituin. 🍓🍓🍓

-----

Mary Kate

"So.. Kailan pa kayo nagsasama ni Jam?"

Seriously, pang ilang tanong na niya yan? At ilang beses na rin akong sumagot na hindi kami mag-asawa, wala kaming relasyon. Pero lasing na yata itong batang to kaya paulit ulit na ang tanong. At ako si gaga, paulit ulit rin na sumasagot. Ayaw yatang maniwala sa akin na ang platonic love lang ang meron samin ni Jam. At saka bakit ko ba ini-explain sa kanya yun? Dapat nga ay wala na kaming pakialam sa isa't isa eh.

Hindi siguro talaga magandang ideya na sumama ako sa kanya dito eh. Sana pala pumayag nalang ako na magluto sa bahay niya, kesa yung nandito kami sa hotel room, nag uusap habang umiinom siya. Ang tanga ko naman talaga kahit kailan. Puro maling desisyon nalang talaga ang alam kong gawin. Inaabala ko nalang nga ang sarili na tumingin sa dagat eh. Pero parang mas magandang view si Lavender habang umiinom. Damn. Hindi naman ako uminom pero pakiramdam ko ay parang nalalasing na rin ako. Kakaiba rin kasi ang nararamdaman ko ngayon.

Lumingon ako sa kanya at sinalubong ang mga titig niyang kanina pa may pinapahiwatig. Gusto ko mang ibaling ulit sa iba ang paningin ay parang nakaka-hipnotismo naman ang mga mata niya. Mga matang dati ay puno ng paghanga at pagmamahal kung tumitig sakin. Mga matang puno ng kainosentehan, hindi katulad ngayon, tila puno ng ibang emosyon ang magaganda nyang mga mata.

"Come here, Miss Beltran.." Halos pabulong nalang na tawag niya. Inuutusan niya ba ako?

Ako lang ba o talagang pati ang boses niya ay may pinapahiwatig na rin? May bahagi ng isip ko na nag uutos na lumabas nalang ng kwarto at iwan siya rito. This woman is danger personified, with a seductive eyes and voice. Pero katulad lang din sa mga nahihipnotismo, para akong sunud-sunuran na tumayo at unti-unting lumapit sa kanya. Ewan ko kung anong trio nya kanina kasi nakatayo siya at ayaw maupo. Ang sabi niya ay maganda ang view rito, pero parang wala naman syang pakialam sa magandang tanawin sa labas, sa akin nalang kasicsiya nakatingin kanina pa habang umiinom ng alak.

Huminto ako sa mismong tapat niya, halos isang hakbang mula sa kanya. At sigurado ako na naririnig ko yung puso ko na halos magwala na sa pagkabog. Ganitong ganito yun eh, yung naramdaman ko noon. Para lang akong dating MK na nagwawala ang puso kapag malapit siya sakin.

Hindi rin ako nagreklamo nang pumulupot sa beywang ko ang isang braso niya. Hawak kasi ng isang kamay niya ang baso ng iniinom. Napahawak tuloy ako sa dibdib niya at nararamdaman ko rin ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Pareho kaya kami ng nararamdaman? Katulad ko ba siya na kinakabahan at hindi mapalagay sa simoleng pagdidikit lang ng aming mga katawan?

Naramdaman ko na rin ito dati, kapag nagkakalapit kaming dalawa. Ganitong ganito ang pakiramdam. Nakaka-kaba na nakaka excite. Yung akala mong may kung anong nagrarambulan sa tiyan mo, lumalakas ang tinok ng puso at nakikisabay pa ang pag iinit ng katawan. Halo halong emosyon na sa iisang tao ko lang naman naramdaman.

May pakiramdam rin ako na nakakalunod ang mga titig niya. Parang mas safe pa kung sa dagat ako tumitig. Pero sa mga mata niya? Walang takas. Wala na yata akong takas. Habang nakatitig siya ay itinaas nito ang basong iniinuman at itinapat sa bibig ko. Anong ginagawa niya?

Oh gosh, inaakit nga talaga ako. At aminado akong masyado akong marupok at mahina para kontrahin siya. Hindi na siya ang dating batang si Lavender na walang alam pagdating sa mga ganitong bagay. Nararamdaman ko na rin ang panghihina ng mga tuhod ko. Ganyan pa nga lang ang ginagawa niya pero heto ako at hindi na alam ang gagawin. Ibang klase talaga ang epekto ni Lavender sa buong sistema ko.

Bachelorette Series #7: Mary Kate Beltran (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon